Knowing her

21.3K 683 71
                                    


----------------------->>>>>>>

BIANCA'S POV

Napaatras pa ako ng makita ko si Chris na pumasok sa bahay. Nagtatanong ang tingin niya sa akin tapos ay titingin siya kay Chrissy.

"Mommy, who is your visitor?" Inosenteng tanong ng anak ko. Papalit - palit ang tingin niya sa amin ni Chris.

"Mommy?" Parang bahagyang nanginig ang boses ni Chris.

"Yes. She is my mom," sabat pa ni Chrissy.

"You got married? Where is his father?" Tanong pa niya. I know he is probing. Wala akong masabi.

"Oh, I don't have a dad. Mommy said my dad left us a long time a go to work far away," sabi pa ni Chrissy. Gusto kong tahiin ang bibig ng anak ko sa sobrang daldal.

"C - Chrissy, can you go inside first? Go to Tita Sallie for a while," sabi ko sa anak ko.

"And they know where you are? What is this Bianca?" Ramdam kong galit na ang boses ni Chris.

Napatingin kami pareho kina Sallie at Armel na nakita kong nagulat din na nakita si Chris.

"Oh god!" Bulalas ni Sallie.

"Tita Sallie, mommy has a visitor." Sabi pa ni Chrissy.

"Come on, baby. Come to Tita. Let your mom talk to her visitor for now," sabi ni Sallie at kinuha si Chrissy. Si Armel ay nakatingin lang sa amin. Nakita kong sinaway ito ni Sallie at inaya na umalis doon.

Wala akong masabi. Here were are. Chris and me face to face.

"Is she my daughter?" Hindi tonong nagtatanong iyon. Parang sigurado siya sa sinasabi niya.

Pinilit kong maging matatag. I never imagined this to happen. Sigurado na ako na tatanda ako, lalaki si Chrissy na hindi na kami magkikita ng lalaking ito. Kahit sa panaginip hindi ko inasahang mangyayari ito.

"Give me a god damn answer!" Tumaas na ang boses niya.

"It doesn't matter! Maayos na kami ng anak ko. Huwag ka ng manggulo," sagot ko.

"What? What the hell are you saying? You lied to me. All of you lied to me! You left me. You didn't give me a chance to explain. What else did you do? You hide from me. What the hell, Bianca? I know I did something bad to you. I know I lied to you but I don't deserve this. You took away everything from me!" Parang mapapaiyak na si Chris.

Pinahid ko ang mga luha ko.

"You made me believe I lost my child. But you took her away from me. You took everything," hindi na napigil ni Chris ang sarili niya at napaiyak na rin siya.

"I chose to leave because I know that is the best for us," sagot ko.

"You left because you are selfish and you just think about yourself," naiiling na sabi niya. "And I thought I am the worst person for hurting you. It turns out, its the other way around."

Hindi ako makasagot. In a way totoo ang sinabi ni Chris. Natakot kasi ako noon. Alam kong ayaw sa akin ng mommy niya, ibang tao na siya. He is a fucking billionaire and who am I? I am a nobody.

Nakita kong pinahid ni Chris ang mga luha niya.

"I need to see my daughter. She needs to know who am I," sabi niya at mabilis na naglakad para makapasok pa sa kuwarto na pinagdalhan kay Chrissy.

Until you were gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon