007 - Ang Lihim Ni Miss Tapia

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakatira pala siya sa isang apartment malapit lang sa Unibersidad. Nag-iisa; nangangasera. Pero kahit sinong mapagtanungan ko sa kanyang kapitbahay, isa lang ang sinasabi nila...Si Anna raw ay isang babaeng misteryosa. Wala raw itong kinakausap sa kahit sino sa kanila. Nakikita lamang daw nila ito sa pagdaan nito paroon at pabalik sa trabaho.

"Sabi nung mga taga-kalapit apartment, malakas daw ang suspetsa nila na may lihim daw na itinatago 'yang si Miss Beltran." Bulong sa akin ng tsismosang tindera sa kalapit na sari-sari store. Beltran kasi talaga ang apelyido ni Miss Tapia. "Kung minsan daw, may naririnig 'yung kalapit apartment na may umuungol daw at nagsisigaw sa loob ng ng bahay ng babaeng 'yan. Lalo na raw sa kalagitnaan ng gabi."

Bigla akong kinabahan. "A-anong klaseng ungol?"

"Hindi ko rin alam. Basta't ungol daw na may halong music. Suspetsa nga namin, baka Aswang 'yan o Manananggal." Tumawa ang tindera.

"Naniniwala po ba kayo 'don?"

"Medyo. Nung mismong linggo kasi na lumipat 'yan dito, halos kasabay rin 'yung pagkamatay ng isang binatilyong naging close sa kanya. Namatay raw ito sa anemia, pero marami ang haka-haka rito, na baka raw hinigop niyang si Miss Beltran ang dugo nito."

Napalunok ako. Medyo nagsisisi sa mga pinaggagawa ko. Dahil sa takot na maaaring totoo nga ang ibinibintang sa kanya, umiwas na ako. Kinalimutan ko na ang plano ko para makaiwas sa gulo.

"Marc."

Dumating ang pagkakataon na tinawag niya ako bago pa ako makalabas ng classroom after class. Wala akong nagawa kundi ang manatiling nakatayo sa may pintuan.

"Alam kong umiiwas ka sa akin? Bakit?" Hindi ito nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siyang abala sa pagsusulat sa class record. "May problema ba?"

"N-naku, Ma'am wala po. Hindi naman po ako umiiwas, busy lang."

Sandali niya akong sinulyapan nang matalim bago itinuloy ang pagsusulat, "Busy? Paano ka magiging busy ngayon, kung may panahon ka noon na sundan ako hanggang sa tinitirahan ko?"

Napalunok ako sa sobrang kaba. Paano kaya niya nalaman 'yun? Lalo tuloy ako kinabahan at nagsuspetsang hindi siya isang normal na tao.

"Anong sinabi sa 'yo ni Manang Gelay?"

"S-sino pong Manang Gelay?"

"'Yung tindera sa tapat ng apartment ko?"

Napalunok akong muli, "Wala naman po."

Muli niya akong sinulyapan nang matalim, "Wala? Eh bakit parang takot na takot ka sa 'kin?"

Hindi ako nakapagsalita.

"Sinabi ba niyang Manananggal ako?"

"N-Naku, hindi po."

"Hindi?!" Medyo tumaas ang boses niya. Napaiktad ako.

"O-opo. Parang gano'n na nga po."

Muli siyang yumuko sa kanyang ginagawa, "Bago mo nalaman 'yun, anong pinaplano mo? Bakit mo ako sinusundan?"

"W-wala po."

Muli niya akong tiningnan; nanlilisik ang mga mata. "Ano wala? Will you stalk your professor for no reason? Mukha lang, pero hindi ako naive Marc. Kilala ko kung sino ka! Mga estudyante ko rin ang mga babaeng pinaglaruan mo."

"Pero paano niyo po nalaman ang-"

"Gusto mo ng laro? Pagbibigyan kita. Puntahan mo ako sa apartment ko mamayang gabi."

"P-po?"

"Alas onse impunto." Muli sing yumuko para ituloy ang pagsusulat. "Kapag hindi ka dumating. Ibabagsak kita. At kapag bumagsak ka, hindi ka makaka-graduate this March. Gusto mo ba 'yun?"

Untamed Confessions [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon