"Anong ginawa mo?"

"Syempre, I still continued singing. Kapag may nag-aaya for a gig, mga kantahan, kahit ibang banda. May mga pagkakataong papayag ako na walang bayad for exposure. Tinutulungan ako ni Tying at ilan ko pang kaibigan to shoot and edit song covers. Iba rin talaga ang online presence, eh."

"Iba nga talaga ang online presence. Social Media Generation, eh. Pwedeng mag-viral."

"Yeah, I don't know kung paano at kailan nagsimula. The views just kept on coming. Ang dating 30 likes lang sa Kaye Cal FB Page ko, naging 100 na hanggang sa nag 500 each post. I took care of those active ones, cling onto them. I made them my lifeline."

"Lifeline talaga? Paano kung bumitaw sila tapos—"

"They didn't. Siguro may mga nawala, but may mga kilala ako noon na hanggang ngayon, active pa rin sa akin. Pumupunta pa rin sa mga gigs ko no matter what."

"Wow, matatag kapit."

"Totoo. I wasn't really expecting until nagkaroon ako ng gig na maraming nagpunta para sa akin talaga. Nag-effort talaga. Noong I feel that everything was falling apart, dumating sila. Kumapit ako sa kanila and I kept on making music and they kept on listening to me. They kept on sharing my music to their family and friends, and friends of friends. . . Ang galing, eh. Sila nagpapaalala sa akin that this is what I really want. So I kept on going, more on para sa akin, but para sa kanila rin. Sa Team Kaye Cal ko. They are my family, no one else's. Akin sila."

Natahimik saglit si Rayne. Tumitig sandali kay Kaye.

"Ang haba ng sinabi mo, ah."

Biglang tumawa si Kaye. "Rayne naman! Ang ganda na ng sinabi ko, eh."

"Sorry, sorry. . ." Tumawa si Rayne. "Ano kasi, eh. . .gets ko naman. Sa tingin ko naman, tini-treat ko as family ang readers ko? I think? Pero. . malaya pa rin sila. Dapat? Ata? Uhm, ewan. Ano lang, ang hirap lang. . .kumapit? Nang mahigpit?"

"Hindi mahirap—"

"Paano kung bumitaw nga?"

"Hindi nga sila bibitaw."

"Paano lang kung magsawa sila sa 'yo?"

"They won't if mahal mo sila. Give and take."

"Eh, paano kung hindi ka pala sapat?"

"Kailan ba magiging hindi enough?"

"Kapag sobra binigay sa 'yo? Tapos ikaw. . ."

Tiningnan siya nang taimtim ni Kaye, tila may iniisip, may gustong alamin. "May takot ka bang hindi masuklian 'yong love sa 'yo ng tao?"

Napatayo nang diretso si Rayne, tinapon ang plastic cup ng McFlurry niya sa basurahan.

"Bakit naman tayo napunta d'yan?"

Tumawa si Kaye. "Sagutin mo na lang."

"Teka, aali—"

"Rayne! Umiiwas ka na naman."

"Teka, promise, bibili lang ako ng tubig. Nakakauhaw 'yong ice cream."

Sumimangot si Kaye. Ngumiti lang si Rayne bago siya lumapit sa isang vendor at bumili ng dalawang bote ng tubig para sa kanila ni Kaye. Binigay niya ang isa kay Kaye pagbalik. Ipinilit niyang libre niya ito kaya walang nagawa si Kaye kundi magpasalamat.

"Ano nang answer mo?"

"Saan?"

"Ayan ka na naman, eh."

"Sorry na, ito na." Tumawa si Rayne. "Pero ano nga ulit 'yong tanong? Seryoso. Nalimutan ko na."

Napahawak sa noo si Kaye. "Takot ka bang hindi mo masuklian 'yong love ng iba para sa 'yo? Kaya hirap kang kumapit?"

Love Songs for No OneDove le storie prendono vita. Scoprilo ora