Ano na nga ba?Shit.

Saglit akong napapikit. Si Jem, Louie.

I cleared my throat and looked into his eyes again.

PERO BAKIT NA-DIDISORIENT PA RIN AKO?

"Ah... Ano," napakamot ako sa batok sa kawalan ng sasabihin. Think. "Ahh... May... Ahh..." FUUUCK.

Naramdaman ko ang paghawak ni Hiro sa balikat ko and I was glad na ginawa niya iyon dahil bahagya kong na-relax ang sarili. Iniharap ako nito sa kanya.

"Kalma," saad ng kapatid ko habang tinitingnan ako sa mga mata. "Bakit kayo maglalaro ni... Who's this guy again?" nguso nito kay Jem na tila walang pakialam kahit ilang hakbang lang ang distansya ni douche samin.

Doon na ako nagising sa tila pagkakahimbing at wala sa sariling napakuyom. Bumalik ang nararamdaman kong galit sa walanghiyang lalaki.

"Okay. Wait," napabuga ako ng hangin habang matamang tiningnan sa mga mata si Hiro. "Two on two basketball. With that douche and bitch."

"Bakit?" narinig kong saad ni Mason pero pinasya kong kay Hiro pa rin ituon ang mga paningin ko habang sinasagot ito.

"He just owes me big time, that's it. Let's just—"

"Ah Ate, si Kuya yung nagtatanong. Sa kanya ka tumingin. Improper yan di ba? Hindi mo tinitingnan ang kausap mo?" saad ng kapatid ko na hindi na naitago ang pagngisi.

Pinanlisikan ko ito bago kagat-labing lumingon kay Mason.

"Sige ayos lang. Ako na lang bahala kay Je—"

"Nope. I'll handle the douche. Assist ka na lang," agad na putol ko kay Mase.

 

Sakin siya may atraso. Sakin siya magbabayad.

"Sige," agad namang sabi ni Mase at tumalikod na.

Nakita ko itong nagsimulang magstretching.

For an instant, I felt the urge to grab his arm upang makapag-usap pa kami saglit. Upang klaruhin kung napatawad na niya—

"BESPREN! NA-MISS KITAAAA!"

Napapiksi ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses ni Charlie. Ni hindi ko na napansin ang mabilis na paglapit nito dahil naramdaman ko na lang ang mahigpit na pagyakap niya sakin na pati ang isang binti ay nakapulupot na din sa bewang ko. Halos buhat-buhat ko na siya.

"Ako din, na-miss kita," nakangiting saad ko dito habang binabalanse ang pagkakatayo para hindi kami mabuwal.

"Ito bespren oh, birthday gip ko sayo. Kinuha ko pa sa bahay to," saad nito habang inaabot ang plastic na may laman ng tila mga art materials. Kita na kasi halos ang sa loob dahil transparent naman ang plastic. At yeah, hindi pa rin ito kumakalas ng pagkakayakap sakin.

Miss Astig 2Where stories live. Discover now