Nineteen

22.2K 581 14
                                    

Nineteen

Rome...

Hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari.

Kasama na niya ngayon si Jen, may bonus pa kasi may bago pala silang anak ng asawa niya.

Princess Romina Reyes Dela Merced

Ang gandang pakinggan, pininangalan ba naman sayo ang anak mo hindi ka matutuwa. Para siyang nananaginip ng mga oras na iyon. at kung panaginip man ito ayaw na niyang magising pa, gusto na niyang matulog nalang habang buhay na kasama niya si Jen at ang mga anak nila.

"Rome"tawag sa kanya nito.

Nanatili siyang nakapikit at dinadama ang mga haplos nito sa kanyang mukha.

"Hey Rome"tawag sa kanya nitong muli.

Doon lang niya iminulat ang mata niya at pinakatitigan ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ang maganda nitong mata na nakatitig din sa kanya ng mga oras na iyon.

"Yes my Queen"nakangiti niyang puna dito.

Nagcross arm ito at nag-pout, para tuloy gusto na niyang yakapin at halikan ito ngayon.

Kaya naman hinapit niya ito at akmang hahalikan sa labi nito ng harangan nito ang labi niya gamit ang palad nito at itinulak siya palayo.

"Ayan ka na naman halik ka ng halik hindi ka nakikinig sakin eh"reklamo nito.

"Magagawa mo my queen, limang taon kitang hindi nakita. Miss na miss na kita"nakanguso niyang sagot.

Inirapan siya nito at humalukipkip na tinanaw ang mga anak nilang busy sa pakikipaglaro sa mga anak din ng mga kaibigan nila.

"Pagbigyan mo na Jen, tigang na yan"kantiyaw pa ni Leigh sa kanya.

Sinamaan lang niya ito ng tingin at muling binalingan ang asawa. Hindi nalang siya nagsalita kahit pa panay ang tawa ng mga kaibigan niya sa kanya. totoo naman kasi ang mga sinabi ng mga ito, limang taon na siyang walang ganap.

"Hindi siya nakikinig, kaya mas walang ganap"pagsusungit na naman ni Jen sa kanya.

Hinapit niya ito at niyakap ng mahigpit sabay hinalikhalikan ang leeg nito at balikat.

"Mr. Dela Merced"tawag sa kanya ng kasama ni Jen na babae.

Nilingon naman niya ito, hanggang ngayon kasi hindi pa niya ito kilala. O pinakilala na sa kanya ni Jen kanina pero hindi niya pinansin dahil nga buong atensyon niya na kay Jen at sa mga anak lang nila.

"Yes Miss---"

"Attorney Althea Carson, Misis Jennifer Carlota Dela Merced lawyer"pakilala nito.

Narinig niya ang mahinang pagngisi ni Jen sa tabi niya maging ang mga kaibigan niya. siguro nga makailang beses na itong ipinakilala sa kanya pero hindi man lang niya naalala ang pangalan nito.

"As Misis Dela Merced said awhile ago, may five days lang siyang malayang gawin lahat ng gusto niya after that kailangan na siyang bumalik sa kulungan"paliwanag nito.

Nanlaki naman ang mata niya na napatingin sa asawa niyang nakairap na naman sa kanya ngayon. Hindi yata niya narinig na sinabi iyon ni Jen sa kanya kanina.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"nanlalaki ang mata niya na tanong dito.

"Brod, hindi ka lang nakikinig"kantiyaw naman sakanya ni Lance.

"Exactly!"segunda naman ng asawa niya.

Frustrated na napatayo siya sa kinauupuan at malalim ang iniisip na nagpabalik-balik siya ng lakad.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENWhere stories live. Discover now