Labinsiyam

2.8K 78 55
                                    

CRAZY

"Kamusta ang pag-uusap niyo ng kaibigan mo?"

Oo nga pala. Hindi pa ako nakapag-pasalamat sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi kami magkikita ni Jillian ngayon. May ngiti ko siyang nilingon.

"Nagkwentuhan kami kanina. Sobrang saya ko dahil nagkita kaming muli. Salamat."

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. He gave me a gentle stare.

"Anything for you, baby. Anything."

Napaiwas ako ng tingin. Baby. He always call me with that endearment. Akala ko 'nung una, tinatawag niya akong ganun dahil mukha akong bata sa paningin niya. Pero may iba pa pala itong kahulugan. Kaya sa tuwing tinatawag niya akong baby, I feel so special. Elliot never fail to give me butterflies.

"Uh . . . doon na muna ako sa batuhan. You can talk to your brothers and cousin. I think they want to spend time with you also."


Kumunot ang kaniyang noo sa narinig. Bakas ang pagtutol sa kaniyang mukha.

"No. Let's spend time together. Lagi naman kaming nagkikita ng mga iyan. Baka magkapalitan na kaming lahat ng mukha." Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Kunot na kunot kasi ang noo niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.


"B-Baliw. Sige na. I can handle my self. Doon lang ako sa batuhan, promise. Balikan mo na lang ako mamaya. O pupunta na lang ako doon sa inyo kapag nagsawa na akong tumitig sa kabuuan nitong lugar." But I think I won't.

Elliot let a low groan. Wala rin siyang nagawa ng mahina ko siyang ipagtulakan. Nakasimangot na binalingan niya ako.

"You're abandoning me. Don't you love me anymore?" Napako ako sa sinabi niya. My eyes widened.

"O-Of course not. I love . . . " Napatakip ako ng bibig nang mapagtanto ko ang sinasabi ko. Namula ang aking mukha.


Elliot's face and neck is a shade of wine too just like me. May gulat niya akong tiningnan pero hindi nakawala sa paningin ko ang paglapad ng ngiti niya.

"Damn! You mean it, right? I'm not just hearing things."

Hindi ako nakasagot. Lumikot ang aking mga mata. At dahil sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko ay tumakbo ako papalayo sa kaniya.  Mabuti na lamang at hindi ako nadapa dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Nanghihina akong napaupo sa malaking bato. Mariin akong napapikit. I bit my lower lip. That was close, Selene! You almost confessed your feelings! Or did I already confessed?


Pasimple ko siyang nilingon. He is just standing! Hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya. At hindi maalis-alis ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya. Kung hindi pa siya tinawag ng mga kapatid niya ay para lamang siyang estatwa na nakatayo sa gitna at nakangiti.

You made Elliot crazy, Selene!




Akala ko ay matatagalan si Elliot na samahan ang mga kapatid ang pinsan niya pero ilang minuto lang ang nakalilipas ay lumapit na ito sa gawi ko. And he is still smiling brightly na para bang nanalo siya sa lotto.

"Do you want to swim?"

Namumula akong umiling sa tanong niya.

Defensor #1: Doting the Sky | COMPLETEDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें