019 - Duling na Pabling

Start from the beginning
                                    

Ngumisi ako, "Really? Bakit? Nagkaayos na ba kayo ng asawa mo?"

"Hindi. Maghihiwalay na kami."

"Ha?" Napakunot-noo ako, "Pero bakit--"

"I met someone. Katrabaho ko. Nakita ko na sa kan'ya ang contentment. Magsasama na kami."

Napatawa ako. "I see."

May gusto sana akong sabihin, pero sinarili ko na lang. Ayoko naman kasing lumabas na bitter, dahil hindi naman ako bitter. Nanghihinayang lang ng kaunti dahil s'ya ang pinakamagaling sa sex sa lahat ng nakikilala ko. Bukod sa, wala akong inaalalang sabit dahil malinaw naman ang usapan namin simula pa sa umpisa. But for the sake of telling my story, ito talaga ang gusto kong itanong sa kan'ya...'Kung nakita mo na talaga ang contentment, eh bakit ka pa nakipag-sex sa akin?' P'wede naman kasing magpaalam na lang s'ya sa akin 'di ba?

Sa umpisa, tila walang naging epekto ito sa akin, pero nang mapag-isa na ako, saka ko pa lang napagmuni-munihang... 'Kung ang mga babaeng mukhang ordinaryo'y nakukuha pa ring magtaksil, ano pa kaya 'yung magaganda?' Hah! Ayoko na talaga sa magaganda. Do'n na lang ako sa mga pangit, na mas less ang likelihood na magtataksil sa akin.

Pinanghawakan ko ang paniniwalang 'yan nang maraming taon, hanggang sa, binasag rin ito nang mahuli ko 'yung pangit na kinasama ko. Nasaksikan ko kasing nakikipagtalik ito sa isa sa mga tambay sa aming lugar.

Nagdulot ito sa akin ng matinding kalituhan. Kalituhang umabot sa, natakot na ako sa kahit sinong babae. Period.

Simula noon, wala na akong niligawan--pangit man, ordinaryo o maganda. Pumapayag pa rin akong makipaglaro--'yung sex lang talaga--no strings attached, pero ginawa ko lahat ang aking makakaya, na hindi na ito lumalim pa. Hanggang sa l...nakilala ko ang kakaibang babaeng itago na lang natin sa pangalang Celeste.

Si Celeste, maniwala ka man o sa hindi'y isang sikat na artistang napapanood sa sine at telebisyon. Isa ito sa tinaguriang may pinakamagandang mukha sa industriya. Bukod sa mukha, maganda rin ang ugali nito; mapagkumbaba at walang kaarte-arte sa personal. Nagkakilala kami nang isinakay ko ito mula sa bahay nila sa Rizal papunta sa estasyon ng telebisyon sa Quezon City. Noong una, ordinaryo lang ang aming pag-uusap. Palagi lang itong nakatutok sa kan'yang cellphone, hanggang sa, nagkak'wentuhan na rin kami nang makailang beses ko itong naisakay.

Masayahin ito parati at masarap kausap, hanggang isang gabing naisakay ko itong umiiyak.

"Niloko n'ya ako." Pabulong na sambit n'ya sa gitna ng kan'yang paghagulhol sa likod ng taxi ko.

"Ha?" Sinusulyapan ko ito sa rear view mirror.

"Niloko n'ya ako, ginamit lang n'ya ako!" Lalong tumindi ang kan'yang pag-iyak.

"Sino?"

"'Yung gagong... basta! Inisahan lang n'ya ako, gago s'ya. Magsama sila nung plastik na babaeng 'yun. Mga walanghiya!"

"Bakit? Anong ginawa n'ya sa 'yo?"

"Pinaniwala n'ya na gusto n'ya ako, pero pam-publicity lang pala para mapag-usapan s'ya. Tarantado talaga. Pinaglaruan n'ya ako. Matapos kong ibigay ang lahat sa kanya."

"Maaari ko bang malaman kung sino?"

"No." Muli itong umiyak. "Baka sabihin pa n'ya sinisiraan ko s'ya. S'ya pa naman ang first ko. Gago! Kaya pala gusto n'yang ilihim lang namin ang aming relasyon. Gusto lang n'yang maka-score. Ako naman si tanga, pumayag!"

Hindi na ako nagsalita. Pinabayaan ko lang ito magmaktol at umiyak. Nakaramdam ako ng awa. Damang-dama ko kasi na nasasaktan talaga ito. Ramdam ko ito sa paraan ng pag-iyak n'ya, pati na rin sa mga sinasabi n'ya.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now