ginaw

15 0 0
                                    


hatakin mo ang iyong kumot at balutin mo ang iyong sarili sa init ng iyong pagkatao. alalahanin mo na minsan mong hiniling sa mga bulalakaw ang haplos na nanunuot, katamtaman sa balat, sa panahon ng ginaw.

ipagtimpla mo ang iyong sarili ng kape, hindi mahalaga kung anong lasa basta yong manunuot sa iyong sikmura. samahan mo ng matigas na tinapay o 'di kaya'y biskwit para mayroon kang kinakagat o pandesal kung gusto mo ng banayad na nguyaan. pan de coco naman kung gusto mo ng may palaman at kahit kape lang ay sapat na upang pawiin ang ginaw.

lumabas ka sa iyong silid at maglaboy. maglakad sa inyong bakuran, lagpasan mo ang inyong kalsada, bumisita sa isang kaibigan, maglingat saglit sa parke, bumili ng mga kulang mong rekados o 'di kaya'y manuod ng sine. sa kahit na anong paraan maiibsan mo ang ginaw.

hindi kabawasan kung gusto mong maiba, ang mahalaga ay huwag mong hahayaan na alagaan ka ng ginaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

kanlungan (tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon