Fourteen

19.6K 571 9
                                    

Fourteen

Rome...

Nakatitig lang siya sa natutulog na mukha ni Jen, kakatapos lang ng kanilang napakainit na pagniniig na dalawa. kanina bago niya nasolo ito sobra ang galit niya ng makita itong hinalikan si Drew.

Pero lahat ng galit niya nawala ng dahil sa natuklasan niya.

"Aww!, dahan dahan naman Rome"daing ni Jen ng walang ingat niyang inangkin ito.

"Fvck, I'm sorry"hingi niya ng paumanhin dito.

Kitang kita niya na nasaktan niya ito sa paraan ng pang-angkin niya dito.

"Ano naman akala mo sakin maluwang, mahigit isang taon na 'yong huli may ganap satin Rome. Kainis ka"inis pa siya nito hinampas sa dibdib niya.

Natatawa nalang siya sa nangyari kani-kanina lang sa kanila ng asawa. Walang sawa niyang pinagmamasdan ang natutulog niyang asawa.

"Hindi ka nakatulog?"takang tanong sa kanya nito ng mamulatan siya nito na nakatitig siya sa mukha nito.

Iling lang ang naging sagot niya dito, at hindi pa din niya inaalis ang mata sa mukha nito.

"What happen to you?"maya-maya'y tanong niyang dito.

Umayos naman ito ng higa at nakipagtitigan na din sa kanya.

"Hindi ka galit sakin?"ganting tanong nito sa kanya.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya umiling bilang sagot dito. Paano naman siya magagalit sa asawa niya eh ito lang ang nagiging dahilan niya para magpatuloy sa buhay bukod sa anak nila.

"Noong nanganak ako kay---"nakitang nangimi itong magsalita, naalala niya hindi nito alam kung ano ang pangalan ng anak nila.

"Austin Isaac"bulong niya dito.

"Wala akong kwentang ina Rome, simpleng pangalan ng anak natin hindi ko alam"anito na napahagulgol na ng iyak.

Niyakap naman niya ito ng mahigpit bilang sagot dito.

"Shhh...hindi iyon iniisip ng anak natin. Mahal ka ni Austin"bulong niya dito.

"I left you, I left him, iniwanan ko kayong dalawa na walang paliwanag Rome, dapat galit ka sakin. Hindi ganito na feeling ko napakaspecial ko pa din sa buhay mo"anito na umiiyak pa din.

"Special ka pa din naman talaga sa buhay ko. Ikaw ang asawa ko ang ina ng anak ko at ng magiging mga anak pa natin. Ikaw lang ang tanging babaeng mamahalin ko sa buong buhay ko Jen. Ikaw lang kaya walang puwang sa puso ko ang magalit sayo. Mahal na mahal kita Jen"sagot nito dito bago ito halikan sa mga labi nito.

"Rome..."napaungol naman ito ng mahaplos niya ang dibdib nito na walang ibang saplot kung ang kumot na gamit nilang dalawa.

"I love you Jen..."paungol din niyang turan.

"I love you too Rome, ikaw lang din ang mamahalin ko habang nabubuhay ako"sagot sa kanya ni Jen bago muling maglapat ang kanilang mga labi.

Nauwi pa sa isang mainit na tagpo ang mga sandaling iyon sa pagitan nila ng asawa, sobrang namiss nila ang isa't isa kaya naman ipinasalasap nila iyon sa buong oras na magkasama silang dalawa.

Ang nakakalungkot lang hindi naman buong magdamag ang oras na magkasama silang dalawa. dahil kailangan niyang ibalik si Jen kay Drew. Kundi di niya gagawin iyon ngayon baka masira lahat ng plano nila, lahat ng pinaghirapan nila ni Jen mauwi lang sa wala.

..................

Dalawang araw mula ng huling pagkikita nila Jen, ngayon nalang sila muli nagkita ni Jen. Pero gaya ng unang beses na magkita sila kasama na naman nito si Drew. Umiinit ang ulo niya habang nakatitig sa dalawa na kung maglingkisan sa harapan niya parang wala ng bukas.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENDonde viven las historias. Descúbrelo ahora