Type ko siya maging Bf mo

Start from the beginning
                                    

Naging seryoso ang kanyang mga mata ng marinig ang tanong ko

Oo naman pero noon pa yun

Talaga?Nasaan na yung babae?

Wala na siya,pinatay ko siya

Nanlaki ang mga ko sa sinabi niya hindi ako makapaniwalang kaya niyang pumatay ng taong mahal niya

Bakit!?akala ko ba mahal mo bakit mo pinatay ang babaeng mahal mo?

Kasi...masama akong tao sagot niya at ngumiti.Minsan kailangan mong isakripisyo ang taong mahal mo para magawa ang gusto mo

Halos maginit ang ulo ko sa sinabi niyang yun kaya nasampal ko siya Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya Dahil ako hindi ko kahit kailan kayang isakripisyo ang buhay ng lalaking mahal ko para lang sa kung anong gusto ko pero siya nagawa niya.

Siraulo ka!pagmahal mo hindi mo kayang saktan ganun ang pagmamahal!pero ikaw...bakit?anong Dahilan?

Kasi nga masamang tao ako

Sa sobrang inis ko sa kanya at pinalayas ko siya sa bahay ayaw ko sa mga taong hindi alam ang tunay na kahulugan ng pagmamahal

--

3hrs later na mula ng paalisin ko sa bahay si Cedric at medyo nawala na ang lagnat ko ngayon ko lang na realize mali pala ang ginawa ko dahil inalagaan niya ako kanina tapos pinalayas ko siya dahil lang sa nakaraang kasalanan niya at ngayon umuulan pa

Nakauwi na kaya siya?Tanong ko sa sarili ko at tumingin sa bintana

Pinagmasadan ko ang langit at grabe ang lakas ng ulan,maya maya pa ay pinagmasdan ko naman ang paligid sa labas at laking gulat ko ng nakita kong nandun pa si Cedric sa labas nakatayo at basang basa ng ulan

Huh Cedric!sabi ko at Dali dali akong kumuha ng payong at lumabas ng bahay para puntahan siya

Cedric!Tawag ko sa kanya ng makalapit Bakit nandito ka pa?Di ba pinauwi na kita?

Wala,gusto ko lang bantayan ka hanggan sa maging ok ka na,Ok ka na ba?

Oo Ok na ako sipon na lang ito

Mabuti naman sabi niya at ngumiti

Napatitig ako sa kanya masama daw siyang tao pero sa nakikita ko isa siyang mabuting tao,siguro may dahilan siya kaya nagawa niya yun sa babaeng mahal niya

Ok ka na kaya pwede akong umalis paalam

Sandali

Huh?

Sorry sa...nagawa ko kanina

Its Ok

Wait

Ano nanaman?

Magpalit ka muna ng Damit sa bahay baka matuyuan ka at ikaw naman ang magkasakit,huwag kang magaalala may damit naman akong panlalaki eh sabi ko at ngumiti lang siya sa akin

Sige Salamat sagot niya at nginitian ko siya

--

ilang sandali pa hindi ko na malayang nakatulog pala ako nagising na lang ako nakahiga sa kama ko,ewan ko paano ko na higa dito gayong sa sofa ako naghintay kanina na matapos maligo si Cedric,naligo kasi si kanina Dahil nga basang basa siya ng ulan.Pag gisining ko laking gulat ko ng makitang natutulog na nakaupo sa sahig si Cedric at nakasandal ang likod niya sa kama ko

Huh?Binantayan niya ako?pwede naman siyang umuwi na lang kahit Tulog ako pero di niya ginawa,Tama ako hindi siya masamang tao dahil hindi gagawing ng masamang tao ang ganito

Napangiti ako sa isiping parehas pala si Francisco noong panahong kailangan ni Francisco ng kaibigan,sa tingin ko kailangan niya lang rin ng kaibigan para marealize niyang hindi siya masama.

Naramdaman ata niya na tinititigan ko siya kaya nagising siya

Oh Sandra gising ka na pala sabi niya at tumayo.Nakita kasi kitang tulog sa sofa naawa naman ako sa ayos mo kaya dinala kita sa kwarto mo

Paano mo na lamang kwarto ko toh eh dalawa ang kwarto dito?

Napatitig siya sa uniform kong pang police na nakasabit lang sa pader ng kwarto ko at Oo nga ang tanga ko paanong di niya malalaman eh nandito ang uniform ko ang shunga shunga ko talaga

Ah hahaha Oo nga sabi ko na pilit ang tawa.eh bakit di ka pa umuwi gabi na ah?

Hinihintay muna kitang magising para makapag paalam ako Sorry nakatulog ako sagot niya na kumamot ng ulo

Wow gentle man pala siya,ito ata ang Cedric na ngayon ko lang nakita

Wala yun Ok lang

Tumayo ako ng kama at hinatid ko siya palabas ng Bahay

Nagulat ako ng makita ko si Ate na kararating lang at meroong isang magandang Red car na nakaparada sa Harap ng bahay namin

May bumabang mga lalaking nakaitim na naka shaded at lumapit kay Cedric

Boss Cedric kanina pa po kami dito

Huh?Totoo ba yung narinig ko Boss Cedric ang tawag sa kanya?

Pasensya na

Wala po yun Boss(pinagbuksan ng isang lalaki ng pinto ng kotse si Cedric)Tarana po Boss Cedric

Ok,sige bye sandra sabi niya at sumakay sa red Car

Wow ang taray naman pala ni Friend totoo nga mayaman pero bakit si Jackson hindi mayaman?at magkaiba ang apilido nila sabagay ano nganamang pakielam ko

Wow Sino yun?mukang naka bingwit ka naman ah

Lakas naman ng tama ni to kung makasabi ng bingwit eh kaibigan ko lang naman si Cedric

Ate si Cedric yun kaibigan ko lang yun

Ah Ganun...Hmm matankad,gwapo,mayaman at mukang maganda ang katawan

Oh tapos?

Hmm...I think I like him to be your Bf huh ayaw ko dun sa isa

Nagulat ako sa sinabing yun ni Ate

Ate naman eh!sigaw ko sa kanya dahil magkaibigan lang naman kami ni Cedric

Just asking you know

Ate Magkaibigan lang kami at si Francisco lang mahal ko at kanya lang ako

Police Story 1:  When a Criminal Fall in Love (Romance Action story)Where stories live. Discover now