Battler #4: The Cursed Vampire

Start from the beginning
                                    

"Sensya na, wala akong narinig"sabi ko at nawalan ng ganang kumain. Tumayo ako at kinuha ang aking bag.

"Ara! 'Wag mo kaming talikuran!"sigaw ni Tito.

"ANO BA?! PUWEDE BA! TIGILAN MO ANG PAGPAPAKATAO MO?! NAKAKAIRITA NA!"sigaw ko pabalik, Oo, hindi ko siya nirerespeto.

"BASTOS KA TALAGANG BATA KA!" sigaw niya pabalik. Sasabat na sana ako nang lumapit sa akin si Mama habang umiiyak.

"Anak, pasensya na. Nagmahal lang naman ako, minahal ko rin naman ang iyong ama ngunit hindi kami para sa isa't-isa. Anak, mahal naman kita kahit na iniwan tayo ng ama mo dati. Pasensya na anak" mahabang litanya ng aking Ina sa akin. Ngunit mas nanaig ang galit at lungkot sa aking puso.

"LUNUKIN NIYO ANG MGA SALITA NIYO! PASENSYA? PALAGI KO NALANG 'YAN GINAGAWA! KAYA KAHIT NA ANONG GAWIN NINYO, HINDI KO KAYO MAPAPATAWAD! INA?! HINDI KO NGA ALAM KUNG NARARAPAT KANG TAWAGING INA DAHIL IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT TAYO INIWAN NI PAPA DATI! DIBA?!" sigaw ko at umiyak ngunit ako'y natigilan nang dumapo ang napakalas na sampal na nanggalin sa palad ng aking Ina.

"OO! AKO ANG DAHILAN PERO GINAWA KO IYON DAHIL IYON ANG NARARAPAT AT MABUTI! GINAWA KO IYON DAHIL SA'YO! ANAK. PINALAKI KITANG MAY RESPETO PERO BAKIT KA NAGING GANYAN?! MAY PAGKUKULANG BA AKONG NAGAWA?! SABIHIN MO!" sambit ng aking Ina.

"Ina? Hindi ko naramdaman ang presensya mo" sabi ko at umalis. Sobrang bigat ng aking pakiramdam.

Yung bagong asawa ng aking ina ay sobrang kinamumuhian ko. Kung wala siya ngayon, sana kami pa rin ni Mama ang masayang magkasama ngunit wala na, nabaling na sa iba ang atensyon ni Mama at hindi na sa akin. Nagawa niya pa talagang buntisin ang ina ko. ML siya, hindi Mobile Legends kun'di Malanding Lalaki.

Agad akong nagkulong sa aking kuwarto. Humiga ako kahit basa ang likod ko sa pawis.

I'm thinking about our past memories, yung uuwi ako ay alalang-alala sila dahil basa sa pawis ang likod ko. Pero iba na ang ngayon sa dati. How I wish na may time machine? Tumulo ang aking mga luha. Kinikimkim ko ito sa tuwing kaharap sila. All I can say is that I'm fragile.

Paano na lang kaya kapag lumabas na ang sanggol kay Mama? I should be stronger. Dadating ang araw na ako nalang ang mag-isang lumalaban para sa aking sarili.

Nagising ako ng hating-gabi. Yung totoo, nauuhaw ako. Pumunta ako sa kusina at nagsalin ng tubig sa aking baso saka uminom. Naka-ilang inom na ako ngunit ako'y nauuhaw pa rin. Pinagpapawisan na rin ako ng sobrang lamig. Kaya napgdesisyonan kong lumabas at magpahangin muna sa balkonahe.

Umupo ako sa couch at tumingin sa langit na aking natatanaw, maraming bituin at napakagandang pagmasdan. Hanggang sa may naamoy akong dugo, napakatamis na dugo.

Sinundan ko ang amoy at aking ipinagtaka kung bakit dugo at bakit parang nauuhaw ako ng napakatindi. Bakit ko rin ba sinusundan ang amoy? Hindi ko napigilan ang sarili ko nang may isang anino ng tao ang aking nakita sa 'di kalayuan.

Biglang nanindig ang aking mga balahibo at ginamit ang lakas ko upang mahuli siya. Nakadamba ako sa kaniya at naaaninag ko ang napakaaliwalas ng kaniyang mukha. Kahit gabi, may liwanag pa rin na nanggagaling sa ilaw ng poste na nasa tapat namin. Oo, nakaabot ako hanggang sa labas ng bahay namin at sa gilid pa ng kalasada.

"S-Sino ka?!", natatakot niyang tanong ngunit hindi ko napigilan ang kontrolin ang aking sarili. Nagmamakaawa ako...'wag ngayon. Ayoko ang aking tunay na pagkatao.

Tinitigan ko siya habang siya'y takot na takot. Bakit kasi siya nasa labas at hating-gabi? Katulad rin ba niya ako na nagpapahangin o kaya nagmumuni-muni? Lalaki siya ngunit mas malakas ako sa kaniya at alam ko dahil hindi ako ordinaryong tao lamang.

Ako'y tiunigil sa kakatanong ng aking isipan nang nakita ko ang mga mapupungay niyang mga mata, mahabang pilikmata, matangos na ilong, mapupulang labi...at ang kaniyang leeg.

Agad kong sinunggaban ang leeg niya at kinagat. Hindi ko magawang pigilan ang lasapin ang tamis ng kaniyang dugo.

Nilasap ko lang kaniyang dugo at wala akong narinig na ingay galing sa kaniya dahil nahimatay pala siya. Tumigil ako sa pagsipsip ng kaniyang dugo at biglang tumayo dahil dito lamang bumalik ang aking huwisyo. Ano na naman ba itong nagawa ko?!

Sobra akong kinabahan, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Sa ilalim ng buwan, dito ko nahanap ang nakatadhana sa akin. Isa akong bampira at isa siyang tao, tatanggapin niya ba ang katotohanan? Dahil ako mismo ay takot na tanggapin ang totoong ako, sana ordinaryong tao nalang ako tulad niya. Ang una kong masisipsipan ng dugo na nilalang ay ang nakatadhana para sa akin at ito na nga ang lalaking iyon.

Hindi ko ginusto ang aking katauhan. Isa akong isinumpang bampira, ang nilalang na nakatadhana para sa akin ay papatayin ng grupong hunters, ako pa ang mamamatayan ng minamahal ngunit hindi ko sisiguraduhing mangyayari ulit iyon. Ako'y isinumpang bampira at isinusumpa ko namang maghihiganti ako sa mga walang hiyang pumatay sa ama ko. Oo, patay na ang ama ko magmula noong iwan niya kami.

Alam kong may kinalaman ang grupong hunters sa pagpatay sa ama ko at alam kong isa na rin doon ang kinamumuhian kong asawa ng ina ko. Hindi ko magawang bigkasin ang pangalan niya dahil kinasusuklaman ko siya. Maghihiganti ako, maghintay lang kayo. Isa sa grupong hunters ang asawa ni Mama at labag sa batas ang magmahal ang bampira sa ibang uri at ganoon rin ang iba. Kaya ganito ang galit ko sa bagong asawa ng Ina ko.

Ngunit narito kami sa mundo ng mga tao, nagtatago dahil takot sa katotohanan. Ang mundo ay walang pinipiling kahit na sino.

Written by: ShaunnacyLeonen

Watty Writer's Guild Writing BattleWhere stories live. Discover now