Chapter 4

9.4K 150 10
                                    


Pagpasok niya sa dining area ay nakahain na. Nakaupo na rin ang dalawang bata pati si Aling Melodia. Wala si Graham doon. Marahil ay tapos na itong kumain o baka binibigyan lang siya ng pagkakataon na maka-bonding ang mga anak nila. Which is which, she needs not to be concerned.
"Yaya Harlene, let's eat," anyaya sa kanya ng nakangiting si Glen.

Pilit niyang itinago ang pagkadisgusto niya sa pagtawag sa kanya nito ng 'yaya.' Masakit pala sa pandinig na tawagin siyang ganoon imbes na 'mama.'

Hindi niya na lang iyon masyadong pinagtuunan ng pansin. Sinuklian niya ito ng napakatamis na ngiti saka niya ito tinabihan. Sa tapat niya nakaupo si Haydi at ang matanda.

"Nag-pray na ba kayo?" Kay Haydi siya nakatingin.

Haydi rolled her eyeballs. Hindi nito sinagot ang tanong niya. "Yaya, kailangan ba talaga na kasabay natin siyang kumain?" Kay Aling Melodia ito nakatingin. Alam niyang siya ang tinutukoy nito na ayaw nitong makasabay, wala ng iba.

"Oo naman. Pwede naman sumabay sa inyong kumain ang mga maid sabi ng Papa mo. Kaya nga ako rin ay dito kumakain," sagot dito ng matanda.

"But you're different, yaya. Hindi namin siya kilala. At ayoko talaga sa kanya." Nakasimangot na ito.

"Maryosep itong batang ito. Tinotopak ka na naman. Kumain ka na lang muna bago ka sumimangot diyan. Baka magtampo ang grasya sa ginagawa mong iyan," komento ng matanda. Pinaglagay nito ng kanin sa plato ang mga bata.

Tumayo si Haydi sa kinauupuan nito. "Never mind, yaya. Ayokong kumain dito. Just bring me some waffles in my room."

"Haydi, pwede bang pag-usapan natin ito? Bakit ba ayaw mo sa akin? Mabait naman ako. Can you please give me a chance?" Hindi na siya nakatiis kaya nagsalita na siya. Ayaw niya naman na magutom ang anak dahil lang sa naiirita itong makasabay siya sa pagkain. Kasalanan niya pa kapag nagka-ulcer ito. Mabubusog ba ito kung waffles lang ang kakainin nito sa silid nito? Malamang ay hindi.

Bahagya namang natahimik ito, waring nag-iisip nang malalim. Pero hindi pa rin ito bumabalik sa pagkakaupo nito.

Sinamantala niya ang pananahimik nito. "Haydi, kahit ano gagawin ko basta bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mapatunayan sa iyo na mabait din ako tulad ng yaya Melodia mo."

"Really? You will do everything?" Nakataas ang kilay nito, as if hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.

"Yes, everything," puno ng katapatang sagot niya.

"Okay, kakain na ako ngayon basta gawin mo lagi ang lahat ng ipagagawa ko sa iyo," anito bago muling umupo.

Nakahinga siya nang maluwag nang mapasunod niya ito kahit paano. Akala niya ay ipagpapatuloy nito ang pagmamatigas. Muntik na siyang sumuko.

Kahit na hindi na ito muling nagsalita ay ayos lang sa kanya. Ang mahalaga ay pinagbigyan siya nito.

Inasikaso niyang mabuti ang dalawang bata. Mataman lang na nakatingin sa kanila ang matanda na nawalan na ng gagawin dahil pumapel na siya.

"Glen, ano ang mga paborito mo?" tanong niya sa anak. Ito na lang ang kinausap niya. Alam niya kasing kapag si Haydi ang tinanong niya, iisnabin lang siya nito. Para lang siyang kumausap sa hangin.

"Marami po," sagot nito sa pagitan ng pagnguya. "Sa pagkain po, lahat kinakain ko naman. Sa animals po, halos lahat ay gusto ko rin basta hindi delikadong alagaan."

IF LEAVING YOU IS EASY (Unedited Version) Published Under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon