Chapter24- Guess who's back

2.1K 52 6
                                    

GAB's POV

Few days from now ay big event na. Laging lumalabas ang pagiging functional ni Lui. Sa bawat meeting din namin ay natutunan ko ng tanggapin ang bagong Lui. Less na ang pagsusungit niya sakin pero nanatiling cold ang pakikitungo niya sa akin. Pero nagiging professional siya sa pakikiusap sakin. May respeto padin. Siguro nga kelangan ko ng tanggapin na iba na siya. Iba na ang Lui na nakakasalamuha ko ngayon.

Minsan nakakaramdam ako ng selos kay Jill. Dahil minsan ay nakikita ko kung paano alagaan ni Lui si Jill, dahil ganun din niya ako alagaan noon. Ang sakit pala makita na ang taong nagaalaga syo noon ay my iba ng inaalagaan. Pero ganoon naman siguro talaga, the only constant in this world is change. So I have to move on. Siguro nga ay hindi ako kamahal mahal kaya hanggang ngayon ay hindi niya ako kayang mahalin ulit gaya ng dati.

Andito kami ngayon sa coffee shop. Kami nalang natira nila Jill and Lui. Nagkaroon kase ng problema sa banda na kinuha namin. Biglang nagback out last minute. So we need to do last minute changes. Buti nalang ay naalala ni Jill na may pinsan si Lui na nagbabanda.

"Dr. Gab, Lui, can I go na? Tumawag na si mama eh. "

Napatingin nalang ako sa isasagot ni Lui. Siya naman yung may last say eh. Lagi naman.

"Sure, Jill. Ikaw Gene? Gusto mo na din ba umuwi? Ako nalang maghihintay. Mukang pagod ka na din."

"Ah? No. I'll stay with you here. Saturday naman bukas. Wala akong klase"

"Okay guys. I'll go ahead. I'm really sorry." Paalam ni Jill samin, tumayo at bumeso sakin.

Tatayo na din sana si Lui ng pigilan siya ni Jill.

"Lui, it's okay. Hindi mo na 'ko kelangan ihatid sa labas."

Tumango lang si Lui. At hinalikan naman ni Jill ang noo ni Lui at tuluyan ng lumakad patungo sa pintuan ng coffee shop.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Ako dati ang gumagawa noon. Haaaay. After ng event nato hindi ko naman na sila makikita diba?

"I'll just grab something for us to drink." She said.

Patayo na sana siya ng hinawakan ko ang kamay niya. Parang my kuryenteng dumaloy sa mga kamay ko kaya binitawan ko din agad.

She just looked at me na parang nagtatanong ng bakit.

"Ah--Eh..Hindi mo lang ba itatanong kung ano gusto ko?"

"Isang mocha java chip grande at glazed donut.Unless nagpalit ka na ng favorites?"

Napangiti ako dahil hindi niya parin nakakalimutan kung ang mga usual orders ko. Part of my heart is happy right now. Umiling nalang ako for her to know I haven't change my favorites.

"Crazy." She smiled a little and made her way to the counter para mag-order.

O maaaaay. Ang puso ko. Namiss ko ung ngiti niyang yon. Mallit lang na ngiti pero alam kong totoo. I just found myself  looking at her. Bawat galaw niya ay napapansin ko. The way she comb her hair using her hand, pag ayos ng eyeglasses nya at kung paano siya magisip sa puzzle word sa cellphone niya. How she walks through that line. How she talks to the barista. How she smiles. For sure nakibiruan pa yun sa barista, she always do that. At hanggang sa hintayin niya ang order namin na drinks.

Nang may biglang lumapit sakanyang babae at nagbeso sila. Nag'iba ang mood ni Lui base sa facial reaction niya ngayon. Kinuha na ni Lui ang order namin pero bigla naman hinawakan ng babaeng hindi ko kilala ang siko ni Lui ng medyo marahas na dahilan na muntik ng matapon ang dalang tray ni Lui. Instinct na sakin ang tumayo at lumapit sakanila.

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon