I fell in love with the guy I met at the park //

1.7K 21 14
                                    

Papunta ako beach ngayon, muni muni lang. Nakaka bagot na kasi masayado sa bahay.

May event naman sa beach kaya for sure masaya duon.

Habang naglalakad ako, may nakita akong babae at lalaki na nag aaway, siguro mag kasintahan to. 

Hindi naman talaga ako usisera, pero etong sanggano kong paa ay naglakad papunta sa dalawang taong nag aaway. Nag tago ako sa likod ng puno, upang hindi nila ako makitang nakikinig sa pagtatalo nila.

"Mahal na mahal kita! Please, don't leave me!" Sabi nung lalake.

"For pete's sake, Drake! I have my needs! 5 years na tayo, hanggang ngayon hindi padin natin nagagawa yun!" Grabe lang, siya pa talaga may ganang mag sabing may needs siya. Ay nako.

Gwapo yung lalaki, mukhang masyado niyang nirerespeto yung girlfriend niya, biruin mo, 5 years hindi niya padin ginagalaw? Bihira iyan.

"Please? Hon, I'm just waiting for the right time" Sinabi iyan ng lalaki habang naka luhod, nagmamakaawa na hindi siya iwan ng babae

"No, we're over. Simpleng bagay lang hindi mo ako mapag bigyan! Tapos na tayo." What?! Ganon ganon na lang yun? Sinayang niya yung 5 years na pagrerespeto at pagmamahal niya

"Please, Hon. Please? Just give me another chance." Patuloy na pagmamakaawa ng lalake sa  babae.

"Wala ng tayo. No more chance. We're over. I don't love you. That's enough. Thank you sa 5 years ng paghihintay ko sayo." Pagkatapos sabihin yan nung babae umalis na siya.

Nakita ko yung lalaking pumunta sa bench, umiiyak padin siya. Nakaka awa naman. 

Malapitan nga. :)

Naka upo kami ngayon sa bench. Tahimik lang, ang hikbi lang niya ang maririnig mo.

"Hi." Bati niya sa akin.

"Uhm, hello po." sabi ko sa kaniya. Syempre medyo nahihiya pa ako, e hindi ko naman siya ka kilala e.

Short Stories and Poem (Oneshots)Where stories live. Discover now