"Elle?" Sumulyap ako rito at tinaasan ng kilay. "Ayaw mo bang andito ako?"

Ow shit! Mali!

Halos ma-ibato ko ang cellphone ko at tinignan siya. "What?" naiinis na tanong ko.

Kita ko ang paglunok nito. "A-ayaw mo ba ako rito?"

Pinaningkitan ko ito ng mata. "Bawal ang mga kagaya mo rito, Trev," walang emosyong usal ko.

Kumunot ang noo nito. "H-huh?"

Inabot ko ang cellphone ko at inilagay sa bag ko at tsaka tumayo. "Don't follow me," mariing usal ko bago umalis.

Nang makalabas ako sa cafetria, nilingon ko muli siya. Good boy. Hindi ito sumunod, bagkus umupo ito sa kina-uupuan ko kanina. Tumalikod na ako at tinungo ang susunod na klase ko.

"Ay! Putangina!" bulalas ko ng biglang may humila saakin.

"Huy---!" Nanlaki ang mata ko ng makita si Ford at kahit labag sa kalooban ko, pinaikot ko ang kamay niya at sinikmuraan.

"Sorry!" aniya ko at nagmamadaling umalis doon.

'Hindi pa ngayon, Ford. 'Wag muna ngayon.'

NATAPOS ANG klase na si Ford lang ang nasa isip ko. I miss him so much, pero hindi ako puwedeng maging marupok ngayon. Hindi pa sapat ang tatlong taon saakin, lalo na't sa tatlong taon na 'yon, tulog ako. Hindi ko man alam ang nangyare sa tatlong taon ang nakalipas, pero panigurado akong wala silang pahinga mahanap lang ako.

I feel so love.

Pagkatapos ko gumawa ng takdang-aralin sa library, umuwi na rin ako at kaagad kong tinanong si Ate Jesh tungkol sa debateng gaganapin. At napag-alaman kong every year daw 'yon, last year ang topic ay about Depression, hindi ko alam kung paano 'yon naging topic sa debatehan pero hindi ko na inalam.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at hinayaan ang utak kong lumipad sa kung saan-saan, hanggang sa marinig ko ang boses ni Ate Jesh na sa labas lang ng kuwarto ko. Tumayo ako at inilapit ang tenga ko sa pinto. Makiki-chismis ako.

Hinuha ko, may kausap ito sa telepono niya dahil kaming dalawa lang naman dito, unless may nakikita siya na hindi ko nakikita. "You need to find her! Kahit na! Kapatid pa rin ito ni Trev!" Kumunot ang noo ko sa naririnig ko.

Kapatid ni Trev? "Si Kae?" mahinang usal ko.

"I don't care kung siya ang nagkulong sa sarili niyang kapatid! Find her bago pa madagdagan kasalanan niya sa Council!"

Lumayo ako sa pinto ng kuwarto ko at lumapit sa laptop na bagong bili ko. Binuksan ko ito at sinimulan ko na magtipa ng kung ano-ano. Ilang minuto lang ay lumabas na ang iba't ibang number at tinitigan ko lang ito. How can I contact him?

Umawang ang labi ko nang may mapagtantong bagay. Mabilis kong binura ang site na pinuntahan ko at kinuha ang dating cellphone ko. Kinuha ko ang simcard ko at sinalpak sa laptop. Then here it goes!

Detective Echard Romes

Isang ngiti ang sumilay sa labi ko bago nagtipa ng mensahe at ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng mensahs galing sakaniya. So hindi pa siya nagbabago ng number niya?

From: Detective Echard Romes
Elle? May signal diyaan sa ilalim ng lupa?

At ngayon ko lang ginusto makapatay ng tao. Mukha ba akong patay? Nawala lang ako, pero hindi ako nilibing!

Napalabi ako at sinimulan ng i-locate kung asaan si Kae sa tulong ni Detective Echard. Maraming tinanong saakin si Detective Echard na hindi ko sinagot, masiyado akong na-curious kung asaan si Trev at anong kulong na sinasabi ni Ate Jeshrine?

The Royal Queen [Completed]Where stories live. Discover now