7~

14.2K 138 18
                                    

Sorry for this very very short update. Comment is a must.


--


Awkward. Nakakainis kasi 'tong si ate. Ano bang naisip nito at tinawag pa sina Carl? Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Ni hindi nga ako makatingin ng diretso kay Carl. Ano bang kinakahiya ko? Eh basta! Naiilang ako. Humanda talaga 'tong si ate sakin mamaya.

"Oh Carl, softdrinks? Oh." alok ni ate kina Carl at Ericka. Ngumiti lang si Ericka at umiling pati si Carl.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila at nagtama ang mga mata namin ni Carl. Malungkot siya. Alam kong malungkot siya base sa mga mata niya, medyo ilang din ang tingin niya sa akin. Agad kong binawi ang tingin ko sa kanya at binalingan si Ericka.

"Ah, Ericka, ate ko nga pala, si Ate Belle. Ate Belle, si Ericka." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nagngitian lang sila at nagtanguan. Pero maya-maya'y humirit pa si ate..

"Mag-ano kayo?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni ate. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Siguro kung wala sina Carl at Ericka dito, kanina ko pa nahablot ang buhok ni ate. Nakakainis eh! Pa-obvious siya masyado, o paranoid lang ako?

"Mag--" magsasalita pa sana si Ericka pero pinutol na siya ni Carl.

"Ahm, alis na kami Ate Belle. Hinahanap na kasi 'tong si Ericka sa kanila. Sige ah?" tumango nalang si Ate Belle. Tumingin muna sa akin si Carl bago hinila paalis si Ericka, ni hindi nga pala niya ako matingnan ng matagal.

Napakunot-noo ako. Bakit iniwasan niya 'yung tanong ni ate? Tsaka bakit hindi niya hinayaang magsalita si Ericka? Tsaka.. Tska.. nakakapagtaka siya. Hindi niya sinabi kung ano sila ni Ericka. Dahil ba nandito ako? Bakit hindi niya nalang... ewan! Ewan ko!

Tumingin ako kay ate, parang wala siyang pakialam sa mundo, kumakain lang siya. Bigla akong may naalala, hinila ko ang buhok niya at pinalo siya sa braso.

"Epal ka ate! Bakit mo pa tinawag? Letse ka."

"Tse. Choosy mo ah! Impeyrnes, maganda 'yung Ericka ah." tumango-tango pa siya sa sinabi niya. Maganda naman talaga si Ericka, pero mas maganda padin ako.

"Pumasok na nga tayo!"


--

Ilang araw din kaming ilag ni Carl sa isa't-isa. Madalas kong kasama sina Allan, Vince at Heidi. Sila Jane at Jeff, nagbakasyon. Nasabi ko bang kambal sila? Basta kambal sila. Nagbakasyon ata sila sa Palawan. Sina Anne at sina Jasper at may kanya-kanya ding lakad. Medyo naboboring na nga ako dahil wala ng gaanong maingay. Si Ericka? Nagbakasyon din daw. Hindi ko lang alam kung saan. Si Carl, minsan sumasama sin sa amin pero ilag talaga kami sa isa't-isa. Pinipilit naming maging normal pag nandyan ang barkada. Mabuti nga't hindi nagtataka ang mga kaibigan namin saming dalawa.

Ngayon naman ay naglalaro kamint apat sa dagat, para nga kaming mga bata eh. Si Heidi ay nakasakay sa balikat ni Allan habang ako naman ay ganoon din kay Vince. Tawa kami ng tawa habang pinipilit ilaglag ang bawat isa. Natulak ko si Heidi sa balikat niya tapos nawalan siya ng balanse kaya naman nalaglag siya sa dagat, natalo ko siya. Natatawang  ibinaba ako ni Vince mula sa balikat niya at niyapos ako sa bewang. Medyo nagulat ako dahil kahit nasa ilalim ng tubig ay nararamdaman kong mainit ang palad niya. Nakangiti niya akong tinignan. Hindi ko maiwasan ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa hawak niya sa bewang ko at sa gwapo niyang mukha na nakatingin sakin. Ngumiti nalang din ako at bumaling sa tumatayong si Heidi.


"O ano? Buhay ka pa?" natatawang tanong ni Allan sa kanya habang tinutulungan itong tumayo. Winisikan siya ni Heidi ng tubig, gumanti naman siya kaya ayun, nagwiwisikan sila pareho. Ang cute nilang tignan.

Hot Summer Nights (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon