SAAN NGA BA AKO NAGKULANG

176 2 0
                                    


Ano ba ang kulang?
Ano ba ang gagawin ko,
para makita niyo ang pagtyatyaga ko.
Ginawa ko naman ang lahat
Pero, parang kulang pa yata.
Kailangan pa ba na magmakaawa ako "Tulongan niyo ako"
para makita niyo lang na nahihirapan na ako?
Puro na lang mali ang nakikita niyo
Sana naman maramdaman niyo kung
gaano kahirap.
Madami akong kaibigan pero wala ni isa ang mapagkakatiwalaan
Walang makausap tungkol sa mga problema ng buhay ko.
Parang ako lang ata ang naaawa sa sarili ko.
Gusto kong itanong sa inyo ito
Saan ba ako nagkulang?
Ano ba ang dapat kong gawin?
Paano ko ba maipapadama na kailangan ko rin ang tulong niyo.
Parang hindi ko yata ma-isa-isa ang mga tanong na dapat kong itanong sa inyo, pero bahala na.
Isusolo ko na lang tong problema ko o kaOAhan ko sa buhay dahil para saan pa ba tong sinasabi ko na alam ko naman na wala namang kwenta para sa inyo.
Kaya napagtanto ko na
Ipagpatuloy ko tong pagtyatyaga ko
dahil para to sainyo.
Alam ko may plano ang panginoon
kong bakit ko ito nararanasan
salamat nang dahil sa inyo
nalaman ko ang kahinaan ko at
salamat nang dahil naranasan ko
itong kakaiba para sa akin.
Wala na kong magagawa, gagawin ko na lang na puro sa akin ay tama.
Pero ito lang ang tangi kong ihihiling
sa inyo na sana sa susunod,
makita niyo sana kung sino ang nandyan para sa inyo.



Spoken Word PoetryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin