"Mayroon ba?"

"Kailangan pa bang pag-isipan 'yon?"

"Hay nako, Kaye." Natatawang tinaas ni Rayne ang dalawang kamay. "Give up na ako."

Tumawa ito. "Sorry, balik sa readers mo. Mas intimate ba sa 'yo kapag readers tawag mo?"

"Para sa akin. Pero nahihiya akong inaangkin ko sila?"

"What? Bakit naman? Tingnan mo ako, Team Kaye Cal ko."

"Ang weird naman kung Team Kaye Cal ni Rayne? Syempre 'mo' dapat 'yan."

"Alisin mo na lang kaya 'yong Team? Hindi ba mas okay?"

"Ha?"

Medyo nag-loading ng 0.073 seconds si Rayne bago niya na-realize ang sinabi ni Kaye. Pabirong tinulak niya si Kaye na tawa nang tawa sa sarili.

Kumalma lang ito matapos samaan ng tingin ni Rayne.

"But seriously, you have fans - or readers, hindi mo pa ba sila aangkinin? Na they belong to you?"

"Ang hirap kaya mang-akin," natatawang ani Rayne. "Na kalaunan, pwedeng mawala."

"Mawawala agad?"

"May chance. Kaya hahayaan ko na lang sila."

"But hindi ka sure na mawawala talaga. That's what fans are - nakakapit sa 'yo through thick and thin."

Bumuntong hininga si Rayne. "Ang hirap magkaroon ng fans dahil nagiging bulag sila madalas sa 'yo. Tapos ang hirap din ng ako, ako, ako ang nakikita nila. 'Yong iaangat ako sa pedestal kahit normal lang ako. Nakakatakot din na baka malulong ako sa atensyon. Kaya siguro mas gusto ko ang readers. . . 'yong casual lang."

"Pwede ba 'yon? Pupuntahan ka nila tapos aalis din?"

"Plus points na lang siguro kapag nagustuhan nila pagkatao ko behind the words? Gusto ko lang talaga ng readers, I guess. Bilang manunulat."

"Sino bang hindi. . ."

"Anong sino bang hindi?"

"Hindi magugustuhan pagkatao mo," anito. "Deserve mo rin ang atensyon. You deserve those readers na mag-stay sa 'yo in the long run. Mahaba pa ang byahe, Rayne."

"'Yon na nga, eh. Sa haba ng byahe ko, lalo na ngayong nahihirapan akong pagbalansehin ang school at pagsusulat - tapos dumagdag pa 'yong pagpunta ko sa concert ng isa d'yan. . ."

Natawang naubo si Kaye.

"Baka hindi ko sila masuklian. Baka lumagapak mula sa pedestal kasi hindi pala ako 'yong iniisip nilang idol."

"Do you have active . . . readers? Paano ba maging active ang readers? Nagtu-tweet sa 'yo? Instagram? Comment sa stories mo? Nakikita ko naman 'yong mga nagko-comment sa posts mo—"

"Wow, wala na talagang taguan sa pagiging stalker?"

Tumawa si Kaye. "May itatago pa ba?"

Lumawak ang ngiti ni Rayne. Sumubo ng ice cream na malapit nang maging cookies and cream soup.

"Siguro sa mga social media, may mga active readers naman. Pero. . . ewan. Marami kasing casual readers na isa lang ang babasahin sa 'yo tapos naka-follow na lang. Hanggang doon na lang."

"I remember n'ong wala pang Team Kaye Cal," ani Kaye, inayos kaunti ang bangs na tumatama sa mukha. "Lagi akong takot mag gig dahil walang constant na sumusuporta sa akin, either they're busy or too far. Lalo na n'ong bumalik sila Jester sa Davao at na-disband 'yong Ezra Band and I stayed sa Manila. Mag-isa lang ako in the big bad world."

Love Songs for No OneWhere stories live. Discover now