Saan nga ba talaga sila pupunta? Bahala na?

"Kailangan kitang bayaran, ha," aniya. "Sa mga ginastos mo. Ayokong nagkakautang."

"Regalo ko sa 'yo 'yon."

"Hindi mo regalo—"

"Napag-usapan natin 'to, 'di ba? Noon?"

Kumunot ang noo ni Rayne. "Ang alin?"

"Magpapakita ako sa pamilya mo, mamamanhikan, bibigyan ng regalo."

"What. Mamamanhikan? Napag-usapan natin 'yon?"

"Nalimutan mo? Ikaw pa nga nag-suggest?"

"Joke lang siguro 'yon!"

"Walang joke-joke!" Ngumiti si Kaye. "Sineryoso ko, ikaw nagsabi, eh."

"Kailangan pa rin kitang bayaran."

"Hindi na." Ngumiti ito. "Ito na lang ang kapalit mo sa akin."

"Anong ito?"

"Presensya mo."

Natigil si Rayne nang maramdaman ang kamay ni Kaye sa balikat niya - at ramdam na ramdam talaga niya ang mainit na palad ni Kaye sa balat dahil sa off-shoulder na suot. Pinisil saglit. Nakaakbay.

"Ikaw lang, sapat na."

Tumawa si Rayne. "Ajejeje po, boss Kaye underscore maldita representz!"

Tawanan.

Nang tanggalin ni Kaye ang hawak sa balikat niya, nalumbay ito. (Sad.) Lumiko sila. Naglakad. Saan ba talaga sila pupunta? Walang nakakaalam.

"But, may question ulit ako. . ."

"Kung tungkol na naman 'yan sa sinabi ni Pa—"

"Gusto mo bang magkaanak?"

Naubo si Rayne. "H-Ha?"

"'Yong papa mo. . ."

"Sabi ko sa 'y—"

"But hindi malayo, right?" tanong nito. "You're. . . you're capable."

"Uhm, thanks?" nag-aalinlangang sabi ni Rayne.

"Bakit thanks?" Tumawa si Kaye. "Seriously, Rayne. 'Di ba naghahanap na ng apo 'yong family mo?"

"Joke lang 'yon."

Bumuntonghininga si Kaye ngunit nakangiti pa rin.

"I'm just wondering. . . if."

"Bunso ako, may dalawa pa akong ate. 'Yong isa, may boyfriend. Tsaka. . . ang bata ko pa kaya."

Ngumisi si Kaye. Pumalatak habang umiiling. "Hindi ko pa naman kaya magbigay ng anak."

"Hala?" natatawang ani Rayne. "Parang kaka-graduate ko lang an hour ago ata?"

"Mga two hours naman," natatawa ani Kaye. "Too fast ba?"

"Ewan ko sa 'yo, teka, ang stress."

"Ng anak?! Oo n—"

"Sira!" Tumawa si Rayne. "Change topic! 'Yong paa ko, nai-i-stress na sa mga sinasabi mo."

"Hindi talaga sa heels? Sa mga sinasabi ko talaga?" Tawa. "Gusto mong buhatin kita?"

"Bakit ba ang cliché mo?"

"Pwede mo naman sabihing romantic na lang."

"Gasgas," aniya. "Maupo na lang muna tayo. Gusto mong kumain ng brownies?" Tinuro niya ang Brownies Unlimited.

Love Songs for No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon