“LIZ…” gulat na gulat na sabi naman ni DJ na animo ay nakakita ito ng multo.

Mag-kakilala silang dalawa? Wow! Small world. Nice! Dahil na sa bandang likuran ako ni DJ. Hindi ko nagawang makita ang expression nito. Samantalang longing naman ang napuna ko sa mga mata ni Liz. Samantalang si DJ, parang tuod na nakatayo lamang don. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagkuyom nito ng kamay.

“Jazz…” mahinang usal ni Liz

Tapos niyakap niya si DJ. Na talaga namang ikinagulat ko. Palagay ko hindi sila basta magkakilala lang. Sapagkat nakita ko sa mga mata ni Liz. Kung gaano siya kasaya nang makita niya si Daniel. Hindi ko alam pero bigla-bigla ay nakaramdam ako ng inis. Inis na nag-dulot sa’kin upang talikuran sila. Ngunit….

“Arrrffff….arrrrfffff…..arrrfffff….” narinig kong tahol ni Prince. Yun pala dahil tumabi sa kanya si Yummy ang dog ni Liz.

Dahilan upang tumingin sa’kin yung dalawa. Saka lang kumalas si Liz sa pagkakayakap kay Dj.

“Oh….Hi….” wika ni Liz, na may bahid ng luha ang mga mata. Pasimple niyang pinahid yun ng makita ako. Samantalang si DJ naman. Tanging blank expression lamang ang nakita ko sa mukha nito.

Labis akong nag-taka. Nagtatanong ang aking mga mata na tumingin kay DJ. 

“Kath,” tanging tawag nito sa pangalan ko

“Magkakilala kayo.” Nagtatakang tanong ni Liz

Bigla-bigla ay lumapit sa’kin si DJ. Saka ako inakbayan. Na talaga namang ikinagulat ko.

“Yes, Liz… This is Kathryn my Girlfriend.” Pakilala sa’kin ni DJ kay Liz

Nagulat ako ng dahil sa sinabi nito. Dahil don, I don’t know what to say.

“Hah!” tanging nasabi ko na lang

Tila naman gulat na gulat si Liz ng dahil sa nalaman niya. Pilit itong ngumiti at hindi nagawang tumingin sa ‘kin.

“Oh…I’m happy for you DJ. Kath, sorry about the scene kanina.” Pilit ang ngiti na sabi ni Liz sa’kin “Bye the way… I think I have to go. Nice meeting you Kath.” Wika ni Liz, saka niya ibinaling ang attention sa batang lalaki na andon.

Mabilis na sinuot nito ang shades niya. Saka hinawakan yung kamay nung kasma niyang batang lalaki. Tapos nilisan nila ang lugar na yon.

“DJ, Ano yun? Bakit sinabi mo sa harap ni Liz na girlfriend mo ako?” nakakunot at noo na tanong ko dito.

“Kath, okay lang ba… Kung…kung, some other time ko na lang ipapaliwanag sa’yo. Medyo sumama ang pakiramdam ko.” wala sa mood na sabi nito

Tiningnan ko lang siya at napuna ko na malungkot ito.

“Ihatid na kita sa inyo… Kath.” Pilit ang ngiti na ibinigay nito sa’kin habang sinasabi niya yun.

Habang daan. Tahimik lang si Dj na talaga namang nakakapanibago. Sapagkat dati sa tuwing mag-kasama kami. Hindi ito nauubusan ng kwento, minsan bumabanat pa nga eh. Pero ang araw na ito iba eh! Iba… To the point na ang lalim ng isip ni DJ. Na hindi niya napapansin na kumukunot na ang noo niya. Hanggang dumating kami sa tapat ng bahay. Hindi pa rin ito nagsasalita. Ni hindi nga niya namalayan na andon na kami. Hindi ko tuloy siya matanong ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Naiinis ako pero… Ah ewan!

“Andito na tayo DJ. I think you need to go home now.” Baling ko dito

Tango lang naman ang naging sagot nito. Tapos sumakay na ito sa kotse niya. Ngunit kinatok ko ang bintana non.

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें