Chapter 8: Let Me Die

Start from the beginning
                                    

"Sadya yan, so don't bother. Don't worry, I won't go in unless you tell me."

Gusto ko syang murahin. At talagang wala itong lock para magawa nyang makapasok kahit anong oras nya gustuhin?

Napailing ako.

Napakaimposible ng taong 'to.

Malaki ang banyo at kumpleto sa gamit. Malinis at mabango.

Binilisan ko ang pag-ihi sa takot ng ideyang baka pumasok sya ano mang oras. Lumapit ako sa lababo para maghimos pero may benda ang ulo ko kaya naghugas lamang ako ng mata at nagmumog. Uminom rin ako ng kaunting tubig dahil nauuhaw na talaga ako.

Nang inangat ko ang repleksyon sa salamin ay saka ko napansin ang malaking pagbabago sa sarili ko.

Malalim ang paligid ng mga mata at maputla ang kabuuan ng mukha. Ibang - iba sa dati. Mahina at walang buhay kumpara sa masigla at masayahing ako.

Uminit ang sulok ng mga mata ko matapos kong makita ang mukha ko sa salamin. Naawa ako sa sarili kung bakit ako napasok sa sitwasyong ito.

Muli nya akong ibinalik sa kama saka lumabas ng kwarto at nang bumalik ay may dala na itong pagkain.

"Don't starve yourself."

"Anong bang pakialam mo?"

Hindi mawala sa isipan ko ang babaeng nakita ko sa salamin. Isang kaawa awang babae. Ang masakit, ako ang kaawa-awang babaeng iyon.

"Wala na akong pakialam kahit magutom ako. Mas mabuti na nga sigurong mamatay na ako."

Punong puno ako ng hinanakit at sobrang pait ng nararamdaman ko.

Hindi sya nagsalita at isang malalim na pagbuntong hininga lamang ang narinig ko mula dito. Mainam ang ganito, ang maubusan sya ng pasensya sa akin. Hindi man ako umaasang pakawalan ay kahit paano ay hindi ko sya nabibigyan ng pagkakataong makuntento.

"Kung naiinis ka na..", Tumitig ako sa mukha nitong may blankong emosyon.

"..patayin mo nalang ako."

Agad itong nag-iwas ng tingin. Nakita ko ang pagkuyom ng kamay nito. Nakakatakot pero tinatagan ko ang loob ko.

Tumayo ito at mabilis na lumabas ng kwarto.

Napasandal ako at huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay ganito ang ikamamatay ko, ang araw-araw na away naming dalawa, ang pagpupumilit ko sa bagay na ayaw nya at di pagsunod sa mga gusto nya.

Halos mapalundag ako sa sunod sunod na ingay ng mga nababasag na bagay sa labas ng kwarto. Sunod-sunod na pagmumura at pagsigaw ang narinig ko. Mariin akong napapikit matapos.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now