A Close Look

759 3 0
                                    

Si Ice. Icelyn Villafuerte Tan. Galing sa isang Chinese Family. Ang tatay nya ay half-chinese at half pinoy na nakatira sa Quezon at ang kanyang nanay ay pure blood chinese. . Marami silang magkakapatid pero marangyang buhay pa ren ang binigay sa kanila dahil nga sa may lahing intsik sila. Lumaki si Ice sa Pilipinas kaya ugaling pinoy pa din siya pero tinuturuan pa rin sila ng kultura ng intsik. Balingkinitan ang katawan nya, chinita at masayahing dalaga. Member siya ng Dance Troupe ng Hospitality Management Department ng LCC International University kung saan nya nakilala ang ex-boyfriend nyang si Drizzle. Isa siyang weird na tao kase pumasok siyang isang service crew ng isang fast food chain. Nagwo-working student siya nung nakilala siya nina Summer at Rainbow kaya akala nila isang tipikal na estudyante lamang ito. Pero ang di nila alam ay mayaman ang pamilya ni Ice at maging siya ay isang part-time model sa isang clothing line sa States at Europe.

Si Drizzle John Valdez ay galing sa isang broken family. Isang gwapong lalake, matangak, bilugan ang mata, may matangos na ilong. Mahilig siya sa mga pets kaya nagtayo siya ng pet shop malapit sa bahay nila. Nakakausap pa rin naman niya ang parents kahit na ang mama niya ay nasa Italy at ang papa niya ay nandito din sa Pinas pero may sarili ng pamilya. First love talaga ni Drizzle ang Taekwondo. Lumalaban na siya sa National at International competition pero dahil sa nasa Dance Troupe si Ice, ginusto na niya rin na pumunta duon at lalo pang mapalapit sa kay Ice.

Si Hurrijake Sandejas. Close friend ni Rain na isang gimikerong mahilig maghanap ng bebot. Matangkad, kalbo at may goatee. Magaling na karerista si Hurri kaya madalas nyang isama si Rain na bestfriend nya. malaki ang paggalang nya sa nanay nya pero kung sa ibang mga babae ay parang kabaligtaran. Mahilig siyang mang asar pero pag nagseryoso ay nakakatakot ng kausapin. Patay na ang tatay nya kaya ganun na lamang ang pag aalaga nya sa kanyang ina.

Si Hail Erick Richards ay ang close friend ni Summer na isang Fil-Am guy. Dati siyang naninirahan sa sa States pero nagdesisyon siyang ipagpatuloy dito ang pag aaral nya. Matangkad si Hail, bagsak ang buhok, at naka-brace. Foreigner ang itsura nya pero marunong magtagalog. May kaya ang pamilya ni Hail dahil kasama sa isang malaking korporasyon ang pamilya nila. Kaso napadestino ang parents niya dito sa Pilipinas kaya dito na rin sila nanirahan. Masyadong direct to the point si Hail dahil na rin sa american culture na meron siya, gamer at medyo slang pa talaga magsalita. Gusto niyang matutong magtagalog dahil na rin sa gusto niya laging kausap si Summer.

Si Winter Yves Xavier ay isang half american, half filipino-japanese. His parents are both foreigners pero ang grandparents nya ay may filipino blood kaya ganun ang lahi niya. Gwapong lalake si Winter, maganda ang katawan na pang-model. Nag aaral siya sa ADMU pero kelangan ng bumalik ng States para duon na manirahan. Siya ang ex-boyfriend ni Summer. Parang si Chris Tiu siya dahil matalino, mayaman at gentleman. Yun nga lang masyado siyang malapit sa mga chikas.

Si Autumn Kirsten Madrigal ay isang photojournalist sa isang sikat na publishing company. Kaibigan siya ni Snow na kapatid ni Rain. Galing sa isang respetadong angkan, Autumn lives her life according to her will at good thing dahil suportado siya ng pamilya niya. Happy-go-lucky si Autumn kaya di pa nya talaga sinseryoso ang carrer na gusto niya. Isang matangkad, may mahabng kulot na buhok, may magandang mata at sobrang sexy ang katawan ni Autumn. At kung ikaw man ay isang lalake, mapapansin at mapapansin mo din siya.

It Started With a LikeWhere stories live. Discover now