Chapter 19: Vida

166 3 1
                                    

Kyle’s Side

Yes! Tapos na ang shoot namin. Makakapagpahinga na rin sa wakas. Inayos ko na ang mga gamit ko at tumulong sa staff ko sa pagliligpit ng gamit nang mapansin ko na tahimik si Alfieri.

Hinayaan ko muna siya dahil baka may personal siyang problema na kailangan intindihin.

 I called Icy to inform him na tapos na ang shoot. Tinawagan ko na rin ang parents ko at nagtanong kung may gusto ba silang pasalubong. Matapos silang tawagan ay umakyat na ako sa silid para magpahinga.

Palakad na sana ako ng silid ko ng makita ko si Alfieri na nasa balcony sa kabilang dulo ng corridor. Na-curious ako dahil doon.

I heard him sigh heavily saka uminom ng drinks na hawak niya.

“Ang lalim noon ah.” Sabi ko sa kanya.

Lumingon ito at ngumiti sa akin.

“Is there a problem?” tanong ko dito.

Hindi ito kumibo. Mukhang ayaw niya magkuwento. Nanatili na lang ako sa tabi niya.

Tinignan ko ang view sa ibaba ng balcony. May mabining hangin mula roon kaya ang sarap naman magpahinga. Kitang-kita roon ang ganda ng hotel at lugar sa Cebu.

“Ate Kaily, did you ever love someone more than yourself?” nagulat pa ako sa tanong na iyon ni Alfieri. Hindi siya nakatingin sa akin. Pero nararamdaman ko na hinihintay niya ang sagot ko.

“Hmm, paanong more than myself ba?” balik tanong ko sa kanya.

Hindi ito kumibo. Siguro naisip nito na nagkamali siya nang mapagatatanungan.

“Mayroon kasing love na parang sa magulang, mayroon sa kapatid, sa anak. Mayroon rin sa someone special. Pero kung huli yung sinasabi mo, iyon ba yung klaseng pagmamahal na kahit wala yung presensiya niya mahal mo pa rin siya?” tumingin ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon.

“Oo.”

“I see. Did you ever have a dog?” tanong ko dito.

“Ha?” Naguluhan siya sa sinabi ko kaya takang-taka ang mukha niya na nakatingin sa akin.

“I had one when I was a kid. His name is Vida, spanish name for “Life”. Five years ko siyang nakasama. Dahil laging busy ang parents ko, Vida is always been there for me. I love him so much kaya okay lang na wala sila Mom at Dad kahit close kami. Until dumating yung day na iniwan niya ako.”

I look at him for a second.

“It was really painful na feeling ko iniwan ako ng tanging nag-iisa na kakampi at naiitindihan lahat ng sa akin. I cried a lot. I love him so much na dumating yung time na feeling ko huminto yung mundo ko. Lagi akong depress. Malungkot at loner. Iniisip ko kasi na si Vida ang nandoon sa pagkukulang ng magulang ko na pinunan niya kaya ng mawala siya sobrang hirap.”

I glance at him and talk.

“You may think na mababaw lang, na aso lang iyon, na napapalitan din. Pero hindi, hindi ko alam kung maiintindihan mo Alfieri.  Aso man o tao ang mawala, kapag nagkaroon siya na malaking impact sa buhay mo, maari man siyang mapalitan, hindi mawawala yung memories na naging part siya ng sistema mo.” Mahaba kong paliwanag sa kanya.

“So ano nangyari pagkatapos Ate Kaily? Paano mo nakalimutan si Vida?” tanong sa akin ni Alfieri.

“I didn’t forget him. He’s still here in my heart. I didn’t move on. There no such thing as move on, Alfieri. As years goes by, paunti-unti ko natatanggap na wala na siya. Na happy na siya kung nasaan siya ngayon. But I didn’t stop loving him. Naging okay na lang ako sa ganoon.”

“Nagkaroon ka ba ulit ng panibagong Vida, Ate Kaily?”

“My mom initiate for me to have one, pero tinanggihan ko na. Nag-iisa lang kasi si Vida. Hindi siya mapapalitan. Isa pa dumating sa Icy sa amin. Naging part siya siyang buhay ko. Kaya di ko na kailangan ng isang Vida pa.”

“Pero parang si Kuya Icy ang pumalit kay Vida. Hindi ata nagtutugma yung statement mo sa storyline mo Ate Kaily.” Nagtataka saad niya.

“Every living thing is unique. Hindi mapapalitan si Vida dahil nag-iisa lang siya. Ganoon rin sa tao, magkaroon man ako ng madaming kaibigan, nag-iisa lang si Icy. Walang hihigit sa kanya.” Explain ko dito.

“I see. Ganoon pala. Maybe ganoon ang nararamdaman ni Kuya Jian. I was so stupid to tell him things like that.” Pabulong niyang sabi ko na narinig ko.

May Jian kasi siyang sinabi eh! Basta Jian buhay na buhay ang hasang ko.

“Why? Did you two guys had a fight?” tanong ko.

Magkasundo kasi silang magkapatid. Busy man kaming pareho da trabaho namin ay nakikita ko na close ang makapatid sa isa’t isa. Ang kwento pa nga nitong si Alfieri sa akin ay bihira sa pag-ulan ng yelo sa Pilipinas kung mag-away ang Coquillo Brothers nang magtanong ako kung ano feeling ng may kapatid.

I heard him breath heavily and sigh.

Coquillo Brothers: Jian Coquillo - The Indefatigable One (Completed)Where stories live. Discover now