Chapter 3

9.3K 136 2
                                    


Sa laki ng bahay na iyon, hindi akalain ni Harlene na isang bodega ang itatalagang silid niya. Nagsisimula na ang kalbaryo niya, tiyak niya iyon. Syempre pa ay hindi siya makapagrereklamo. Baka mapalayas siya nang wala sa oras. Kaya lang ay lihim na nagngingitngit ang kalooban niya.

Ang yaya ng mga bata na nalaman niyang Aling Melodia pala ang pangalan ay may matinong tulugan sa bahay na iyon, gayundin ang driver na si Mang Julio. Pero siya, pinagkaitan pa ng isang guest room. Isang tambakan ng mga gamit ang binigay sa kanya.

Imbes na makakapahinga na siya dahil sa pagod, kailangan niya pang linisin iyon. At hindi lang basta linis. Sa tingin niya ay magic ang kailangan niya para maisaayos ang mga gamit doon. Major makeover ang nararapat. Where do I start?

Isa-isa niyang sinimulang damputin ang mga gamit na nakakalat doon. Tambak-tambak ang mga lumang damit, laruan at appliances.

Bahagya pa siyang nagulat nang tanggalin niya ang takip na kumot sa sulok ng kwarto. Isang life-sized mirror na may bahagyang lamat ang naroon.

Noon niya lang napagmasdan ang kabuuan ng sarili niya sa harap ng salamin. For so long, she's been avoiding mirrors. Pakiramdam niya kasi ay hindi na ang dating siya ang nakikita niya kundi ibang katauhan na.

She looks exhausted, she must admit. Malaki ang inihulog ng katawan niya. Hindi na siya ang dating Harlene na maganda at kaakit-akit. Maputla ang mukha niya at nanlalalim ang paligid ng mata niya. Naroon pa rin ang magandang hubog ng labi at ilong niya pero hindi na iyon mapapansin dahil natatabunan iyon ng lungkot na makikita sa mga mata niya. Well, that's a very subjective criticism. Hindi niya alam kung ganoon din ang sasabihin ng ibang tao.

Ang dating kulot at mahaba niyang buhok na may natural na shine ay wala na ngayon. Napalitan na iyon ng hanggang balikat na wavy hair. Wala na ang dating kintab niyon. Mukha na iyong alambre. Iyon ang dahilan kung bakit lagi niya iyong ipinupusod, not letting it touch her collar.

Nahaplos niya ang bawat hibla ng buhok niya. Nilaru-laro niya iyon sa kamay niya. Sa loob ng ilang taon, nawala ang mga buhok na iyon. Laking pasalamat niya na dahil bumalik pa iyon. Hindi nga lang katulad ng dati. With those memories on her hands, she can't help but reminisce...

Ulila na siyang lubos, ayon sa tiyahin niya. Ayon dito, pinsan daw nito ang ina niya. Ito na ang nagpalaki at nagtaguyod sa kanya. Hindi niya alam ang eksaktong history niya, kung ano ang itsura ng mga magulang niya, kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito. Basta raw ay patay na ang mga ito, iyon lang ang sinabi nito sa kanya. Kahit litrato ng mga ito ay wala siya.

Ayaw ng Tiya Martha niya na inuungkat niya ang tungkol doon. Katwiran nito, nakaraan na raw iyon at hindi na dapat balikan para hindi na masaktan. That was her lame excuse.

Eversince ay hindi siya naging tunay na malapit sa tiya niya kahit na sila ang laging magkasama mula pagkabata niya. Masungit kasi ito at wala ng ibang napuna kung hindi ang mga pagkakamali niya.

Parang obligasyon lang ang tingin nito sa pagpapaaral at pagpapakain sa kanya. Hanggang doon lang. Wala silang emotional attachment.

Pero kahit na ganoon ito, hindi niya ito lubos na kinamumuhian. Baliktarin man ang mundo, malaki pa rin ang utang na loob niya rito. Kung tuluyan siya nitong pinabayaan, baka kabilang na siya sa mga batang natutulog sa lansangan. Baka isa na rin siya sa mga batang sumisinghot ng rugby doon para makalimutan ang gutom.

Minsan ay naiisip niyang nagmemenopause na ito kaya mabigat ang dugo nito sa kanya. Kaya lang ganoong katagal ba ang menopause stage? Mula pagkabata niya hanggang sa pagdadalaga niya ay hindi pa rin nakaka-get over sa menopause stage ang tiya niya? Imposible naman yata iyon.

IF LEAVING YOU IS EASY (Unedited Version) Published Under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon