5~

15.6K 128 5
                                    



Hindi ko alam kung ano kami ni Carl. MU? Siguro. Sabi niya hiwalay na sila nong si Ericka, hindi ba? Naiinis lang ako kasi hindi niya itinanggi kagabi. Ibig sabihin lang nun ay may pakialam padin siya sa kanya. Naiinis din ako kung bakit isinama niya pa kasi si Ericka kagabi, eh hindi ko naman 'yon inimbita.



Maaga akong nagising. Naabutan ko sina ate, lola tska sina mama at papa na nakabihis na. Aalis sila mamayang hapon. Hindi ko alam kung babalik sila dito para kamu-kamustahin kami. Kami ni Ate Belle, hanggang May pa dito. Matagal-tagal pa dahil unang linggo palang ng Abril ngayon.



"Good morning!" bati ko sa kanilang apat at umupo ako sa tabi ni Ate Belle. Napatitig ako sa lamesang kahoy dito sa kusina. Naalala ko ang nangyari kagabi. Napayuko ako dahil paniguradong namumula ako ngayon.



"Kumain ka na. Gusto mo bang sumama sa paghahatid sa amin?" tanong ni mama sa akin. Kinuha ko ang platong may hotdog pati yung tinapay.



"Hindi na po. Dagdag pamasahe lang ako." sagot ko naman. Ayokong sumama, mas gusto ko dito. Aabangan ko mamaya si Carl sa labas para mag-usap kami. Tska pwede namang si Ate Belle nalang atsaka si Lola ang maghatid kanila mama't papa. Maiiwan nalang ako dito kasama si Lena.



Pumayag naman sina mama na wag na akong sumama. Umalis na sila nila Ate Belle nang maghapon na. Eroplano naman ang sasakyan nila para mas mabilis. Ako ay naiwan kasama nga si Lena. Naglinis kami ng buong bahay. Magkasundo naman kami ni Lena kaya hindi kami naboboring na dalawa, nag-kekwentuhan kasi kami habang naglilinis.



Kinwentuhan niya ako tungkol sa mga kaibigan niya, kung ano ang ugali nila, ganoon. Natutukso akong tanungin si Lena tungkol kay Carl at Ericka. Kaso baka maging obvious naman na gusto ko si Carl. Ayoko munang malaman ng iba naming kaibigan ang namamagitan samin ni Carl hanggat hindi pa nila alam na matagal na silang wala ni Ericka. Baka kasi sabihin, sinulot ko si Carl.



Gusto ako ni Carl, gusto ko siya. Yun ang pinanghahawakan ko. Idagdag pa na may nangyayari samin. Pero di ko maiwasang isipin kung may nangyari na ba sa kanila ni Ericka. Sa isang taon nila bilang magsyota, siguradong di nila naramdaman ang init ng katawan ng isa't-isa. Pero dapat ako maniwala kay Carl na ako ang una niya. Ako.



"Ate, nagkaboyfriend ka na ba?" biglang tanong ni Lena sa akin. Tumingin ako sa kanya, ngumiti ako at tumango. "Ilan na ang naging? Tska alam ba nina Tita?"



"Hindi ko matandaan kung ilan na. Tska hindi alam nila mama." natatawa kong sabi. Kumunot naman ang noo ko nang marealize ang mga tinatanong niya. Hindi kaya.. may gustong lalaki itong si Lena? "Bakit mo pala natanong?"



"A-Ah.. wala naman. Curious lang." nagkamot siya ng ulo pagkatapos ay tinanggal niya ang eye glasses niya. Ang ganda ni Lena, sadyang hindi lang marunong pumorma.



Sa ganitong edad ni Lena, hindi malayong magka-crush na siya. Ako nga, 10 palang ata noong unang magka-crush ako. Ano kaya kung ayusan ko si Lena? Hindi naman siguro magagalit si Lola. Kawawa naman kasi 'to, napag-iiwanan ng panahon.



"Halika, aayusan kita." nakangiting anyaya. Tumayo ako at hinila siya papunta sa kwarto ko. Di na siya nakatanggi.




"Ikaw ba Lena, may crush ka?" di ko maiwasang itanong sa kanya. Nacucurious kasi ako kung paano magkagusto ang isang konserbatibong gaya niya.



Nakita kong pumula ang kanyang pisngi habang pinupulbuhan ko siya. Sabi na nga ba eh. Natawa ako ng kaunti. Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng eyeliner sa talukap ng mata niya. Nilagyan ko din siya ng lip tint. Hindi ko na siya kinilayan dahil ayaw niya.



Hot Summer Nights (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon