Akala ko ang buhay ng isang pangyayari sa pelikula ay pawang sa pelikula lamang ito at hindi ito na iu-ugnay sa mundo. Bakit nga ba nangyayari ang isang di inaasahang pangyayari? Dahil ba ito ay di inaasahan o, ito'y naka-tadhanan na.
Akala ko noon sa simpleng pamumuhay ang mamumuhay ka ng payapa ngunit hindi pala. Namuhay ako ng may pagmamahal at may takot sa panginoon, ngunit lahat ng paniniwala ko ay nagbago at nabago ng isang ensidenteng hinding-hindi ko malilimutan.
"papa, natatakot po ako.''-ako ''wag kang matakot okay, umalis kayo dito ng kapatid mo, mag-tago kayo kung saan kayo ligtas okay. Babalikan kayo ni papa."- sabi ni papa habang tinuturo ang daan sa pasilyo ng aming bahay "pa natatkot kami papa, asan si mama?"-nanginginig na boses na sabi ko "shhh. Wag kayong maingay babalikan ko kayo. Paptuligin muna naming ni mama niyo yung mga bad guys princess ha, basta mag tago kayo ni Ed. Babalikan naming kayo." Pagkasabi nun ni papa ay agad kung kinuha si Ed at sabay kaming tumakbo sa kwarto at nag tago sa cabinet nila mama at papa. "ate, takot po ako. Huhuhu"- ed "shhh, wag kang matakot Ed, hindi nila tayo rito makikita tsaka babalik pa sila mama okay."-ako " okay ate."-wika ng nakababata kung kapatid. Makalipas ang ilang minute ay nakarinig ako ng isang alingaw-ngaw ng putok ng baril. Alam kung sina sina mama at papa yun. "Ed, kahit anung mangyari ha! Dito kalang wag kang lalabas, lalabas lang si ate tatwagin ko lang sila mama okay. Babalik rin si ate."-wika ko kay Ed habang papalabas sa kabinet.
Tumakbo ako sa mahabang pasilyo ng aming bahay at sinundan ang mga ingay na aking naririnig at napunta ako sa opisina nila mama, maingat akong naglalakad ng hindi nakakalikha ng ingay patungo sa mga naka-itim na tao at nag tago sa ilalim nga lamesa. " sige na ibigay mo na o papuputukin ko ang bungo ng asawa mo. Mamili ka."- nasindak ako sa narinig ko at agad akung lumingon sa pinanggalingan ng boses, nakita ko si mama sa gilid niya at tinututukan ito ng baril. " Fuck you Sebastian, hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Pakawalan mo ang asawa ko."-sigaw ni papa habang pilit na kumakalawa sa mga lubid na nakapalibot sa kanya. "Anong akala mo sa akin Rafael tanga? "- galit na sigaw nung mama na naka-itim " parang awa muna Sebastian pakawalan mo ang asawa ko! Wala kang mapapala sa amin dahil wala kaming alam."- sumisigaw na pahayag ni papa "Tangina ! mo Rafael inuubos mo pasensya ko."- saad niya. Nakarinig na naman ako ng isang malakas na putok ng baril at nakita ko kung paano humandusay sa sahig si mama at bago malagutan ng hininga si mama ay napalingon siya sa akin na binigkas ang pinaka-masakit na paalam "I love you."- pubulong na sabi ni mama saakin at tuluyan ng pumikit ang mata.
"Walang hiya kang hayop ka! Papatayin kita."-paiyak na sigaw ni papa at pilit na kinakalas ang lubid na gumagapos sa kaniya. "Pasensya na Rafael, wag kang mag alala ikaw ang isusunod ko."—pagkatapos niyang bigkasin ang katagang iyon ay uma-alingawngaw ang putok ng baril at tumama sa ulo ni papa. Wala akung nagawa kundi ang umiyak ng pabulong.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na kung saan nasaksihan ko ang pagpatay ng aking mga magulang, at mula noon ay muli akung nabuhay. Nabuhay ako ng may poot at galit sa aking puso at sa muli naming pagkikita hindi lang buhay ang kapalit kundi mararanasan din nila ang sakit at pait na pinaranas nila sa akin lalo na sa mga magulang ko.
If payback is a bitch and revenge is sweet, then I must be the sweetest bitch you'll ever met.
YOU ARE READING
Revengeful Lady Series: Amelia Turner
General FictionI GOT ICE IN MY VEINS, BLOOD IN MY EYES, HATE IN MY HEART, LOVE IN MY MIND.
