"Sino po ang nagbabatany kay Princess Demi?" Dahilan para mapatigil siya sa paglalakad.

"Ikaw na muna ang magbantay sa kanya." Malamig niyang boses sabay alis sa kinatatayuan niya. Hindi ko na lamang pinansin pa ang ikinikilos niya, binilisan kong makababa at bumili ng pagkain sabay hatid sa kuwarto ni Gella. Pagkatapos niyon ay agad ko ring pinuntahan ang Prinsesa sa kuwarto niya. Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang nakatayong si Princess Demi, nakaharap siya sa bintana kung saan matatanaw ang malawak na kagubatan na kahit isang estudyante ay walang sumubok na pasukin iyon at puntahan man lang. Dahil sa misteryo nito marami ang takot at nanghihinaan ng loob kapag pinag uusapan ang lugar na iyon. Ang natatanging kilala kong nakapasok pa lamang dito ay si Marmela, Carnia at Jewel isa  sa mga council na dating professor ng school na ito. Pagkatapos nilang tatlong makapasok sa nasabing gubat ay wala ng sumubok pang pumasok matapos ang mangyari sa kaibigan nilang si Carnia na patay na ngayon. Pero para sa akin hindi pa siya patay dahil walang katawang natagpuan sa nasabing lugar, at alam kong hindi nila pababayaan si Ms. Carnia dahil isa sa magaling na author at professor si Ms. Carnia, halos lahat ng libro niya binabasa ko at pinag aaralan. Pero simula ng mapabalita na patay na siya hindi niya natapos isulat ang kanyang diary na dalawang pahina na lamang ang kailangan para makumpleto.

Iyon ang dahilan kung bakit walang sumusubok na pumasok sa gubat, pero maiba tayo nilapitan ko ang Prinsesa.
"Okay ka na ba?" Walang galang kong tanong sa kanya. Pero wala akong sagot na narinig mula sa kanya, umupo na lang ako sa sofa at muli siyang tinanong. Pero wala pa rin siyang sagot. Kaya tumayo ulit ako at lumapit sa kanya, hinawakan ko ang balikat niya. Ramdam kong nagulat siya.

"Okay ka lang ba?" Humarap siya sa akin at walang emosyong tumingin sa akin. Humakbang siya ng ilan at lumapit sa pinto ng kuwarto.

"Teka saan ka pupunta?" Lumakad na  siya palabas kaya tumakbo din ako palabas. Pagkalabas ko bigla kong nilingon ang kanan at kaliwang bahagi ng pasilyo. Pero walang ibang tao doon kundi ako lamang.
Nasaan na siya? Tanong ko sa sarili.

.
.
.
.
.
.

Ystaice's POV

Bumalik ako sa aking kuwarto sa dorm matapos naming mag away ni Ellie kanina. Bakit kasi ayaw niyang kasama ko si Gella? Ayaw niya bang makipagkaibigan ako sa iba? O baka sadyang napakadamot niya lang talaga. Ang sabi niya sa akin ilang araw na akong nasa kuwarto ko kaya sinubukan ko lang namang lumabas. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na kalimutan muna ang ginawa sa akin ni Princess Demi, tutal wala namang maniniwala sa akin kung anu ang nakita ko. Kaya sana magising na siya para matanong ko siya about sa nakita ko noong nagtraining kami. Ang dami kasing katanungan ng isipan ko, kaya sinubukan ko ding makausap si Gella para mas malaman ko ang sagot sa mga tanong ko. Hindi sa ginagamit ko si Gella gusto ko lang talaga malaman kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng nakita ko. Pero ang sarap niya pala kausap kaya nakagaan ko agad siya ng loob.

"Ystaice! Ystaice!" Napalingon ako sa pintuan ng may marinig akong sumisigaw sa labas ng dorm. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto, pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang seryosong babae. Walang emosyon ang mukha niya, kaya bigla akong kinabahan. Napapikit ako sa mga sandaling iyon pero biglang niya akpng yumakap dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Pagkamulat ko nakayakap na sa akin ang Prinsesa na kanina lang ang iniisip ko.

"I'm sorry Ystaice, di ko sinasadya. Sana mapatawad mo ako." Napabitaw ako sa pagkakayakap niya ng sabihin niya iyon.

"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko sa kanya, agad siyang pumasok sa dorm at dirediretsong pumasok sa kuwarto ko. Umupo siya sa couch at kumuha ng tubig mula sa pitcher sa katabing table.

"Anung pag uusapan natin?" Walang emosyon niyang tanong sa akin.

"Kailan ka pa nagising?" Agad kong tanong, ito na rin ang chance ko para matanong siya.

"Hindi ko alam, kanina bigla na lang ako napabalikwas sa aking kinahihigaan then dinala ako ng mga paa ko dito sa dorm niyo ni Ellie." Salaysay niya sa akin.

"Wala ka bang naaalala noong training session noong nagdaang araw?"

"Kaya nga ako nandito para humingi ng sorry." Medyo galit niyang sagot.

"Itatanong ko lang kasi yung about sa nakita ko sayo. Kaya ako biglang nahimatay."

"Anu ba iyon?"

"Totoo bang may, mayroong mangyayaring masama sa sa akin?" Medyo kinakabahan kong tanong.

"What do you mean?"

"Kaya ako nagwala noong araw na iyon ay dahil sa nabasa ko mula sa bibig mo kahit walang boses na lumalabas. Totoo ba iyon o tinatakot mo lang ako?"

.
.
.
.

"Paano kung sabihin ko sayo na.".


Nakatingin lang ako sa nakangangang si Demi na hinihintay ko ang susunod na sasabihin.

"Na nananakot lang ako para matalo ka." Napakura kurap ako sa sinabi niya, hindi iyon ang inaasahan kong sagot na sasabihin niya pero bigla siyang ngumiti.

"Kalimutan na lang natin pwede tutal birthday ko na sa isang araw gift mo na lang sa akin na kalimutan iyon, pwede ba?" Balik niyang tanong.

"Sure oo naman, oo naman Princess." Agad ko ding sagot pero hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya. May malalim siyang dahilan kung bakit? Pero sana naman huwag niyang ilihim kung anuman iyon.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now