Sa dami ng pwedeng pangungusap na may salitang 'gusto', bakit ang pangalawa sa pinaka iniiwasan pa ni Rayne ang sinabi ni Kaye? Pwede namang "Gusto mo ba kumain?" o 'di kaya "Gusto mong ilibre kita?" para madali?

Buti sana kung ang sinabi lang ay gusto kita, walang pressure para sumagot din dahil hindi naman tanong. Statement lang. Tulad ng sinabi sa kanya ng crush niya noon habang nagbabayad sa isang grocery store – gusto kita sabi nito. Napatingin lang siya sa crush niya, pati ata ang cashier noon sa store, napatingin. Pero ang reaction ni Rayne? Napa-oh? saka nag-move on sa payak na buhay. Very unromantic.

Ang kaso, tanong ang kay Kaye, eh.

May question mark sa dulo.

Bakit ba ilan sa pinaka mahihirap sagutin na mga tanong ay simple lang ang sagot na kailangan: yes or no. At bakit sa dami ng tanong, dito hirap na hirap si Rayne sagutan?

(Ang nakakainis pa, may rin sa tanong, indicating na may feelings involved both parties.)

Bilang sagot, lumingon si Rayne sa bintana.

Tinitigan niya ang papalubog na araw na para bang ito ang makakapagligtas sa kanya sa tanong; na para bang ito ang magiging dahilan para bumilis ang pag-ikot ng ferris wheel at makaalis na sila sa maliit na space na ito.

(Walang kawala, eh.)

"Pwede kang humindi," ani Kaye. "Masasaktan ako but part of the job. Ihahatid pa rin kita sa inyo dahil lagot ako sa Mama mo."

Huminga nang malalim si Rayne.

There's no running anymore, gan'on? Feeling tuloy niya, sinadya ni Kaye na magkaroon sila ng moment na ganito para hindi siya makatakbo (o lakad) papuntang CR (which is hindi rin naman effective dahil nakakapasok si Kaye sa CR ng mga babae.)

(Unfair, pero reality, eh.)

"Hindi sa gan'on," naiilang niyang sagot, halos hindi pa makatingin kay Kaye kaya imbis na sa katabi naka-focus, tumitig siya sa mag-jowang nagmo-moment sa kabilang cabin.

Bakit ang dali-dali para sa iba magkaroon ng lovelife? Fucked up ba talaga siyang tao lalo na't nakahain na sa kanya ngayon, hindi pa niya sunggaban?

"This frustrates me," ani Kaye. "Really, really bad."

"Sorry. . ."

"No, please, don't—agh." Huminga nang malalim si Kaye. Yumuko siya, pinatong ang magkabilang siko sa hita at tinakpan ang mukha. Hinimas nito ang buto sa gitna ng dibdib. "Straight girl ka but I can't. . .help it."

Tumingin lang si Rayne kay Kaye.

"After ng last ex ko, I promised to myself I will never let anyone play with my feelings ever again," anito, nakayuko pa rin. "Kahit na head over heels pa ako sa isang tao, kung ayaw talaga niya akong seryosohin, I won't waste my time and emotions on her."

Kaye. . . ngunit walang lumabas na boses.

"Masasaktan ako for letting her go but I know it would hurt me more if I let her toy with my feelings. I need to let go, love myself more. Pagod na akong masaktan at paglaruan dahil sa ganito ako, na kahit tanggap ako ng iba, hindi pa rin ng lahat. Pahirapan pa rin. Nakakapagod humingi ng atensyon. Kaya kong umalis na lang agad. . . kaya kong mag-move on na. . . I'm living my dreams right now but. . ."

Tumingala si Rayne para hindi tumulo ang nagbabadyang luha. Nag-fail ito, kahit nakatingala na siya, nang hanapin ni Kaye ang kamay niya at hawakan. She intertwined it with hers. Nakayuko pa rin ito. 

Nag-uumapaw ang emosyon sa mga mata niya kaya kinailangan niyang pumikit at huminahon para hindi magpatuloy ang mga luha.

"Ayaw kitang bitawan."

Love Songs for No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon