Chapter 15-Laitera

2K 47 20
                                    

ISAY'S POV:
    Nakauwi na si Luisa at wala ni isa mang nangahas magtanong sa mga pinsan ko kung tungkol saan ang yakapang naabutan nila.
Siguro kung hindi mo nga kilala si Luisa personally ay mabibigyan mo talaga ng kulay ang mga pinapakita niya. May mga gano'n naman talagang tao.

    Lumabas ako ng bahay at hindi ako naglunch kasama sila. Hahaha! Loner nga raw ako diba? Nagpunta ako sa SM Manila at nanood ng sine mag-isa.
Ilan kaya mapapanood ko ngayon sa FilmFest? Mukhang mapagtityagaan ko ang Engteng Kabisote at Mano po. Feel good movie muna. I don't understand bakit nu'ng umalis ng bahay si Lui ay bumigat na naman ang pakiramdam ko.
Hmmm... guni-guni ko lang siguro 'yon dahil siya ang nakasama ko ng matagal.

    Nakadalawang movie nga ako at kahit papano ay apat na oras din akong napahinga, ngumiti at tumawa ng kaunti.  Sa Shakeys ako nagdinner at pumapak ng Mojo's at umorder ng strawberry shake. Pag-uwi ng apartment ay nakatingin silang lahat sa akin.

Parang galit na ewan.

   "Sa'n ka ba nanggaling?!" nakapameywang na tanong ni Gene. Bigla kong naalala ang halikan nila ni Lui kanina.

    "Sa SM diba?"

    "Nagpaalam ka ba?" tanong niya ulit.

    "Malamang oo sa 'yo kanina. Di mo ba narinig? Oh.. Baka dahil lutang ka pa sa first kiss mo? I kiss a girl and  I like it susunod kong kakantahin bukas, haha."

   Napatingin sina Ria at Loida sa sinabi ko. Napailing-iling akong dumeretso ng kuwarto.

    Sumunod si Gene sa room. "Isay, may problema ba tayo?"

     "Ano naman?" sagot ko habang nilalagay ulit sa maleta ko ang ilang damit nailabas ko na.

      "Sa amin ni Lui, sa nakita mo kanina."

      "What about? As expected. Halata naman kayo. So I just wonder what's holding you both back. C'mon, you're adult. Minsan lang dumating ang true love."

       "Hindi ganun 'yun."

       "Eh ano? Ganyan ka na ngayon? Nagpahalik ng walang nararamdaman? Gene, I'm doing you a favor okay? Let it go, kung anuman ang agam-agam sa puso mo, alisin mo. Masarap ang magmahal. Huwag kang tumulad sa akin."

   Umupo si Gene sa kama habang pinapanoon akong magtiklop.

"Alam mo Gene, ang suwerte mo nga eh. First relationship mo, mahal ka rin at alam mong aalagaan ka. Suwerte ka kay Luisa. Basta ipaglaban mo lang."

    "Bakit napaka advance ng iniisip mo? Halik lang 'yon, nadala lang ako. Si Ryan ang gusto ko at... somehow, nahihiya ako sa ginawa namin."

       "Dahil mahal mo si Lui. Hindi ka nag-isip ng consequences. Aminin mo lang sa sarili mo, hindi ka mahihirapan."

       "A-alam kong mali dahil pareho kaming babae ni Lui at estudyante ko siya. Hindi ako nag-iisip."

       "Haay naku Gene, ewan ko sa 'yo. Alam mo bang sa lahat, ikaw ang kinaiinggitan ko sa atin?"

       "Ha?"
       "Dahil buo ang pamilya mo. Natapos ka sa kursong gusto mo, sunod ka sa layaw. You're smart, talented and pretty. Mahal ka ng lahat. Which is..... Hindi mo kasalanan."

       "Totoo bang kina Lui ka na muna titira?"

       "Segway talaga ah, haha. A 'yun ba? Hindi, hindi ako tutuloy do'n."

    "Eh san ka pupunta niyan?"

    "Magrerent? Bed space? Madami naman dyan bandang UST."

    "Ano ba'ng plano mo ngayon?"

MOO (My One and Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon