Dalawa

9 1 0
                                    

Kanina pa ako nakabuntot kay Ziba sa kung saan man siya pupunta.Kanina pa rin ako nahihiwagaan kung teritoryo nga ba ito ng nga bampira.

"Wala ka bang kapangyarihan? I mean we are always walking,don't you have any powers like teleportation?like I've read to those vampire stories?" Nagtataka kong tanong.

Hindi rin ako kumportable sa suot ko ngayon dahil sobra naman sigurong iksi ang mga damit dito? Buti sana kong ganiyan lang ang suot ko kay Ziba na halos sakupin niya lahat ng mga patay na damo sa lupa dahil sa haba.

Lumingon siya sa akin ng seryoso pero hindi na naman sinagot ang tanong ko.

Nagpasiya akong tumahimik na lamang dahil mukhang ginagaya niya ang mga iilang bampirang kaniya-kaniya ang ginagawa subalit walang lumalabas na boses sa kanilang bibig.

Ang ganda ng paligid ay kabaliktaran ng halos nakabusangot na mukha ng mga tao—i mean bampira na mukhang abala sa lahat.

Inilibang ko na lang ang pagtingin sa mga napapadaanan naming bampira na kasing puti ng puti na tela,don't get me wrong i am also white as they are but i am not that white.Arghhh! Basta yun na iyon!

Maliwanag ba talaga ang tahanan ng mga bampira? Bakit ibang-iba ito sa mga story na nababasa ko? Pati na rin sa movies? Ano ba talaga ang totoo?

"Umayos ka nga,Yvaine!" Gigil na pasigaw niyang bulong sa akin.

Inosenteng dumapo ang mga mata ko sa kaniya at nag kibit-balikat

"Ano na naman? Limitado ba ang lahat ng kilos ko?" Pahalakhak kong tanong.

"Nasa baryo pa lamang tayo ng non-pure blooded vampire pero ramdam ko ang panghihinala nila sa iyo kaya umayos ka" Pagbabanta niya.

Napatulala ako sa sinabi niya.Arghhh! Ano ba itong pinasok ko?

Tumingin ako sa paligid at unti-unti na kaming napapalapit sa mga makahoy na lugar at madilim.

Non-pure blooded vampire? Ibig ba niyang sabihin ay pupunta kami sa mga pure blooded vampire? I wonder how they look,upon seeing these non-pure is pretty amazing,now i have this big expectation of these pure blooded vampires.

"Mayroon akong teleportation na kapangyarihan pero limitado lang dahil hindi pa ako tumuntong sa edad na dalawampung taon" Pagbabasag niya ng katahimikan.

Tumingin ako sa kaniya ,nakita ko ang ngisi na sumilay sa kaniyang labi nang marinig namin ang tatlong magkakasunod na tambol.

"Masaya to!" Wika niya atsaka mabilis siyang naglakad kaya sinundan ko na lamang siya.

Fuck!

Hahakbang na sana muli ako pero biglang nagdilim ang paligid tanging ang buwan lang na bilog na bilog sa tala ang naging ilaw upang makita ko ang pagtataka sa mukha ni Ziba.

"Anong nangyayari?" Tqnong ko sa kaniya.

Tumingin siya sa paligid nang magkasalubong parin ang dalawang kilay niya na animo'y nahihiwagaan rin sa nangyayari.

Pumikit siya nang mariin at inilagay ang dalawang daliri sa gilid ng mata niya.

"Fuck! Fuck!"

Paulit-ulit niyang mura nang bumukas ang kaniyang mga mata.Naguguluhang tinignan ko siya pero umiling lamang siya at sinimulang hapitin ang kanang kamay ko upang tumakbo muli.

"Ano bang nangyayari? Can you explain to me? Para akong tangang nanghuhula!" Inis kong sabi sa kaniya pero as usual ay hindi na naman siya umimik.

Naramdaman ko na lang ang pagbilis ng takbo namin,napalunok ako nang madama ko ang ilang pares ng mata na nakatingin sa likuran namin.

Lost BloodWhere stories live. Discover now