Episode 22:Annie Santillan

5K 101 0
                                    

"Are you sure you don't want to come with me?"Paulit ulit na tanong ni Troy sa kanya. Nangingiti naman siyang napapailing. Paalis na ang binata sa condo niya kaya pinipilit siyang sumama rito.

"Nah. I am sure as hell that i don't wanna come babe. Your evil sister might probably be there, waiting for you. And i don't want to hear any words coming from her. And besides, you need to spend some time with your sister after a year of not seeing her." Medyo mahaba naman niyang sagot.

"Alright then. Good night. I love you." Pagpapaalam na nito sabay halik sa kanya.

"Goodnight. I love you too." Nakangiting tugon din niya pagkatapos. Hinintay pa niyang makaalis ang sasakyan bago tuluyang pumasok sa loob ng condo building. Malapit na siya sa may elevator ng biglang mag ring ang cellphone niya. Napabuntunghininga pa siya ng makita sa screen ang pangalan ng kanyang ina. Tumatawag ito sa kanya kaya naman kahit nagdadalawang isip kung sasagutin ba niya ang tawag, napagdesisyunan na niyang sagutin ito sa huli. "Hello mom." Tipid niyang sagot.

"Drop by sa bahay. I just need to talk to you." Maawtoridad na sagot ng ina.

"What is it? You can tell me over the phone mom." Malamig niyang tugon.

"I can't. I want to talk to you personally. Punta ka dito bukas ng mga alas otso ng umaga. Okay bye." Paalam na nito at binabaan siya. Napatingin naman siya sa cellphone at napairap na lamang sa kawalan bago nagdire diretso sa may elevator.

"Xy! Malakas niyang tawag sa kaibigan ng makapasok na siya sa condo. "Xy!" Ulit niya.

"Ano ba naman Ashley! Kung makasigaw ka akala mo bingi yung taong tinatawag mo. Ba't ba?" Medyo iritadong tanong ni Xy sa kanya.

"'Toh naman,highblood agad! Kanina ko pa kasi pansin, ilang oras ka ng hindi lumalabas sa kwarto mo, nakaalis na si Troy lahat lahat pero ikaw nasa kwarto pa rin. Ano bang ginagawa mo sa kwarto mo at parang ayaw mo ng lumabas?" Nagtataka niyang sabi at akmang pupunta na sa kwarto ng dalaga para sana sumilip pero napigilan na siya ni Xy.

"Wala!Toh naman. Diba pwedeng magkulong kahit isang araw lang? Nanunuod kasi ako ng spongebob kaya di ako lumalabas." Sagot naman nito na ikinataas ng kilay niya. Napahalukipkip siya at pinakakatitigan ang dalawang hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"At kailan ka pa nagkaroon ng tv sa loob ng kwarto mo? At kelan ka din nagkagusto sa spongebob na palabas? Diba ayaw na ayaw mo yung cartoon character na yun?" Panghuhuli niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Xy sa sinabi niya.

"Ano, ka..kahapon. Tama kahapon bumili ako ng tv at yung spongebob ang una kong nakita. Ayun naenjoy ko panuorin kaya pinanuod ko ulit ang nickelodeon." Pagsisinungaling na nito lalo.

"Oh really?May bago kang tv? Patingin nga." Panghuhuli niya. Halos mamatay na siya dahil sa tawang kanina pa niya pinipigilan. Alam niyang may tinatago si Xy sa loob ng kwarto niya kaya ayaw siya nitong papasukin. By the look of her messy hair and lipstick na nagkalat na sa may bandang gilid ng labi; pati na rin ang butones ng damit nito na nabuksan na sa taas, mapaghahalatang may ginagawang  milagro ito sa loob ng kwarto. She heard a silent moan a while back while she's making love with Troy.

"Oh please Ash." Pagmamakaawa na nito sa kanya kaya naman humagalpak na siya ng tawa pagkatapos. "Ash naman eh!" Nakasimangot na nitong sabi.

"Is nathan there?" She mouthed asking. Namula naman si Xy sa narinig mula sa kanya.

"No. He's not the one in there." Nahihiyang sabi nito dahilan para panlakihan niya ito ng mga mata.

"WHAT?????" Malakas niyang tanong. Nagtakip pa ng tenga si Xy dahil sa lakas ng boses niya.

Painful Desire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon