three

36 0 0
                                    

Dumaan muna ako sa restroom bago ako pumunta ng cafeteria. I checked first before I locked the whole female restroom. Humarap kaagad ako sa salamin at tinitigan ulit ang mga madidilim na pasa sa panga ko. Sinundot ko ang isa at napa-'aray' ako ng mahina. Masakit masyado pag hinawakan. Wala akong dala na facepowder kaya hindi ko maitatago kaagad ang mga ito. Hindi naman ako puwedeng bumalik sa room at baka hanggang naglalakad ako, maraming makapansin. Syempre, magsisinungaling ako at mapapahamak ang mga tao na hindi naman kasali. Kapag sinabi ko naman ang totoo, mas lalo naman hihirap ang sitwasyon.

Dumukdok ako sa marble counter ng restroom. "This is the worst..." Gusto kong tawagan si Rizza, pero nasa klase sigurado 'yon. Madadamay siya sa mga problema ko. Si Alice puwede, pero baka nagtatampo na rin sa akin 'yon. Ayaw ko naman bumalik sa clinic kasi baka lumaki ulo ng nerd na iyon. Isipin pa 'nun na nagpapahuli pa ako.

"Shit." nagmura ako hanggang nakadukdok pa rin. Namangalumbaba na lang ako hanggang tinititigan ko ang mga pasa. Maputi ako kaya halatang-halata sila. Hindi naman ako puwedeng mag-stay rito at hintayin na katukin ng ibang mga babae na kailangan mag-CR.

This is hopeless. I have two choices: either I stay here until I rot, or I risk, again, my pride and show them how pathetic I am to let someone bruise me so badly. Kahit alin sa mga choices na ito ang magandang gawin, pero mamimili lang ako: my hunger or my pride. Kung si Alice papipiliin, lalabas na 'yun agad para lang makakain. Si Rizza naman hahayaan niyang may sumagip sa kanya. Hindi sila kasing prideful ko, kasi unlike me, wala silang tatay na pina-prioritize ang pride kaysa ang anak.

"Hay..."

May narinig akong boses sa labas ng restroom. Nagbuntong-hininga ito. At tila narinig ko na ito dati. It's very familiar to me. Lumapit ako sa pintuan at idinikit ang tenga ko rito para marinig ko muli ang boses.

" Bad trip naman. 'Bat ba kasi si V pa ang iniwan ng mga lintik na mga staff na iyon doon?"

Si Alice! Napangiti ako sa ginhawa nang narinig ko ang best friend ko sa labas ng restroom. Binuksan ko agad ang pinto at hinila siya sa loob, napadaing siya sa biglaang ginawa ko. Kinandado ko ulit ang pintuan at humarap sa aking best friend.

"V!" she scolds as she's thrown aback at my actions. Nanlaki ang kanyang mga mata, hindi ko alam kung dahil sa mga pasa ko o dahil sa nakakagulat kong paghatak sa kanya paloob. Nahubad rin ang isang paa ng kanyang mga sapatos sa tulin ng hatak. Pati ang buhok niya ay magulo, ang bangs niya ay nawala sa tamang gawi ng mga ito.

"I've never been happier to see you, Alice!" niyakap ko agad siya nang para bang ngayon lang ulit kami nagkita matapos ang ilang dekada. Kaka-exercise ko noon, lumakas ang mga braso ko kaya nang niyakap ko siya ng mahigpit, hindi na siya nakakuha ng pagkakataon upang huminga ng maayos.

Sobrang saya ko! Grabe! Kakamukmok ko rito, pinadalhan ako ni God ng tulong! Magsisimba ako sa Sunday at mag-aalay ako ng patay ng tupa sa Kanya pag-uwi ko! Napatalon-talon ako sa saya habang nakayakap kay Alice na 'di pa rin makahinga.

"V!" humingal siya ng mahina sa tenga ko. Ang boses niya ay walang dalang hinga sa sobrang higpit ng yakap ko. Naawa naman ako kaya binitawan ko siya. Napaupo siya sa sahig. Huminga muna siya ng huminga bago niya ako tanungin ng paos, "A-Ano ba ginagawa mo rito...?"

Umupo ako sa marble counter bago ko siya sagutin. Napagikgik ako ng mahina. "Ah... Kasi..." Hindi ko siya masagot. Halata naman ata sa mukha ko kung bakit ako nagtatago. "Nagtatago ako, Alice..."

Habang nakahawak sa leeg niya at sinusubukang huminga ng maayos, tumingin siya sa akin, "At bakit naman?"

"Obvious kaya, Alice." tinaasan ko siya ng kilay. Itinuro ko sa kanya ang mga namamasa kong panga at pisngi. Sumimangot ako. Ngayon lang ba niya napansin? Sinuri niya ang panga at pisngi ko at nangailangan pa siya ng ilang segundo para maisip kung ano talaga ang pinoproblema ko.

Hanging out with the NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon