Chapter 4-Pagtataboy💙👶🏻

1.4K 27 2
                                    

Daniel's P.O.V

Nandito ang P5 ngayon sa bahay at inom lang ako ng inom ng alak.Isang araw na yung lumipas at wala akong tulog at wala din akong kain,ngayon lang ako natauhan at nagulat lang ako sa nasabi ko kay Kath kahapon at ngayon sobrang hirap ang dinadanas niya dahil ayaw na daw siyang patirahin ni Tita Min sa bahay nila at wala naring pakialam ang pamilya ni Kath sakanya.

"Wala akong kwentang tao dahil tinaboy ko ang mag-ina ko!"sabi ko sabay inom ulit ng alak.Nagulat naman ako ng suntukin ako ni Seth Gothico sa may pisngi ko,kaya napahawak at napadaing ako sa sakit.

"Kung gusto mong mapatawad ka ni Kath,gawin mo ang nararapat DJ hindi lang anak ni Kath yan anak mo rin yan!"sigaw ni Seth saakin.

"Matulog ka muna at kumain J,kapag nakatulog kana at kumain saka mo suyuin si Kathryn"sabi ni Katsumi Kabe saakin at tinapik din niya ang balikat ko.

Sinamahan nila akong kumain at katapos kong kumain ay hinatid nila ako sa kwarto ko at sinabing matulog muna ako at uuwi muna sila,sinabi din nilang kapag nagising na ako ay tawagan ko sila dahil tutulungan nila akong suyuin si Kath.

Kath's P.O.V

Nandito ako ngayon sa Condong nirerentahan ko dahil nga pinaalis na ako nila Mama,oo si Mama mismo ang nagpalayas saakin sa bahay dahil umuwi sila galing London.Kauwi nila ay pinagtatapon niya ang mga gamit ko sa may labas ng bahay,hindi man lang nila ako kinamusta at binati basta karating nila ay agad nila akong pinalayas sa bahay at pinacut nila yung mga accounts ko.Buti yung isa kong kotse ay naalis ko agad dun sa bahay kundi wala akong gagamiting sasakyan,marami naman akong ipon at merong hindi alam sila mama na may iba pa akong account at may nahulog na ako doong 350k pwede narin siguro yun para sa mga gagastusin ko,siguro kapag manganganak na ako ay sa isang Health Center nalang ako magpapadala dahil wala akong sapat na pera para magpadala pa sa isang Hospital.Marami din akong bayarin kaya kailangan kong magtipid dahil kailangan ko nang para sa Monthly Check-Up,Bayad sa renta,Bayad sa tubig,Bayad sa kuryente at para sa pangkain ko pa. Tatanggapin ko parin si Dj kung susuyuin niya ako dahil umaasa parin akong babalik siya saakin at susuyuin ako.Nung may kumatok ay agad akong pumunta sa pinto at binuksan ito pero nagulat ako nang makita kong ang Barkada yon at si DJ.

"Anong ginagawa niyo rito?"masungit na tanong ko sakanila.

"Para bisitahin ka malamang"masungit din nilang sagot saakin pero hindi kasama si Dj doon nakatulala lang siya sa kawalan.

Pumasok naman sila kahit hindi ko sinasabi at umupo sila sa couch,lumapit naman ako kari Miles at hinila ko sila papasok sa kwarto ko dito sa Condo.

"Anong ginagawa nila dito?"tanong ko.

"Nagpumilit na pumunta dito eh,hindi naman namin alam na isasama nila di DJ dito"sabi ni Julia M. kaya tumango nalang ako bilang sagot.

"Sis,alam mo bang hindi parin natutulog at kumakain yang si DJ simula nang makipaghiwalay ka sakanya?"tanong ni Julia B. alam niya dahil nga Cousin niya si DJ.

"Ano?!ginawa niya yon?!gulat na sigaw ko sakaniya.

"Oo"sabay-sabay nilang sagot.

"Inaantok na ako,matutulog muna ako ha?"tanong ko sakanila.

"Ok"sabi nila kaya natulog na ako.

*********************************************************************
Vote.

Young Parents[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon