First Teardrop

4.2K 36 25
                                        

Kinabukasan ng gabi ay magkausap ng muli si Summer at Rain.

Summer : Kamusta tulog mo?

Rain : Bitin eh. Grabe, nagyayaya na naman si Snow sa Republiq. Kasama daw si Autumn.

Summer : Sino si Autumn?

Rain : Kaibigan ni Ate. Pinakilala saken kagabi. Gusto daw ulit ako makita.

Summer : Ah ganun ba. Ok. Nuod lang ako WilTime BigTime.

Rain : Kilala mo dyan si Lovely?

Summer : Oo, matagal na yung dancer eh.

Rain : Oo nga. Kamukha yan ni Spring.

Summer : Oh talaga?

Rain : Oo. Yun lang?. Ako nga pag nagkaanak, Lovely papangalan ko.

Summer : Ah ayoko naman nung Lovely.

Rain : Ah basta ako, yan ang gusto kong name.

Summer : Ok, sige ninang na lang ako.

Rain : Di pwedeng ninang.

Summer : Ok, edi ninong. -.-

Rain : Hindi nga pwede.

Summer : At bakit hindi?. Akala ko magkaibigan tayo. Nakng. -.-

Rain : Hindi nga kase. Eh kelan ba kasi naging ninang ang nanay?

Summer : Hahaha. Adik ka. :P (kinilig)

Rain : Oo, adik sayo. :) Ayy nga pala, baka mapasyal kami nina Mama sa Tagytay, dun muna kami sa resthouse namin dun. Magkita na lang tayo sa SM para mabigay ko sayo yung pasalubong ko sayo.

Summer : Bahala na. Busy kase eh. :/

Rain : lagi na lang busy. :|

Bisperas na ng Christmas ng binati ni Rain si Summer .

Rain : Merry Christmas, Sum.

Summer : Merry Christmas too. :)

Rain : Sige tulog na ako.

Summer : Ha?. Dafuq. Paskong pasko matutulog?

Rain : May sakit ako remember?

Summer : K.

Rain : Ahaha. Sungit. Bat ka nang ke'K? Suplada. PMS.

Summer : Ewan ko sayo.

Nagtampo si Summer kay Rain. Pero kinaumagahan ay bumawi si Rain kay Summer.

Rain : Good Morning Pretty.

Summer : Ano ok ka na? :/

Rain : Yap, I'm fine.

Summer : Thanks God. ANswered prayers. Alam mo lagi kitang pinagdadasal?

Rain : (napangiti) Talaga? Paanong pinagdadasal?

Summer : Na sana lagi tayong masaya. Lagi tayong magkausap. Lagi tayong nagkakaintindihan.Seryoso. Masaya talaga ako kasi nandyan ka.

Rain : Kahit ako, thankful din naman. Bat ang thoughtful mo?. :P Basta, wag tayo nagmamadali. If it's meant to be, Everything will conspire to make it happen.

Summer : I know right. :D Gusto na kita makita, Rain. :)

Rain : kahit naman ako. Ikaw lang naman ang hinihintay kong pumunta dito eh.

Ilang araw ang lumipas. May kakaibang naamdaman si Summer sa mga ikinikilos ni Rain. Kaya agad tinext ni Summer si Rain.

Summer : Hello. :)

Rain : Hi.

Summer : Parang ang tamlay.

Rain : Ah wala lang. May iniisip lang ako.

Summer  Anu yun?

Rain : Ah wala yun. Nvm.

Summer : Sige na sabihin mo na. May problema?. Kanino?

Rain : Ah basta.

Summer : Kay Spring?. Sa Ate mo o kay Autumn?

Rain : Ahh kay Autumn. :/

Ayaw naman talagang ipasok ni Summer si Autumn kasi alam nyang nagiging malapit na sila sa isa't isa. Tila ba nakaramdam si Summer ng insecurities kay Autumn. Kasi the way na idinedescribe ni Rain si Autumn, mapapansin mong parang isang perfect na babae si Autumn.

Rain : I bet she's fine now. Kaso parang nahihiwagaan ako sa kany.

Summer : Eh bakit naman?

Rain : Niyaya siya nung lalaki lumabas tapos hayun pumayag sya. Sabi ni Ate Snow, gusto daw ako laging makita ni Autumn pero may time pa syang makipagkita sa ibang lalaki. Tsk.

Summer : Ah ganun ba? Malay mo nahiya na lang sya tumanggi.

Rain : Ang isang babae pagum'OO, desidido. Hindi siya napilitan, nagustuhan nya din yun. 

Summer : 'Wag mo na lang pakaisipin. :)

Rain : Nakakainis kase.

Pagkatapos ng pag uusap na yun, hindi namalayan ni Summer na naluha na sya sa naramdaman nya. Di nya alam kung paano siya magre'react. Magiging isang kaibigan lang ba syang dapat na maging masaya kasi may nagugustuhan na atang iba yung kaibigan nya O dapat mag'react siya bilang isang taong lihim na atang umiibig sa kanyang kaibigan. Hindi siya nag'e'expect ng anything  pero bakit labis pa rin siyang nasasaktan. Bakit parang feeling nya, mali na namn yung taong ginusto nya?. Bakit ganun, bakit kailangan pa nya mahirapan kahit na yung mga past relationships nya, sya na lang ang laging iniiwanan?.

ITUTULOY. . . . 

It Started With a LikeWhere stories live. Discover now