Anica's Story: 10 days, 1 wish (one-shot)

305 12 12
                                    

“Anica’s Story: 10 days, 1 wish”

            “Ano ba yan! Ang init init, dito mo pa gustong kumain. May gusto ka nanamang makita ano?” Sabi ni Roby sa kaibigang si Anica habang naglalakad sila papunta sa kainan na kaharap ng sister school nila.

            Totoo nga naman kasing mainit at may kalayuan din sa engineering building ang gusto niyang kainan at alam nilang pareho na maraming mas malapit na pwedeng kainan ng lunch but she somehow managed to pursuade her friend.

            “Wala no! Para iba naman! Lagi nalang tayong dun kumakain suyang suya na ko eh.” Pagsisinungaling at pagdadahilan niya habang patuloy silang naglalakad.

            “Sus! Dahilan ka pa dyan! Gusto mo lang naman makita si Ralph eh.” Sabi ni Roby sa kanya habang papasok na sila sa building ng university mall kung saan makikita yung kakainan nila.

            “Shhh wag kang maingay baka may makarinig sa’yo edi nabuko yung pagkagusto ko sa kanya!” Sabi ni Anica in a hushed voice.

            “Huli ka! Sabi na nga ba eh. Ba’t naman kasi di mo nalang sabihin sa ate mong sa inyo sila tumambay tambay para lagi mo siyang makita. Tignan mo ngayon maski makita man natin siya hagardo versosa na tayong dalawa. Para tayong naghiking! Ang init ang layo pa tapos ang lagkit ko na, hulas na hulas na yung make-up ko, baskil na ko oh!” Reklamo ni Roby sa kaibigan habang wala siyang tigil sa pagpupunas ng pawis niya. Si Anica naman palinga-linga na parang may hinahanap habang papasok sila sa kainan.

            “Eh atleast makikita ko yung handsome face niya! Di ko naman sinabi na magpapakita ako sa kanya, syempre looking from afar muna at saka kakatapos lang nung project nila ni ate eh sana nga tambakan pa sila ng group works at projects nung professor nila” Mahinang sabi niya sa kaibigan na sabay nilang ikinatawa.

            Ralph Cruz. Pangalan lang naman yan ng taong matagal nang crush na crush ni Anica.

            Naalala pa niya nang una niyang makita ang binata, pasakay na siya ng LRT pauwi galing sa first day niya bilang college student noon, hinayang na hinayang pa siya dahil wala ni iisang pogi sa block niya. Excited pa man din siya dahil iniisip niya na pagtungtong niya sa college makakakilala siya ng mga gwapong lalake lalo na’t engineering ang kurso niya pero sabi nga niya ‘expectations lead to disappointments’.

            Disappointed, yan siya ngayon. Lumilipad ang isip habang naghihintay sa susunod na LRT. Maski sa sakayan man lang ng LRT ay kanina pa siya tingin ng tingin sa kaliwa at kanan niya pero wala siyang namataang papasa sa standards niya hanggang mapatingin siya sa harapan at parang nagslow motion lahat dahil nasa harap niya lang pala ang hinahanap niya all along. Nasa kabilang bahagi ng LRT ang man of her dreams, ang lalaking makakapagpapalpitate ng puso niya.

            Nakatayo lang ang lalake sa kabilang bahagi ng tren habang nakaearphones at paunti unting ginagalaw ang ulo na parang sumasabay sa kung ano mang pinapakinggan nito. Sa paningin ni Anica sa sandaling iyon ay para siyang nanunuod ng isang commercial na may napakagwapong bida. Perfect height, lean body, perfect face and clean looking.

             Nanlaki ang matang tinignan niya ito ay nakatingin na din ito at nakangiti sakanya kaya naman madali niyang hinalungkat sa bag ang salamin niya, mahirap nang mapeke sa panahon ngayon kasi baka naman pogi lang pala ito pagmalayo’t nanlalabo ang mata niya pero wala nang dating sa oras na malinaw na ang paningin.

            Sobrang taranta niyang kinalkal sa bag ang salamin niya pero bago pa man niya ito naisuot ay dumating na ang tren sa kabilang panig ng LRT at naiwan nalang siyang hinahabol ito ng tingin.

Anica's Story: 10 days, 1 wish (one-shot)Where stories live. Discover now