Chapter 17- Start of SOMETHING NEW.

618 27 0
                                    

Chapter 17- Start of SOMETHING NEW.

 

 

 

Luhan’s POV

Andito na ako ngayon sa school. Sa room namin to be exact, inaantay si Ice. Kaso iba ang dumating, at hindi ko alam kung nananadya ‘to o ano eh. Tch, pati siya may dalang chocolates and flowers? Sino pa ba, edi yung Yelo ba ‘yon? Basta yung kasama din sa ospital nung nahimatay si Ice. Oo nga pala, hanggang ngayon pinagbubulungan at pinag-uusapan padin sa school si Ice bilang si Trixie. At yung pagdalaw ng ZEF Brothers.

“Oh ‘pre, natulala ka sa pogi ko?” –sabi nung Yelo, pero imblis na siya ang pansinin ko. “Oy, dude. Aga mo ngayon ha?” –bati ko kay Tao sabay sama ng tingin sa Yelo na ‘to. Okay, I’m not good at names. Clear?

“Oh. Actually kanina pa ako andito.” –sabi ni Tao sabay sabit ng gitara niya dun sa bag shelves dito sa room, bawat room kasi may ganon. “Bakit naman?” –tanong ko sa kanya at binabalewala ang masamang titig sakin nung Yelo, tinagalog pa pangalan ni Ice -_-

“Ah, ipanlalaban daw kasi sa battle of the bands yung Sky Clark. Kaya kailangan nating mag-practice.” –sagot ni Tao sakin, ang Sky Clark ay ang banda ng WBA. Kasali dun si Tao, siya ang guitarist. Minsan vocalist, di ko ikakaila. Maganda talaga ang boses ni Tao, at hindi ko din ikakaila na magaling siyang sumayaw. Mahiyain nga lang.

“Ah. Kelan daw?” –tanong ko ulit sa kanya.. “Sa Linggo ‘pre. Sasali ka ba?” –tanong na sagot ni Yelo. “Ikaw tinatanong ko?” –pabalang na tanong ko sa kanya, umiling naman siya.

“Uy, Zelo at Luhan. Bat di kayo um-attend ng practice?” –tanong ni Tao samin ni Yelo? Basta, yun tawag ko sa kanya. Magkakilala sila? Kasali si Yelo sa Sky Clark bakit? Bakit hindi ko alam yun? Itinaas lang ni Yelo ang flowers at chocolates na dala niya.

“So, you’re courting someone? Who’s this lucky girl?” –nakangiting tanong ni Tao. “Lindsay ‘pre. Ice Lindsay Fajardo.” –sabay tingin ng mapang-asar sakin. Nawala naman ang ngiti ni Tao, dahil alam niyang nililigawan ko din si Ice. “Oh, intense. Ang ganda talaga ni Ice. Maligawan nga din.” –parang nangi-insultong sabi ni Tao, kaso nagulat siya ng “SUBUKAN MO LANG!” –sabay naming sigaw ni Yelo.

“GAYA-GAYA KA TALAGA!” –pareho naming sigaw sa isa’t isa. “Intense ha. Kambal ba kayo? Tch. Matutulog muna ako mga ‘tol.” –sabi ni Tao sabay yuko. Grabe talaga. Is he some kind of rival? Tch, malamang Luhan! Sa ospital palang halata na!

“HAHAHA. Hoy, Ice. Ang haba ng buhok mo ha. Oy, Yen! Natatapakan mo na.” –narinig kong tawanan ng mga babaeng papasok sa room. “Hala! Sorry, tiklupin mo naman kasi! Tinalo mo pa si Rapunzel at Tangled. Putulin ko yan at ikabit sa buhok ko eh!” –sabi pa nung isa.

Nerd knows how to Revenge.Where stories live. Discover now