"Pintuan"

7 0 0
                                    


                  " Sa mundo,
   hindi talaga  tayo sigurado.  
May mga bagay na darating sa ating buhay pero hindi lahat ng iyon mapapasaatin sa dulo.
May mga bagay na kahit hawak-hawak mo na, kung hindi talaga para sa iyo, mawawala at mawawala parin ito sa palad mo. Ganoon ang buhay. Ganito ang takbo ng mundo. Ganyan ka simple.
        Sa bawat saya,
  may kaakibat rin itong luha."
          Lumaki si Hope sa paniniwalang ito. Takot siyang makisama, takot siyang may kasama. Takot siyang mahulog ang loob niya sa iba,    sa isang
     tao na sa dulo naman ay
               —maglalaho.
   Takot siyang maiwan at mawalan.    Takot siyang magmahal dahil hindi siya
                  sigurado.



      Pinili niya ang mag-isa, ang humakbang na walang kasama.
Para sa kanya, mas mabuti na ito 'ang mag-isa' kaysa sa may kasama pero mawawala rin naman pala. Pipiliin niya ang maging taong manhid, kaysa umibig. Para sa kanya mas mabuting maging taong bato kaysa papasukin ang mga taong lalabas rin naman ng pinto.
Sa ugaling ito ni Hope, maraming naiinis sa kanya, kung pag-ibig kasi ang pag-uusapan, laging negatibo ang salitang kanyang binibitawan.




     Isang araw, nagkaisa ang mga taong naiinis sa kanya.  Hindi na nila matatagalan ang binibitawan nitong salita.
Lalong lalo na si Shean na kanyang pinahiya.

   "Mahal ka niya? Paano ka nakakasiguro, dahil sa 'Mahal kita'? Tss, 'Mahal kita'—huwag agad maniwala baka ang karugtong 'DAHIL SA GANDA MO'T MANSYON."

     Dahil sa pagiging pranka nito, maraming relasyon ang nagkagulo. Mga lambingan ay nagkapikunan, ang malala nagkahiwalayan ang mga may 'kasintahan' at ang MAS MALALA, Sila lamang ang naaapektuhan.

         Bakit naman masasaktan si Hope e, Nakasilyo ang pinto
            ng kanyang puso?



     Nag-isip-isip ang mga sawi kung Paano ito mabubuksan. Sino ang magiging susi, ang gigiba sa malatoreng harang ng ginto, ng PUSO? ———
Marami ang sumubok, si James,
si Red, sina Coco at Daniel, maging si Enrique at Gil. Pero walang epekto kay Hope ang kanilang panunuyo. Hindi nila nagawang basagin ang kandado. Hindi sila nakapasok o nakakatok man lang sa pinto.


        Napagpasyan nilang sumuko sapagkat walang pag-asa ang plano na matupad. Pero, lingid sa kanilang kaalaman may isang taong nakagiba sa pintuan. Siya si DEANNE. Isang lalaki na simple, hindi artista at mabilang lang sa daliri ang nakakakilala.

Paano ito nangyari?  Anong estratehiya't susi ang ginamit?
Hayaan kong sabihin sa inyo na 'wala'. Walang susi, mahika, o gayuma na ginamit ni Deanne sa kanya.  Kusang bumukas ang pinto at pinapasok niya ito ng hindi labag sa puso. Maging si Hope, walang maisip na sagot.

        Taksil ang puso niya.
                  Tumibok ito 
           at nagtiwala sa iba.



     Habang tumatagal ng tumatagal, bumibilis ang kaba na nararamdaman ni Hope. Mas lalo
siyang natatakot. Paano kung  kinabukasan, pagdilat ng kanyang mga  mata,  si Deanne  ay wala na sa tabi niya?  Paano kung ang saya ay mapalitan ng luha? Ang mundong makulay ay mawalan ng buhay? Paano kung hindi ito mananatili sa huli? Paano kung ang pag-ibig ni Deanne ay temporary at hindi
          permanente?

Paano kung ang ayaw ay mangyari?

Ang kinatatakutan niya ay magkatotoo?

Paano na?

MAKAKAYA NIYA KAYA?




          Sa kabilang banda,
nang malaman ito ng mga taong naiinis sa kanya, Lalong-lalo na
      si Shean Aba! Agad itong
  nagdiwang. Sinong mag-aakala na ang taong gigiba sa pintuan ay ang 'mismo niyang kakambal',
   si DEANNE.





     Sa umpisa tutol si Deanne sa balak ng kambal. Hindi man niya minahal si Hope ng lubusan pero tinuring na niya itong kaibigan.
          Pero kung mapapaluha niya ang babaeng kinaiinisan ng nakakararami, magiging kilala siya, magiging sikat sa
                     madla.
     Kikilalanin at Titingalain.
Isang bagay na matagal nang gusto ni Deanne na 'marating'.

          Pinaibig niya ito, at
     nagtagumpay ang plano.
   Hope at Deanne  sila'y naging 'magkasintahan'. Handa na ang lahat isa nalang ang kulang ang 'paghihiwalayan'. Nang sabihin ng kambal ang araw at lugar ng pagdadausan,   hindi
nag-alinlangan si Deanne.  Ginampanan niya ng maayos ang papel. Sa harap ng nakakararami itoy kanyang HINIWALAYAN.

     
 

         Nagtagumpay ang plano, pero hindi nila nakuha ang kanilang gusto. Nagtataka sila,
'Bakit hindi ito nasaktan? Wala bang epekto ang ginawa
      sa kanya ni Deanne?'

        Lingid sa kanilang kakaalaman na alam ni Hope ang balak nila sa simula palang.
Kaya naman, unti-unti nitong tinayo ang harang.

     Bago pa NAWASAK ang PUSO  ng TULUYAN,  NAISARA na niya
              ang PINTUAN.#

-Jarzin's        
Adnara Aciamaj-  



Ink Hand StoriesWhere stories live. Discover now