"Yes, Ma'am."

Pinaandar muli ni Kaye ang kotse. Ibinigay nito ang phone kay Rayne para siya na ang mamili ng kanta. Pagka-unlock gamit ang finger print ni Kaye, kinabahan bigla si Rayne.

Hindi lang dahil bumungad kay Rayne ang photo app. . . kundi dahil sa kung anong litrato ang nandoon. Binulaga siya.

Their selfie photo.

Pagka-back niya sa home, napapikit siya saglit. Kinailangan niyang alamin kung paano nga ba huminga ulit. Exhale ba? Inhale? Paano ulit? Kailangan niyang magkaroon ng breathing exercises para mabuhay.

Paano, ang wallpaper nito sa home – picture nila. Hindi selfie, kundi malayuan habang nagpi-picture sila. Na para bang isa itong screenshot ng isang scene sa isang movie mula sa malayo. Saan kaya galing ang shot na 'to?

Sinilip niya si Kaye na seryosong nag-da-drive. Bumuntonghinga siya. Ang too good to be true. Kaasar.

Ito ba ang sinasabi nitong wallpaper kanina?

Dumiretso siya sa music at nag-scroll, namili ng kanta. "Ang random ng music taste mo, 'no? Walang particular genre. May ballad, pop, tapos may rap din dito, oh. Teka, seryoso ba 'to?"

"Why? Anong nakita mo?"

"May porn ka rito?!"

"WEH?"

(Buti walang pagprenong naganap dahil baka masuka na si Rayne sa pagka-cliché n'on if ever.)

Tumawa siya. "Joke, ikaw naman. Ito kasi, bakit may Stupid Love?"

"Grabe 'yang joke mo!"

"Defensive. Mukhang mayroon nga."

"Ano sa tingin mong makikita mo sa phone ko?"

"I don't know. . . ano nga ba?"

Umiling si Kaye nang nakangiti. "Wala. Puro songs, notes and pictures. Tsaka sa music, naka-depend sa mood ko 'yong pinapakinggan ko," anitong natatawa. "Kapag gusto kong mag-angsty, pinapakinggan ko 'yong mga tulad ng Stupid Love. Nang mainlove ako sa 'yo 'kala ko'y pag ibig mo ay tunay. . ."

Natulala saglit si Rayne sa biglaang pag-rap ni Kaye. Nang medyo matauhan, tumawa siya kaunti at tinuloy ang rap. "Pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay."

Tumawa rin si Kaye, nagpatuloy. "Ang iyong kilay mapag-mataas at laging namimintas pero sarili kong pera ang iyong winawaldas."

"Para kang sphinx!" sabay nilang pagkanta (o pagsigaw) kahit wala namang music. "Ugali mo'y napaka sting."

Natawa si Rayne, nagtuloy si Kaye.

"Kung hiyain mo ko talagang nakaka-shrink. Girlie biddy bye bye don't tell a lie. Bakit mo ako laging dini-deny? Relate ako, eh."

Lalong natawa si Rayne pero natigil sa sunod na sinabi ni Kaye.

"Seriously," anito. "Dine-deny."

"Ay, oh."

Nawala ang ngiti nilang dalawa. Natahimik. Ngumisi si Kaye.

"Ang rap na talagang kabisado ko noon 'yong Yes, Yes Show," ani Rayne.

"Parokya ni Edgar?"

"Yup! You better get ready for a big surprise. You think it's almost over but it's only on the rise."

Hindi nagpatalo si Kaye, sabay pa silang naghe-headbang kahit walang musika at nagra-rap lang. "Mental message by visual contact, louder than any other sexual soundtrack."

Love Songs for No OneWhere stories live. Discover now