Inilayo naman ito agad ni Hiro habang tila sinasaway ng pabulong bago pa ako makapagpasalamat dito.

"Excuse me. Are we starting or are you conceding? And wait. I think I know you," sabat ni Jeremiah at nakita ko kung paano nito bigyan ng kakaibang tingin si Mason na tila kinikilala.

"You don't," sagot naman ni Mase at tinalikuran si douche.

"Ilang barangay pa ba ang hinihintay natin? Ano ba, matutuloy pa ba to o ano?" muling saad ni douche sa malakas na boses. Akma kong lalapitan siya upang sapakin na sana pero pinigilan ni Hiro ang kamay ko at tiim-bagang hinarap si douche.

"Teka sandali, wag kang excited. Team huddle muna," saad dito ng kapatid ko.

"Yay! Team huddle! Go! Go! Ano'ng pangalan ng team niyo?" tanong ni Charlie sakin pagkatapos nitong muling lumapit sa tabi ko.

Napakunot-noo lang ako dahil dun. “Ano’ng team?”

"Wag ka na ngang... MALOU! Mason, Louie kaya MALOU! O alis na. Dun sa bleachers, dali!" asik ni Hiro dito.

Sinimangutan lang ito ni Charlie bago ako nginitian. "HMP. Galingan mo bespren ha? Kaw din Mase. Go for the gold! Dito muna gip mo. Huehue."

Ba't ba masyado yatang suplado si Hiro kay Charlie? Am I missing something? Parang hindi naman siya ganyan ka-grabe dati?

I just dismissed the thought at pinasyang magpalit na lamang ng sapatos. Tamang-tama lang ang binili ni Hiro. Kumportable sa paa. Hinigpitan ko ang pagkakatali ng buhok at nagstretching ng konti.

Saglit kaming nagpulong-pulong sa half-court. Bukod sa aming apat nina Mase, Stella at Jem, nakinig din si Hiro at Charlie. Kinausap ni Jem ang isa pang lalaking nagngangalang Dexter— na siyang varsity player din— na tumayong referee ng laro. Napagpasyahang magsho-shoot na lamang sa free throw kung kanino ang unang in-bound ng bola.

Kasabay ng pag-angat ko ng kanang kamay upang iabot ni Hiro sakin ang bola ko at siyang akmang pagsalita ni douche sa tabi ko ay agad na hinampas ko nang malakas sa dibdib nito ang bola.

Hindi nito napigilan ang pagmura.

Kanina pa ako naiirita sa boses niya, sa totoo lang. Ipagpasalamat niya na iyan lang ang ginawa ko sa laki ng atraso niya sakin.

"Bigat ng kamay mo ah," puna nito habang hawak ng isang kamay ang nasaktang dibdib. Halatang nagpipigil itong umungol sa sakit dahil naggalawan na ang muscles sa mukha nito.

I just gave him a cold stare.

"Kamay ng mga frigid. Just like metal, sturdy and cold. There's just one thing that you should remember: The more it is exposed to heat, the more you should run away and hide. You'll never know how that heat made the metal more dangerous for you," makahulugan kong saad dito.

"Whatever," sagot nito at muling inabot sakin ang bola. "Oh ikaw na maunang magshoot. Sakaling maka—"

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon