"Kung ako sayo, bumalik ka na lang sa ibang bansa kagaya ng ginawa mo noon, baka nakakalimutan mo ha? Kaya kayo naghiwalay dahil pinagpalit mo si ace sa ibang bansa. Siguro first time mo? " pangaasar ko. Nagiba na ang reaksyon nya. Nakakaawa sya.

"Oh yes! It's my first time, pero bago ako umalis, nangako kami sa isat isa. Pagbalik ko dito, magpapakasal kami. Dapat akp yung Nasa west nadia! Dapat ako! " duro nya sakin, hindi na lokohan ang usapan namin. Kaso totoo ba lahat ng sasabihin nya?

"Wala akong pake sayo mhelbel, nakikita mo to? " sabi ko, at itinaas ang kamay na may singsing namin ni ace.
"Gusto mo palunok ko sayo to? Para maitatak Jan sa isip mo na may asawa na si ace! Akin na sya ngayon mhelbel"

Bakat sa muka nya ang galit at gigil sakin. Mamili ka kasi sa susunod ng bwibwisitin mo!

"So? Hindi basihan ang singsing sa pagmamahalan nadia, kahit paikot ikotin mo ang mundo, mas mahal ako ni ace! " pinamumuka nya sakin ang sinasabi nya. Pwes tatapusin ko na to, baka ano pang mangyari sa bata.

"Sayo pa talaga nanggaling ang salitang yan ha? Mahal ka? Bakit sya nagpakasal sakin?" I said.

"Talaga? Ikaw na lang ang nagsasabi nyang nadia" sabi nya, at palapit na ng palapit sakin.

"Wag na wag kang didikit sakin mhelbel, malinis ako kaya ayokong may dumidikit na madumi sakin" I said.

"Wag mo kong itulad sayo! "

"Oh! Wag mong sabihing malinis ka din? Nang ahas ka nga ng may asawa tapos sasabihin mo sakin malinis ka? Mandiri ka nga! " singit ko ng magsalita sya, palayo na ko ng palayo dahil palapit sya ng palapit sakin.

"Eto lang itatak mo sa isip mo mhelbel para matapos to, mas mahal ako ni ace kaysa sayo! " ani ko, at nilagpasa sya. Ngunit hinablot nya ang buhok ko at winagwag ako.

"Malandi ka! Ha! Malandi! Malandi! " sigaw nya habang sinasabunutan ako.

"Tama na mhelbel! Tama na! " sigaw ko, ngunit ayaw nyang magpaawat, hanggang sa tumalsik ako. Yung bata.

Hinatak nya nanaman ang buhok ko ng tumalsik ako.

"Lumayas ka dito! Lumayas ka dito! " sigaw nya at hinagis ako palabas. Ang sakit ng katawan ko.

"Nadia! " sigaw ni ace, hingal na hingal pa din ako, dahil sa ginawa ni mhelbel. Kaya kong labanan iniisip ko lang ang bata.

"A-ace... Yu.. Yung bata" hingal na hingal kong sabi, naiiyak nako.

"Dadalhin kita sa hospital" ani nya, at binuhat ako. Nakita ko si mhelbel nagulat na gulat, sa nangyari, lalo Nat nakita ni ace ang ginawa nya.

Ace's pov

"Ace! Si nadia? " salubong ni Darren, kasama ang mga 'Red Hand'

"Nandun sya sa loob, ikaw na maunang pumasok" sabi ko, habang hindi ko pa rin natatanggap ang nangyare. Ano ba talaga nangyare kanina?

"Anong nangyare boss? " ani Ed. Nakaupo lang ako at nakatungo habang hawak awak ko ang ulo ko, sa sakit ng ulo.

"Baka makunan si nadia"

"Sana kumapit ang bata"

"Hays kawawa naman"

"TAMA NA!" Nabigla ang lahat ng sumigaw ako. Sobrang sakit talaga ng ulo ko sa mga nangyayare.

"Anong nangyayari sayo ace? Simula ng matapos ang kasal nyo, lagi ka ng ganyan?" Singit ni Aaron. Ano na nga ba nangyayari sakin? Iniisip ko ang bata, ayokong maging dahilan para mawala iyon. Lalo Nat sya ang panganay ko.

"Sinong tumawag Kay mhelbel para bumalik dito? SINO! " sigaw ko ulit, Naiiyak na ko sa nangyayare, iniisip ko lang ang bata.

"Boss walang tumawag sa kanya, ang sabi nya lang samin nun. Babalik sya" ani Angelo. Totoo bang yun lang ang pakay nya?

"Ace, ano ba talaga nangyare? Bakit tinatanong mo yan? " Aaron said.

Sabagay noon pa lang ay klows na sila ni mhelbel, pero alam ko namang boto din sya Kay nadia dahil iba si nadia kumpara kay mhelbel.

"Pag namatay ang anak ko, i kill her" ani ko, at inalisan na sila. Oo aaminin ko mahal ko pa si mhelbel kaya may nangyari samin, pero hindi ko inaasahang aabot sa puntong ganito ang mangyayare.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now