Chapter 14-Fight💙👶🏻

973 17 9
                                    

Daniel's P.O.V
Nandito na kami ngayon sa bahay na iniregalo ng mga Magulang namin ni Kath,lumipat na kami kahapon at nandito din yung mga Kaibigan namin ni Kath at dito sila natulog dahil pagkalipat namin kahapon ay sinabay na ang Blessing ng bahay.Nagluluto ako ngayon ng tanghalian namin at sila Kath naman ay nandoon sa sala,at nanonood sila ng movie.Nang matapos akong magluto ay inayos ko na din ito sa lamesa para kakain nalang kami,nang nakaayos na ang lamesa ay pinuntahan ko na sila sa sala para makakain na kami.

"Guys!Kain na tayo!"maglang bati ko sakanila kaya nagtawanan sila pero lang kay Kath na nakasimangot.

Bal,tayo na dyan kakain na tayo"sabi ko kay Kath pero inirapan niya lang ako habang nakasimangot parin.

"Ano nanamang ginawa niyo kay Kath?!"mahina pero madiin kong tanong sa barkada,pero they just shrug their shoulders at umiling lang sila.

"Kath,anong problema?"mahinahon kong tanong kay Kath pero niyakap niya lang ako ng mahigpit at siniksik yung mukha niya sa leeg ko.

"Wala!Tara na kain na tayo"masungit na sabi niya at tinulak pa ako,pero hinayaan na lang namin siya at kumain na kami.
______________________________________________
Sh*t!

Bakit ndito yung ni Kath?!Pagkalabas na pagkalabas ko sa kusina sila agad makikita kong nagbebesuhan at nagyayakapan sa may sala,tapos makalandi naman itong si Diego kay Kath parang hindi alam na buntis ito.

"DJ,pwede bang doon ka muna sa kwarto natin?May paguusapan kasi kaming dalawa ni Diego,sandali lang naman"sabi ni Kath saakin na nakangiti pa habang si Diego naman ay nakangisi saakin.

"Aalis ako,pupunta ako kari Mama mag-iingat ka dito kung may kailangan ka tawagan mo lang ako.Iloveyou"cold na sabi ko kay Kath at hinalikan siya sa labi.

"Sige,mag-iingat ka rin.Iloveyoutoo"sagot niya saakin at hinalikan ako sa pisngi ko.

Umalis na ako sa bahay pero hindi ako dumiretso kila Mama,pumunta ako sa Bar at doon uminom ng uminom.Subukan lang akong gag*hin ni Diego hindi na siya sisikatan ng araw,puno naman ng CCTV ang buong bahay at meron ding Speaker doon na pwedeng marinig ang pinag-uusapan nila,hindi yun alam ni Kath dahil hindi niya pa naikot ang buong bahay.

______________________________________________
Nndito na ako sa bahay at medyo nahihilo narin ako kasi medyo naparami ang nainom kong alak,nakita ko si Kath sa sala na masama yung tingin saakin habang prenteng nakaupo sa may sofa.Binigyan ko lang siya ng isang cold stare at pumanik na ako sa kwarto at nagpalit na ng damit,pagkatapos kong magbihis ay nakita ko naman siya sa may harap ko na masama parin ang tingin saakin.

"Bakit ngayon ka lang?Tinawagan ko si Mama Karla kaninang umalis ka pero ang sabi niya ay wala ka naman daw doon,saan ka nagpunta?!"pasigaw na sabi ni Kath saakin pero binigyan ko lang siya ulit ng cold stare.

"Bakit ikaw nakikipaglandian ka sa Ex mong yun?!Hindi niya ba alam o napansin na buntis kana nga nilalandi ka pa niya!"pasigaw din na sagot ko sakanya.

"Magkaibigan lang kami DJ!May mali ba na pinapunta ko siya rito?!Bahay ko din naman ito ah!"sigaw niya ulit saakin kaya lalo akong nainis kasi si Diego parin yung pinagtatanggol niya.

"May mali doon Kath!Ang mali doon eh nilalandi ka niya kahit na buntis kana at nagpapalandi ka naman!Magkaibigan nga kayo pero hindi mo parin matatanggal doon na mag-Ex kayo!Wala akong sinasabing hindi mo bahay ito dahil iniregalo ito ng mga magulang natin"cold na sabi ko sakanya at bigla siyang natahimik at napaupo sa may kama.

"Mas mabuti sigurong aalis muna ako dito sa bahay Kath,pero huwag kang mag-alala dito naman titira sila Magui.Dahil alam kong pareho tayong galit ay aalis muna ako at titira sa Condo ko,pero tandaan mo mahal na mahal kita at hinding-hindi ko kayo iiwan at kapag maayos  ang lahat tsaka nalang tayo mag-usap"sabi ko sakanya at hinalikan ang noo at tyan niya,agad akong pumunta sa walk-in-closet namin at kumuha ng damit at inilagay ito sa maleta.Agad kong tinawagan sila Mama Min at Mama Karla para papuntahin sila dito dahil aalis muna ako at tutuloy na muna sa Condo ko,nung tinanong naman nila kung ano ang nangyari ay sinabi ko nalang na dito na namin pagusapan.

"DJ,ano ba ang nangyari at naglalayas ka?"mahinahong tanong ni Mama saakin pagkadating na pagkadating nila dito sa Bahay namin.

"Ma,nag-away po kami ni Kath at kailangan ko po munang umalis kasi mas lalo lang lalala ang away namin kung nandito ako"sagot ko kay Mama.

"Bakit kayo nag-away?"tanong naman saakin ni Papa.

"Kasi po pinapunta niya yung Ex niya dito tapos ako naman pinaalis niya dito dahil mag-kukwentuhan daw sila kaya hindi ko maiwasan magduda at magselos kasi bakit kailangan pa nila akong paalisin kung mag-kukwentuhan lang sila,tapos pagkauwi ko po dito ay agad niya na akong sinungitan at sinigawan"mahabang paliwanag ko sakanila kaya tumango-tango sila at pinaalis na ako dahil lumalalim na ang gabi at medyo malayo-layo pa yung Condo ko,sinabihan din nila ako na palagi nila akong tatawagan tungkol kay Kath at kapag lumamig na daw ang mga ulo namin ay mag-usap na kami at magbati dahil hindi pwedeng patagalin ito kasi malapit narin manganak si Kath.

*********************************************************************
Vote.

Young Parents[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon