Natale Domini (One Shot)

49 17 165
                                    

Twelve Hours before Christmas Day

Hindi mapakali si Annaliese sa kaniyang kinauupuan. Mamaya na ang Christmas Party nila ngunit hindi pa rin nagpaparamdam ang kaniyang nobyo simula kagabi. Gusto niya kasing makasama ang nobyo dahil halos isang linggo na rin magmula noong huling date nila.

"Nat! Hindi ka pa maglu-lunch?" Napalingon siya kay Helen na nakasilip mula sa labas ng kaniyang cubicle.

"Susunod na lang ako, tinatawagan ko pa si Kalvin and how many times do I have to tell you? Don't call me that!" saad niya kay Helen na sumimangot matapos marinig ang pangalan ng kaniyang nobyo at ang pananaway niyang muli.

"Hindi ka ba nagsasawang maghabol diyan sa nobyo mong gago? Ako ang napapagod para sa'yo eh."

Nagkibit-balikat na lamang si Annaliese sa sinabi ni Helen, "Mahal ko eh."

"That's bullshit, Liese! Nagpapakamartyr ka sa gagong 'yon," napapalakas na ang boses ni Helen.

"Ang ingay mo Len, mauna ka na roon."

Natawa na lamang si Annaliese nang marinig niya ang boses ni Helen na hindi pa rin tumitigil kahit nakalayo na ito.

Last call, kapag hindi ka pa rin sumagot magl-lunch na talaga ako. Saad niya sa kaniyang isipan.

Ngunit sa huling pagkakataon ay hindi pa rin ito sumasagot. Halos hindi na siya mapakali sa pag-aalala. Paano na lamang kapag napahamak si Kalvin? Hindi niya na alam.

Bumaba si Annaliese sa cafeteria ng kanilang building na tuliro.

"Anong floor ka, miss?"

Napasinghap siya nang may magsalita sa kanyang gilid. Nag-angat siya ng tingin dito at napakunot-noo na lamang dahil hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot nitong black na hoodie.

"Ground floor," saad ni Annaliese habang pinagmamasdan ang lalaking katabi niya. Pinindot naman ng lalaki ang tamang buton para sa ground floor.

Matangkad ito, hanggang balikat lamang siya nito. Mukhang maganda rin ang pangangatawan nito base sa tindigan ng lalaki. Inalis niya ang kaniyang tingin sa lalaki nang lumingon ito sa kanya.

Kasabay noon ang paggalaw ng elevator pababa mula thirteenth floor.

"May problema ba, miss?" nagulat siya nang muling magsalita ang kaniyang katabi.

"H-huh? Anong i-ibig mong sabihin?" halos magkanda-utal siya dahil sa sobrang kaba. Hindi alam ni Annaliese kung bakit ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib.

"You've been staring at me for like three minutes," pahayag ng lalaki na mas lalong ikinagulat niya.

Hindi makapagsalita si Annaliese sa pagkapahiya, naramdaman niya rin ang pag-init ng kaniyang pisngi. Malamang ay kasing-pula na ng kamatis ang pisngi niya ngayon kaya't yumuko na lang siya.

"Why, miss?"

Halos mawalan ng hininga si Annaliese nang mapagtantong sobrang lapit ng lalaki sa kanya. Hindi niya ito nilingon.

She kept her face straight. Annaliese was sure as hell that if she move, she might accidentally kiss the guy.

"What's the matter, Miss Monteverde?"

Mas lalo siyang nawindang nang banggitin ng lalaki ang kaniyang apelyido.

"B-bakit mo ako kilala?" bakas na ngayon sa kaniyang tono ang takot at kaba.

"Huwag kang kabahan, Miss Monteverde," ani ng lalaki at unti-unting lumapit ang mukha nito sa kaniyang mukha.

She felt butterflies in her stomach as the guy did the move. Annaliese cursed softly when his nose touched her reddish cheeks.

Natale DominiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon