Episode 3: So unluckily lucky

9.1K 149 0
                                    

"Ui, Ash, tawag ka ni boss panot." Tatawa tawang tawag sa kanya ng katrabaho niyang pinay din. Si Xyrene Diaz, ito ang nakasaksi sa kanyang paghihirap noong panahong bagong salta siya sa america. Ito din ang mismong tumulong sa kanya para makaahon sa kahirapan. Si Xyrene ang nagpasok at nagrekomenda sa kanya para makapagtrabaho siya sa restaurant na ito.

"Ikaw talaga, hinaan mo ang boses mo, baka marinig ka pa ng mga sipsip nating katrabaho, isumbong pa tayo." Nakangiting paalala naman niya. Inismiran lang siya ng dalaga at ipinagpatuloy na lamang nito ang iniwang trabaho kanina. Napabuntung hininga naman siya. Ano nanaman kaya ang ipapagawa ng amerikanong toh?" Tanong niya sa isip. Gayunpaman, isinantabi na lang muna niya ang ginagawa at lumabas na sa kusina para harapin ang amerikano niyang boss.

"Sir, Xyrene just told me that you need me?" Tanong niya dito. Napaangat naman ng mukha ang boss niya. Kunot noo pa itong tumingin sa kanya dahilan para kabahan na siya. Kapag mga ganoong aura kasi ang ipinapakita sa kanya ng boss niya, malamang may nagawa nanaman siyang hindi maganda sa trabaho,pero mild lang naman lahat, tolerable pa. Hindi naman ganoon kabigat eh,  kaya naman inihanda na niya ang sarili sa maaring matanggap niyang mga mura at pang iinsulto mula dito.

"How many times, do I have to remind you to knock first, before coming in? A real epitome of stupidity! And by the way, I just called you out to say that you are fired." Galit nitong sabi sa kanya. Nayanig naman bigla ang mundo niya dahil sa narinig. No, you can't just fire me because of my simple mistake, asshole. Anas ng isip niya. Padabog niyang naibaba sa mesa ng boss niya ang dalawang nakakuyom na mga kamay. Galit din siyang nakipagsukatan ng tingin sa panot niyang amo.

"This is unfair! You know how dedicated I am in my work Sir. You saw how I worked! You know how good I am! You can't just fire me because of my simple mistakes? I deal with clients well and they love me. You are such a mean bastard boss!" Galit niyang sabi sa gulat na gulat na lalake. Ilang segundo din ang lumipas bago natauhan ito. Galit agad ang rumehistro sa mukha nito ng mapagtanto lahat ng sinabi niya.

"And who are you to say those words to me. You are just my employee! And as a boss, I have the right to decide whom to stay or leave! You.are.fired! And get out of my sight you sick, impertinent bitch!" Napatayo pa ito at galit na itinuro sa kanya ang pintuan. Nagsikip naman ang dibdib niya sa matindng sama ng loob mula sa amo. Tinignan niya munang mabuti ang lalake bago nagbitaw ng mga salitang, "Fine, thank you for firing me, this job is not my lost anyway, truth is, your restaurant is not that classy at all.Tsss. What a dull and dirty restaurant!" Iniikot pa niya ang paningin sa kabuuan ng dating pinagtratrabauhan, bago iniwan ang nakatangang amo. Padabog din  niyang isinara ang pintuan ng opisina nito habang pinupunasan ang luhang kanina pa niyang pinipigilan. Now, saan na ako pupulutin? Tanong niya sa isip niya. Umalis siya doon ng hindi na nagpapaalam sa kahit na sino. Para siyang nasa kawalan habang tinatahak ang daan. Nawalan na siya ng ganang mabuhay. "It is so unfair, bakit sa tuwing akala ko, magiging maayos na ang lahat, palaging may kapalit? I kept asking myself, why do I always have to suffer everytime I experience something good in life? So unfair. Why me? I don't want to question you Oh God because I know, I don't have the right, but I can't help it. I' am so hopeless. Please give me the answers to my questions? Why do I always feel so unlucky and unwanted?" Maluha luhang sabi niya sa isipan habang wala sa sariling naglalakad. Ilang oras din siyang nagpalakad lakad sa mahabang kalsada ng New York City, ayaw pa niyang umuwi dahil baka lalo lamang siyang mafrustrate once na umuwi siya sa tinitirhan. Mag-isa lamang kasi siya doon dahil nasa trabaho pa si Xyrene kaya baka kung anu-ano pa ang maisip niyang gawin niya sa sarili niya.

Napaupo siya bigla sa may swing sa may amusement park at napatingala sa kalangitan. Napapamuni muni nanaman siya habang nakatingala parin. Napapakit pa siya dahil sa sinag ng araw tumatama sa maganda niyang mukha. Nasa ganoon siyang posisyon ng biglang maramdaman niya ang pagkawala ng init ng araw na dumadampi sa kanyang balat. Napamulat siya at ganoon na lang ang gulat niya ng mapagtantong may tao na pala sa kanyang harapan. Anino ng isang lalake ang tumakip sa sinag ng araw. Napatingala na siya para makita ang mukha ng lalake. Napakunot noo siya dahil hindi niya kilala ito. Gwapo ito, matangkad at mukhang mahilig makitrending pagdating sa fashion. Sa simula crush niya pa ito dahil nga sa mala Adonis ang pangangatawan at talaga namang napakagwapo, pero biglang nawala ang paghanga niya ng biglang magsalita ito. Ai, bading, sayang. Utas ng kanyang isip.

