Chapter 13- SCANDAL

515 23 2
                                    

Chapter 13- SCANDAL

ICE's POV

Papasok na ko ng side gate, sana naman walang pambubully ngayon ang ganda ng gising ko eh. Napapakanta pa ko habang naglalakad, nakapasak kasi yung earphone ko sa tenga ko. Tugtog ng Angel ng EXO M ang tumutugtog. KPOP fan kasi ako.. ~~ Dang wo cheng zuo zhe feng, zai ni de shi jie jiang luo. Bai se de feng zai ni shen bian huan rao zhe!!~~ Ngunit bago ko pa man matapos ang kanta ko ay napa "Uh-Oh" ako. Pano kase hindi ako mabibigla? There's a poster of me everywhere! Picture ko na nakikipaghalikan sa isang lalake, yung mukha ko lang ang nakikita, yung lalake kasi nakatalikod sa camera, kaya mukha ko ang na expose. I'm so sure na edited 'to. I've never been kissed by a boy. So I'm sure pakana na naman 'to ng SF. What's worse is may nakasulat pa na: BEWARE OF THIS SLUT!!!! Pinipilit ko na lang lumakad papuntang room. Pero di ko maiwasang marinig ang sinasabi ng students sakin.

"Wow ha, sya pa ata ang sisira ng reputation ng school dito eh.."

"Bat 'di kaya mag ingat pag lalandi sya, pwede namang i-private yung pakikipaglandian nya.."

"For sure di na virgin yan, baka nga madami nang lalake ang naikama nyan.." -Sa mga naririnig ko di ko maiwasan ang mapayuko at umiyak, bat ba ganito sila ka-hard saken? Para lang sa ganito ang ayos ko gagawin na nila lahat masira lang ang reputasyon ko? Naisip ko, lalaban na ba ako? Ipapakita ko na ba kung pano ako magalit? Ipapakilala ko na ba si TRIXIE BAUTISTA? Hindi. Maaga pa para sumuko. Di pa ako pwedeng sumuko, di ko pako fully healed, di pa ko ready masaktan.

-- Room.

"Oy nandito na ang dakilang malandi!!!" -Sigaw ni Xiumin, pagpasok ko sa room. Wala pa si Luhan.

"Ice! Pwede ka ba mamaya? Walang tao mamaya sa bahay eh, samahan mo naman ako oh.."

"HAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH!!!"

"Ay sayang pre! Samin kase kumpleto sila sa bahay eh, pero pwede din naman ako kumuha ng motel para samin eh. For sure magaling yan.."

"HAHAHHAHAHAHAHAHAH!!!"

"Ice! First time mo ba? So ilang rounds kayo? Siguro magaling ka?" -Di ko na natiis. Lalaban ako, kahit hindi sa paraan ni Trixie, lalaban pa din ako.

"PWEDE BA!!!! KUNG WALA KAYONG SASABIHING MAGANDA TUMAHIMIK KAYO!!!? ANO BANG PAKIALAM NYO SA BUHAY KO!? WALA KAYONG ALAM!! KAYA KUNG PWEDE LANG TUMAHIMIK KAYO!!!" -nakakapikon na sila. Di ko naman sila inaano ah? Bat kung makapagsalita sila parang kilala nila ako? Grabe sila makahusga.

"ANO BA ANG HINDI NAMIN ALAM NERD? KUNG ANO BANG POSISYON ANG GINAMIT MO? KUNG SINO BA ANG NASA TOP? YUN BA ANG DI NAMIN ALAM? SIGE IKWENTO MO PARA ALAM NAMIN, MALAY MO MAGUSTUHAN KO YAYAYAIN KITA MAMAYA.." -eto na, di ko na talaga mapigilan 'to. Sinugod ko sya at akmang susuntukin pero napigilan nya ko.

"ANO BANG PROBLEMA MO!?" -sigaw ko sa kanya.

"IKAW. ANG PANGET MO KASE!"

"HAHAHHAHAHAHHAH!!!"

"Ganun ka na ba talaga ka attention seeker Mr. Esqiuvel? Ganun ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Ang maging bastos? Ang maging walang hiya? Ang maging bastardo? Ang maging GAG---"

*tugsh*

Napahawak ako sa ilong ko, dugo. DUGO? DUMUGO ANG ILONG KO? BAKIT? SINUNTOK NYA BA KO? MAHAPDI EH, MALAMANG SINUNTOK NYA NGA AKO, OO SINUNTOK NYA KO. Napatulo ang luha ko sa nangyari, 'di ako makapaniwala na magagawa nya 'to sa isang babae.

"Salamat dito, kelangang kelangan ko talaga 'to. Maraming salamat ah? Hayaan mo, tatandaan ko 'tong ginawa mo, ganyan ka kagwapo kasi para sambahin ng marami eh. Hayaan mo di nabawasan ang kagwapuhan mo, pero ang respeto ko sayo wala nang natira.." -tumulo na ang luha ko pagkasabi ko nun, 'di ko napigilan ang emosyon ko. Sobra na talaga sya. Wala naman syang nasabi, tulala lang sya. At natahimik ang classroom sa nangyari. Walang tumangkang magsalita, kahit tumawa wala. Ayos na din 'to, perfect timing para lumayo. Nasa pintuan na ko nang may pumigil saken... Si Luhan...

"Di ka ba nandidiri saken?"

"Alam kong di mo ginawa yun. Di ko din inaasahan na magagawa ni Xiumin yun. Pasensya na.."

"Ayos lang ako Luhan. Di ko naman sya masisisi kung ganun sya kagalit sa mga panget eh. Sige mauna na ko sayo.." -sabay pahid ng luha ko at ngumiti ng pilit.

"I-Ice" -Napalingon ako.

"Kaylangan ka ni Rylan ngayon. Okay lang ako.." -ngumiti uli ako ng pilit. Tumakbo ako. Bahala na kung san ako dadalhin ng mga paa ko. Ni di nya man lang ako pinagtanggol. Wala man lang syang ginawa kay Rylan. Pero di ko naman sya masisisi eh, kaibigan nya yun. Pero kaibigan nya din naman ako ah? Ay baka ayaw nya masira reputasyon nya. Nasa greenhouse ako nang tumigil ako. Napaluhod ako, napahagulhol. Bakit? Ganun na ba kagalit si Rylan sa mga panget? Ganun ba ko kapangit para gawin nya yun? Ganun na ba sya kamanhid para suntukin ako? Babae ako. Oo maaring pangit ako sa paningin nya pero kahit konting respeto lang sana. Babae ako! Alam ko sa sarili ko na 'di ko magagawa yun. Wala na kong magagawa, nangyari na eh. Umiyak na lang ako ng umiyak. Wala akong pakialam kung may makakakita man. Habang umiiyak ako ay sumasakit ang dibdib ko.

"Makikita mo Rylan, gaganti ako sayo. Pagsisisihan mo 'to." -pagkasabi ko niyan, biglang nag ring ang cellphone ko..

*Kuya Zeus Calling*

Kuya ko? Si Kuya Zeus? Pinunasan ko agad yung luha ko bago ko sinagot.. "Oh, Kuya? Napatawag ka po?" -tanong ko sa kanya..

"Sasabihin ko lang sayo, baby bunso. Pauwi na kami diyan ha." -sabi ni Kuya Zeus..

"Hoy, pakausap naman ako kay Baby Bunso, Kuya!" -si Kuya Zurielle..

"Ako din!! -Teka!! Oy!!" -ang kulit pa din nilang tatlo. haha. napapatawa tuloy ako..

"Nami-miss ko na kayo." -tapos bigla akong napahagulgol ng iyak. Nasa New York kasi sila, kasama sila Mommy at Daddy. Ako lang ang nandito sa Pilipinas. Nung isang buwan lang umuwi si Mommy dun sa New York. Dahil sa business, sila Kuya naman sikat na model sa New York. Kilala din sila dito sa Pilipinas..

"Wait, Baby Bunso are you crying?" -tanong ni Kuya Zeus.

"No, Kuya. I'm hanging up now. May klase pa ako. Babye, I love you kuya's. Ingat kayo." -sabi ko sabay binaba na at umiyak ulit ako..

--

Luhan's POV

Pagkalabas ni Ice, sinugod ko kagad si Xiumin.. "Ano bang kalokohan yan, Xiumin?" -sigaw ko kagad sa kanya pagkasuntok ko.

"Ano bang problema mo dun?" -sabi niya habang pinupunasan yung dugo sa may bibig niya, pumutok kasi. Pinipigil naman ako nila Tao nung susuntukin ko ulit siya..

"T*rantado ka pala eh! Mahal ko yung babaeng binastos mo!" -sigaw ko sa kanya habang pinipilit tumakas sa hawak nila Tao.

"Tch, ganun na ba mga taste mo, 'pre?" -tanong niya sabay smirk. "Ang panget mong pumili ng babae." -sabi niya, pagkasabi niya nun kumalas ako ng buong lakas ko sa hawak nila Tao at pinagsusu-suntok siya. "Subukan mo lang ulit galawin si Ice, hindi lang yan ang mapapala mo!" -sigaw ko sa kanya. Bumwelo naman ito pagkatayo ko at ako naman ang sinuntok niya..

"Bakit 'pre? Magpapakabaliw ka sa babaeng 'yon? Sa panget na 'yon?" -tanong niya ulit. "Nahihibang ka na." -sabi niya sakin. Pero mas nagulat sila sa sagot ko..

"Oo, nahihibang na ako. Sa sobrang pagmamahal ko sa babaeng 'yon, kahit ikaw na kaibigan ko. Patutumbahin ko ma-protektahan lang siya. Kahit ikaw na kaibigan ko, kaya kong sirain, ma-protektahan lang siya. At kahit IKAW na kaibigan ko, hindi ko palalampasin, umiyak lang ulit siya." -pagkasabi ko niyan habang nakatalikod ako, umalis na ako..

Totoo 'yon. Kahit masira ang SF, kung gaganunin lang nila si Ice, wala na akong pakielam..

[A/N: Bakit kaya nasuntok ni Xiumin si Ice? </3 May story ba behind this? Bakit ganun na lang kagalit si Xiumin sa mga nerds at sa mga panget? At ano ang binabalak ni Ice? Kelan ba natin makikilala ang mga kuya ni Ice? Kelan ba sila uuwi? I'm excited. Please share our story, votes and comments are much appreciated. :)]

Nerd knows how to Revenge.Where stories live. Discover now