(Curse her second older sister; ito ang nag-introduce sa kanya ng concept ng paghingi ng signs!)

Kahit tinantanan na niya ang paghingi ng signs, she never stopped believing. Minsan, hihingi siya ng sign. Kapag umulan, hindi na ako papasok sa school. Kapag tumingin 'tong prof ko, idi-dismiss niya kami nang maaga. Kapag lumapit sa akin ang kaibigan ko, ililibre niya ako ng pagkain. Iwas crush-related signs para iwas sakit.

Siguro dahil sa maturity na rin, naniwala siyang for less complications – all she need to do is to act. Move. Do something.

Sige na, sige. Ang pretentious naman kung sasabihin niyang hindi nga siya humingi ng sign. Of course she did, Kaye Cal connected.

Wala naman siyang paghiling ng, "crush ako nito kapag. . ." pero humingi pa rin siya ng sign (with s) kung magkikita pa rin ba sila.

          ● Kapag itong si Kaye, ngumiti habang kumakanta sa ASAP, magkikita ulit sila.

          ● Kapag itong si Kaye, hindi napiyok sa pagkanta, magkikita ulit sila.

          ● Kapag itong si Kaye, tumingin sa screen ng TV habang kumakanta, magkikita ulit sila.

          ● Kapag itong si Kaye, boses lalaki kahit babae biologically, magkikita ulit sila.  

          ● Kapag itong si Kaye, kumurap, magkikita ulit sila.

Childish—but again, ano naman? It's 2017 already.

Masama bang umasa sa wala?

Natauhan naman din siya after a month, okay. Kaya niyang magdelusyon pero hindi kaya araw-arawin. Tinanggap na niya: hindi na talaga sila magkikita pa siguro. Magkikita. . . pero hindi na siya aasa.

Mapapanood na lang talaga ni Rayne si Kaye sa TV o sa screen. O sa malayuan. May parte sa pagkatao niyang masaya na siyang makita si Kaye, nakikita ang mga ngiti na naibibigay nito sa mga umiidolo, naririnig ang mga tiling para rito.

Kaya n'ong nagkaroon ito ng Himig Handog mall tour, pinuntahan niya ito, kahit malayo. Pa-birthday gift sa sarili, kahit hindi na sila magkasama o magkausap o magkadikit. At least, makita.

Minsan, iniisip pa rin niyang baka nga panaginip lang ang lahat.

Kaso. . . 'yong tuyong rosas.

Kaso. . . 'yong kaba na nararamdaman niya sa tuwing naalala ang halik sa pisngi. O kuryente sa pasmadong palad kapag naaalalang dumampi rito ang labi ni Kaye.

Pero ayon, nga. Ayos na talaga siya sa malayo.

Dahil sino nga ba naman siya?

Isa lang siyang mumunting mamamayan ng Pilipinas na malapit nang makabilang sa percentage ng unemployed sa bansa kapag natapos na ang graduation ceremony na ilang oras nang inuupuan ni Rayne.

Hindi nakikinig si Rayne pero excited na siyang tumayo at matapos ang graduation. Masaya dahil sa wakas, graduate na siya! Sa pagka-bored, panay ang titig niya sa suot na black boots with 3-inch heels; kinakalkula kung hanggang kailan niya kakayanin ang pagsuot nito.

Nagpalakpakan ang lahat nang sa wakas, natapos na ang huling pangalan na makaka-receive ng diploma.

Patapos na talaga. . .as in. Nalalasap na ni Rayne ang unemployed status sa kaibuturan ng puso. Papunta na rin siya sa wakas sa quarter life crisis; sa pagpili between 9 to 5 desk job o starving freelance writer. Mararamdaman na niya sa wakas ang adulting na nirereklamo ng apat na batches na nauna sa kanya pero naging kaklase noon.

Binato na nga nila ang mga graduation caps nila. Itinabi niya ang cap sa upuan.

Ngunit hindi pa pala tapos ang graduation.

Love Songs for No OneWhere stories live. Discover now