"Calm down Frost! Kaibigan mo yan!"--Flinn.
"Kaibigan?!" galit kong tinignan si Flinn."Ginago ako ng siraulo yan tapos sasabihin niyong kaibigan ko yan?!" bumitaw ako sa pagkakahawak ni Kristoff. "Matapos niya kaming iset up ni Luna para kami ang magkatuluyan kahit alam niyang si Luna ang may dahilan kung bakit sila naaksidente four years ago, aasahan niyo akong kumalma?! Eh mga gago pala kayo!"
Tumayo si Josh at nag-ayos. Tinignan niya ako ng seryoso."Do you still love Crystal?"
"Anong klaseng tanong yan?!"
"Just answer it! Damn it!"
"Kung OO ang sagot ko, anong gagawin mo?! Ha?! Wala namang magbabago kahit sabihin kong OO kasi wala na siya dito!! Iniwan na niya ako at masaya na sa kung saan siya ngayon!"
"Then I'll help Luna."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang init ng ulo niya kanina pero ngayon kalmado at seryoso siya? Ano ba--
"I'll court her."
***
[Luna]
After that incident, pinuntahan ako nila Jan, Flinn at Katie at tinulungan. Sumakay kami ni Katie sa kotse ni Jan at siya na ang naghatid sa amin pauwi. Buong byahe tahimik lang ako. Walang pumapasok na iba sa utak ko kung hindi ang pag-iwan niya kanina sa akin.
This is the second time he left me.
Parang bale wala lang talaga sa kanya ang ginawa niya. Wala nga siguro siyang nararamdaman para sa akin. I'm not like Crystal kaya dapat alam ko ng hindi siya magkakagusto sa akin.
Hinanda ko na ang sarili ko para doon pero masakit pa rin.
Parang kinakapos ako ng hininga tuwing hihinga ako.
Pagkapasok ko ng kwarto ko humiga lang ako sa kama at niyakap ang unan ko. Gusto kong umiyak ng umiyak para mailabas ang lahat ng ito pero tulala lang ako. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas ng luha sa mga mata ko.
Nasira na yata ang mga mata ko. Ayaw ng umiyak.
"Dhai? May ice cream oh."bumangon ako at umupo sa kama. Inabot ko naman ang ice cream na inabot ni Katie. Ice cream will calm me.
"Salamat."ngiti ko saka sumubo."Guho mo? (Gusto mo?) "alok ko kay Jan - kasi meron na si Katie - habang may laman ang bibig ko.
"Don't talk when you're mouth is full."he said with a playful smile kaya nagmake face lang ako sa kanya na ikinatawa niya lang.
I was busy eating my ice cream, while Katie and Jan was busy playing in my PC ng may pumasok sa kwarto ko.
"Josh!"gulat na sigaw ni Katie at ako naman agad na nilapag sa side table ang ice cream at pinuntahan siya.
"Anong nangyari?"si Jan na ang nagtanong.
"Long story short, nagbugbugan sila."sagot ni Kristoff na mukhang wala sa mood. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Humiga siya agad sa kama at nilagay ang braso sa mga mata niya."Fck all this drama."
Binaling ko ang tingin ko kay Josh."I'll get some medicine."aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa wrist ko kaya napatingin ako sa kamay niya nakahawaka saka tumingin sa kanya."Bakit Josh? Kailangan nati---"
"Are you willing to forget about him?"
Nabalot ng malakas na katahimikan ang buong kwarto ko sa tanong niya. Tinignan ko ang mga mata niya at sobrang seryoso siya."A-anong..."
What should I asked?
"Kung handa kang kalimutan siya...I'm willing to help. I'm willing to ease the pain, Luna.."
"Jo-Josh.."
"Be my girl.."
Nagkatitigan pa kami bago binawi ang kamay ko."Ayokong saktan ka, Josh..." sabay yuko ko at atras sa kanya. "You know why.."
Narinig kong bumuntong hininga siya at may mga footstep na unti unting nawawala. Lumabas sila para bigyan kami ng own space.
"I know.."rinig kong bulong niya."I just want to help.."
"Alam ko yun Josh pero sa gusto mong gawin, masasaktan ka and you're my guy bestfriend. I don't want to hurt you.."seryoso ko siyang tinignan sa mga mata.
Ngumiti ng tipid sa akin si Josh at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papalapit at hinalikan ang noo ko kaya napapikit ako.
"You're too precious, Luna.."
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinilig. He's so sweet and I don't know why didn't I fell for him?
Bakit si Antonio pa? Si Antonio na ang gulo.
"Don't worry..you're not gonna hurt me.."hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kanya."Kamatis ka na naman..."ngisi niya.
Pinalo ko ang kamay niya pero hindi pa rin siya bumibitaw."Josh naman."
Ngumiti siya at hinalikan ulit ang noo ko bago ako niyakap."Magiging ok ang lahat, Luna...promise."
---To be continue..
ONCE AGAIN! MAGWILD KAYO SA COMMENT BOX!! COMMENT AND VOTE :3 <3 <3
YOU ARE READING
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...
Red #30
Start from the beginning
