Chapter 1

12.8K 136 18
                                    

ZoeColleen Hi, eto na yun! Sorry sa super late UD. 😊😊


Chapter 1

Isinuot niya ang dark shades nang tumama ang pang-umagang sikat ng araw sa mga mata niya habang dahan-dahang nagmamaneho sa may mabatong parte nang daang iyon sa baryo Bato ng La Trinidad.

Sumisikat na ang araw ay hindi pa rin niya nararating ang kanyang destinasyon—, ang bahay nang kaibigan niya na matatagpuan sa baryo na iyon kung saan doon sila maglalagi sa pagha-hibernate niya.

May ilang tao na rin siyang nakasalubong na napagtanungan kung nasaan ang hinahanap na bahay pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya iyon natutunton.

Binalaan naman siya ng kaibigan niyang si Percy na hindi madaling hanapin ang bahay ng mga ito at nag-alok pa na tatagpuin siya nito sa bayan ng Baguio. Pero dahil sa katigasan nang ulo niya ay iyon ang napala niya. Palagay niya ay nagpaikot-ikot nalang siya sa bahaging iyon ng probinsya.

Kung bakit kasi kay lakas ng loob niyang magbiyahe ng mag-isa sa kabila nang kaalamang madali lang siyang maligaw.

Kahit ang dalang mapa na nakatiwangwang sa tabi niya ay walang naitulong sa kanya. Namimintig na ang mga paa niya sa may ilang oras na ding pagmamaneho. Kahit ang cellphone niya ay walang naitulong dahil sa pawala-walang signal. Tuloy ay hindi niya matawagan ang kaibigan.

Sobrang inip na ang kanyang nararamdaman at ilang sandali pa ay baka magbalik nalang siya pa Maynila.

Pero ng maisip ang dahilan ng pagpunta niya doon ay nagbigay sa kanya ng ibayong sigla para ipagpatuloy ang paghahanap.

Mapait na sinasabayan pa niya ang kanta ng System of the Down na "Chopsuey" habang nagmamaneho sa second hand niyang Toyota Vios. Mapait siyang ngumiti ng maisip na pati ang sasakyan niya ay walang naitulong sa mahabang biyahe niyang iyon. Alam niyang probinsya ang pupuntahan niya pero hindi niya naisip na ganoon ka lubak ang daan.

Nang magtanong siya sa kaibigan ay maayos naman daw na nakasemento  ang daan kaya dinala niya ang sasakyan niya. Hindi niya naisip na ganoon ang definition nito sa salitang maayos.

Frustration was consuming her kaya mas pinalakasan pa niya ang volume ng stereo.

Sinasabayan niya ulit ng malakas na pagkanta ang tugtog para mawala kahit papaano ang pagkabagot niya. Kahit kasi masakit sa tenga ang hard metal rock na pinapakinggan niya ay pinapakalma siya nito at para namang tumatagos sa puso niya ang bawat kataga niyon.

Biktima lang naman kasi siya ng pang-aabuso ng sariling ama.

Maliit palang siya nang mamatay sa atake na highblood ang mama niya. Tuloy ay ang ama niyang lasengero nalang ang bumubuhay sa kanya. Kapag nalalasing ito ay bugbog at masasakit na salita ang aabutin niya dito.

Nandyan naman ang tiyahin niyang si Tiya Margarita na kapatid ng ama niya pero kahit ito ay walang nagagawa kapag nalalasing ang ama niya. Takot din ito sa nakatatandang kapatid at naiintindihan naman niya iyon.

Malakas siyang napabuntong hininga at itinabi ang sasakyan sa gilid nang kalsada. Tila sumikip sa loob ng sasakyan dahil sa naninikip niyang dibdib. Lumabas siya ng sasakyan at tinanaw ang maberdeng kapaligiran. Doon ay lumanghap siya nang preskong hangin habang pilit na inaalis sa isipan ang nakaraan at ang kasalukuyang sitwasyon. Pero tukso namang bumabalik lahat iyon sa kanyang isipan.

Nang mamatay ang ama niya sa isang aksidente ay ang tiyahin na niya ang kumupkop, nag-alaga at nagpa-aral sa kanya. Ginawa nito lahat para ma-supportahan siya. Malaki ang utang na loob niya dito dahil sa pagtataguyod nitong mag-isa sa kanya at lahat ay gagawin niya makabayad lang ng utang na loob dito. Maliban doon ay ito nalang din ang nag-iisa niyang kamag-anak. Gusto niyang mapasaya ito.

"Never Alone Again"Where stories live. Discover now