"Why are you alone miss? Gahhhdd! You are so beautiful! You can be a great model, you know? Gusto mo?" Biglang nagtagalog ito. Pinandilatan naman niya ito dahilan para matawa ito sa reaksyong ibinigay niya. "I know what you are thinking, and yeah, just to answer your curiosity, I am a Filipino. Matagal na akong nagtratrabaho dito sa NY. And I fell in love with the place. I am a talent scout sa mga babae at lalakeng gustong pasukin ang pagmomodelo. Gusto mong subukan? Kasi sayang ang byutines mo kung aayaw ka, tsaka malaki ang offer ng kumpanyang pinagtratrabauhan ko girl." Mahabang litanya nito sa kanya. Nagliwanag naman bigla ang kanyang utak na kanina'y wala ng pag-asa. Really? A work? Oh I need you badly! Iyon agad ang pumasok sa kanyang isipan kaya naman di na siya nag inarte pa at agad na tinaggap ang alok ng bakla sa kanya. Ibinigay naman ng baklang nagpakilalang Nathan ang calling card ng kumpanyang pinagtratrabauhan at pati na din ang sariling calling card. Iniwan siya nito pagkatapos siyang pumayag. Hindi kasi siya ngayon maaasikaso at masasamahan dahil sa mga nakabanban na photoshoots ng mga modelong hinahawakan nito, kaya yung calling card na lang muna ang ibinigay. Sinabihan pa siyang pwede siyang magpunta mismo sa modeling company ngayon, pero agad niyang tinanggihan. Sinabi na lamang niyang, hihintayin niya ito para mas mapadali ang proseso ng kanyang pagpasok sa mundo ng pagmomodelo. You know, pag walang kapit, mahirap nga naman talagang makapasok at makuha.

Umuwi siyang masaya kahit papaano. Nawala na din ang bigat na nararamdaman dahil sa pagkakatanggal niya sa trabaho kanina. Nadatnan naman niyang nasa tinitirhan na nila si Xyrene.

"Oh! Buwisit talaga yung panot na yun? Tanggalin ka ba naman sa trabaho! Nako, nararamdaman ko, hindi na magtatagal ang restaurant niya noh! Kapal muks! Asa pa siyang dadami ang customers niya, eh wala ka na dun. Ikaw lang kaya ang nagpapalaki ng kita niya. Ai tanga yun, promise." Iyon agad ang isinalubong nitong mga salita sa kanya. Natawa naman siya at ipinagkibit balikat na lamang ang sinabi ng dalaga sa kanya. Kung tutuusin, ayaw na niyang magsalita pa tungkol doon, dahil ayaw na niyang balikan ang tapos na. Masaya niyang ikuwinento ang nangyari sa kanya kanina. Gulat man, pero masaya si Xyrene sa ibinalita niya.

"Oh.my.God, magiging model ka na! Sana masali ka sa victorias secret!Sana maging victorias angel ka!" Masayang tili at excited na sabi sa kanya ni Xyrene. Natawa na lamang siya sa nakitnag reaksyon ng kaibigan.

"OA huh! Victorias secret talaga?Agad agad? Naku, umamin ka nga Xy, ikaw ba, may pagnanasang makasali sa VS?" Natatawang tanong niya sa kasama.

Hinampas naman siya nito ng unang unang nasa sofa nila. "Gaga, wala noh, pero gusto kong makuha ka doon, sayang naman ang ganda mo kung itatago mo lang diba?" Masayang sagot naman nito sa kanya. Napangiti na lamang siya. Sa totoo lang, ni minsan hindi pumasok sa isip niya ang pagmomodelo. Inaamin niyang madaming mga modeling companies sa Pilipinas ang pumipilit sa kanya noon pero palagi niya itong inaayawan, pero ngayon, kailangan niya, dahil walang wala na talaga siya. Ayaw niyang magpatulong sa kanyang ina. Ayaw niya na ding magparamdam sa kanyang amang nasa Pilipinas dahil masaya naman ito kasama ang pangalawang asawa kasama ang dalawa niyang kapatid sa ama. May koneksyon naman sila, pero ayaw niya lang magmukhang kaawa awa sa mata  nilang lahat. May gusto siyang patunayan sa sarili niya, at iyon ang tanging nagpapalakas sa loob niya sa ngayon. Napabuntung hininga siya at wala sa sariing nasabi ang salitang " I am so unluckily lucky." Ironic, yet full of hope.

N/A: This story is dedicated to one of my favorite authors in wattpad @beeyotch! I so love her story, how to breakup with the bad boy. She's one of the reasons why I am inspired to create a story here... :)

Painful Desire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon