one

53 1 0
                                    

"Ugh!" ang sakit ng ulo ko! Dahil dun sa proclamation ni sir tungkol sa pagtutor sa akin ni Lucas, nahihirapan na tuloy ako! Uwian na kasi, pero 'di pa kami nagsisimulang mag-aral ni Lucas. Wala pa kasi siya eh.

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Dito kasi ang designated place tuwing oras ng pagtututor niya sa akin. 'Di na lang ako kumibo dahil si sir Harold na nga din ang nagsabi na dito na lang para walang takas. Si sir naman kasi! Nakakainis tuloy! Dagdag stress lang ito eh!

Napatayo na lang ako nang narinig ko yung doorbell. Siguro, siya na yun. Inutusan ko ang isang katulong namin at ito naman ay sumunod. Narinig ko na bumukas yung pinto ng bahay at narinig ko rin ang pag-uusap ng Lucas at ng katulong na yun. Nakaupo lang ako sa desk, walang kibo hanggang hinihintay ko si Lucas.

Bumukas ang pinto sa kuwarto at nakita ko siya, nakasuot ng isang shirt na may nakalagay na anime, at isang pares ng jeggings. Ang baduy! Gosh, napaka! Tapos naka rubber shoes pa? Eww!

"Nandito ka na," sabi ko, parang wala lang. 'Di ko naman kailangang maging energetic para sa lalaki na 'to. Napipilitan lang naman akong sumama sa kanya eh.

Tumango lang siya at umupo sa tabi ko dahil iisa lang ang upuan. Syempre, bilang isang babae, kailangan ko din ng space. Kaya sabi ko, "Hoy, umasog ka nga. Ang sikip."

Nairita niyang sagot, "Eh, magpakuha ka kaya ng upuan?" Grabe ah, nasa bahay na nga ng iba, nang-uutos pa! Napautos tuloy ako. Sumunod naman yung katulong at kumuha ng isa pang upuan para sa kanya. Agad-agad naman siyang umupo dun. Salamat!

Binaba yung dala niyang satchel at inilabas ang isang ubod ng kapal na libro. At nakita ko na Physics 'to. Ayaw ko ng Physics! Napakahirap kaya!

"Oh, 'bat nakatulala ka ng ganyan?" panloloko pa niya. Napatawa siya ng konti bago niya tuluyang buksan ang libro. Pagtingin ko pa lang sa page, nahihilo na ako. Waah! Kung hindi lang kasi si Sir Harold nag-utos, hindi ako susunod. Eh, si Sir Harold. Kaya, no choice na din. Nagtataka ako kung ano gagawin ko kapag may order? Paano ang photoshoots?

"Hoy!" Malakas na pagsabi ni Lucas. Hindi ko napansin na nakatulala na naman pala ako. Sa dami ng iniisip ko, parang feeling ko mas mapapagod pa ako ng ganito. Inirapan ko ng kahit sandali ang nerd na ito, ngunit nakinig na rin.

Nag-discuss siya ng parang teacher, pero sa tingin ko mas magaling yung principal namin. Ginamit din niya yung malaking whiteboard na provided namin para sa pagtututor niya sa akin. Feel na feel ni loko yung resources ah, kahit nakasimangot ako, nakangiti naman siya. Tulad nga ng sinabi ko, wala akong naiintindihan. Kasi, ang hirap!

Tiningnan ko ang phone ko kung nagtext si Alice o Rizza. Pero nahuli ako ng tutor ko. Hinablot niya ang phone ko at saka pinagalitan ako, "Tutorial session 'to! Bawal ang cellphones." Tapos tinago niya ng phone ko sa pocket niya.

Hindi na lang ako kumibo, kasi baka mas tumagal pa itong bwisit na pagtututor. May photoshoot pa naman ako mamaya. Kainis! Si Julian pa naman yung mag-aasikaso nun mamaya.

"Hoy, 'di ba pwedeng pakibilisan ang pagtututor mo? Hello, may shoot pa ako after this!" sabi ko, while I roll my eyes at him. Ang layo din ng venue. At saka pa, 'di pa ako kumakain simula ng umuwi ako, which is about an hour ago. Nagugutom na ako!

Tingnan ako ni Lucas, and he narrows his eyes at me, parang mas masungit pa kaysa sa normal. "Kung sa tingin mo ay gagawin ko ang pinapagawa mo, you are dead wrong, little girl." Inayos niya yung salamin niya at isinara ang libro na hawak niya. Ngingiti na sana ako pero, bigla niyang idinagdag, "If you want, sige. Pero wag mo akong sisisihin kapag nakick-out ka at isang international shame. Bahala ka, problema mo 'yun, hindi akin."

Napakagat ako sa labi ko. Shet, tama nga si gago. Since kilala na ako sa lahat ng modeling industry, nakakahiya talaga kapag nangyari 'yun! Nakakainis! Bakit naman kasi ang hirap mag-aral?! Tiningnan ko siya, at nagulat ako na palabas na siya ng pintuan. Kaagad akong tumayo at hinatak siya papasok ulit. At sa tingin ko, nagulat din siya. Malakas kong isinara ang pinto.

"Oh?" Muli siyang tumingin sa akin. Mukhang niloloko na naman niya ako. Ano ba naman yan! Ayaw ko talagang magpatalo sa nerd na ito, pero mas matalino talaga siya! Bwisit!

Ang higpit ng hawak ko sa braso niya, parang ma-iimprint na yung tulis ng kuko ko. Hindi ko siya kayang tingnan sa mata, ewan ko kung bakit. Ang weird! Pag nalaman ng mga kaklase ko tungkol dito, sigurado gagaguhin nila ako. Ayaw ko naman ng ganun!

Napa 'tsk' tuloy ako. Utos ko sa nerd, "Continue." Napakaseryoso ko na talaga. Kasi ang career at reputation ang nakasalalay sa iisang lalaki na ito! Bakit naman kasi nagpabagsak ako sa grades ko?

Nag-smirk siya. Halos mala- sadistang ngiti. Hindi ko naman sasabihin na nakakatakot o nakakakaba, sasabihin ko na lang na mysterious. May plano siguro ito?

"Wow, you sound desperate." kumento niya. Talagang niloloko na ako. Naiinis na ako. Baka masuntok ko na itong nerd bastard na 'to! Inirapan ko siya at sabi, "Try mo lang na lokohin ako, demonyo ka."

Hindi siya umimik, pero ngumiti lang siya. Bakit ba lagi siyang nakangiti in expense of my happiness? Sadist kaya siya? Halata naman yata eh.

So, nagpatuloy kami sa pagtututor. I tried hard to focus, at sa wakas, naintindihan ko rin yung topic! First time ito ha!  Parang yung mga matatalino na mga kaklase ko, nagjo-jot down sila ng notes kung sakaling kailangan nila. Kung tutuusin, ngayon lang ata ako nakinig ng maigi.

After two hours, natapos din namin ang dalawang topics ng Physics. At naintindihan ko. Ine-explain kasi ni Lucas kung ano gagawin doon, jan. Kaya ang bilis kong natuto.

Nang natapos kami, saktong hapunan na. At dahil umuulan din ng malakas simula kanina pa, sabi ko sa nerd, "Malakas yung ulan. Kumain muna tayo," At mabuti't 'di na lang siya umimik pa. Pareho sigura kaming gutom na gutom na.

Inaya ko siya sa dining room at nakita namin na nakahanda na pala ang table. Since minsan nga lang umuuwi ang mga magulang ko, 'di gaanong malaki yung mesa. Hindi kasing haba nung mga table sa mga palasyo, yung mga napakahahaba. Ayaw din naman kasi ni Ma yung ganun, malaking hassle daw.

Umupo kami nang nakaharap sa isa't isa. May isang vase na puno ng mga rosas ang nakalagay sa gitna ng table. Ang formal din ng pagkaayos ng mga plato at utensils, parang araw-araw lang. Sanay na ako dahil may etiquette din naman ako kahit papaano.

"Ano ulam?" tanong ko sa katulong. Sabi naman niya ay mushroom soup daw, cordon bleu at spring rolls. Hmm. 'Di ko ine-expect ang ulam na ito ah. Normally kasi ang dinner ko ay isa o dalawang putahe lang, pero siguro, naisip ng chef na may bisita kaya ginawa niyang tatlo. Sana naman 'di na ako gaguhin ng bwisit na ito! Isang isa na lang, bubugbugin ko na ito! Hmph!

Hanging out with the NerdWhere stories live. Discover now