Prologue

8 0 0
                                        

Prologue:

“Miss Tolentino, I’m sorry to say this to you but, you need to know this.”

Napatitig ako sa doctor na nasa harapan ko at nakatayo habang nakayuko sa akin na kasalukuyang nakahiga sa isang hospital bed. Napabuntong hininga ako at nagsisimula ng kabahan. Nanghihina na rin ako, dahil parang mas lalong lumalala ang kirot sa ulo ko. Ayoko ng ganitong usapan. Ayoko ng uri ng tingin na ibinibigay niya sa akin. Ayokong marinig kung ano man ang sasabihin niya, ngunit suwail ang mga bibig ko at bigla na lang umusal ng mga salita.

“Ano ho ba iyon Doc? Diretsuhin niyo na po. Hindi pa naman ata ako mamatay, hindi ba?” natatawang sabi ko, para lamang maitago ang kabang nagsisimula ng kumain sa dibdib ko.

Nagpakawala muna siya ng hininga bago ako mariing tinitigan. “Ayon sa findings, malubha na ang sakit mo, at ang maaari na lang na magpagaling sayo ay ang pagpapagamot sa ibang bansa, dahil hindi kaya ng hospital namin na pagalingin ka.” Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin ng malungkot.

Nagsimula ng uminit ang mga sulok ng mga mata ko sa nalaman. Pilit kong nilulunok ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko, pero kahit anong gawin kong lunok ay hindi pa rin ito nawawala. Pilit ko ring pinapahinahon ang kirot na unti-unti ng lumulukob sa akin. Kinakain na ako nito ng buhay.

“Ilang araw na lang ba ang meron?” nagpasalamat pa ako ng masabi ko ito ng buo at diretso.

“Pwede ka pang mabuhay kapag nagpagamot ka sa ibang bansa Ms. Tolentino.” Mahinahong sabi nito sa akin. At doon na napakunot ang noo ko.

“Gumaling? Pinagloloko mo ba ako? Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Hindi biro ang pagpapagaling sa ibang bansa! Sa tingin mo ba napupulot lang ang pera na gagastusin naming doon? Sagutin mo na lang yung tanong ko! Ilang araw na lang ba ang itatagal ko dito?!” Sigaw ko sa kanya habang tumutulo na ng tuloy-tuloy ang aking mga luha.

Sinimulan ko ng punasan ang mga luhang tuloy-tuloy sa pagtulo sa mukha ko, pero kahit anong gawin ko ay hindi ito tumitigil. Walang tigil at parang hindi nauubos. Hindi na rin ako makahinga ng ayos dahil sa pag-iyak. Kahit ano mang pilit ko sa sariling huminahon ay hindi ko na kaya, mahirap kalabanin ang sarili. Dahil sarili mo na mismo ang napapakitang hindi mo na kaya.

“I-Ilang araw na lang ba doc?” napapiyok pa ako sa huling salitang binitiwan ko. Gusto kong malaman. Gusto kong malaman.. Pero sa isipang ilang araw na lang ang itatagal ko sa mundong ibabaw ay mas lalo akong nanghihina, mas lalong hindi matigil sa pagluha ang mga mata ko. Gusto ko malaman pero natatakot ako. Natatakot ako sa malalaman ko. Ironic? Ganoon naman talaga diba? Ganoon mag-isip ang mga tao, kahit masasaktan, susugal pa rin. At kahit sa ganitong sitwasyon, pilit pa ring susugal.

Muling nagpakawala ng hininga ang doctor na nasa harapan ko bago sabihin ang mga katagang magpapabago ng mga huling takbo ng buhay ko…

“Seventy-three days, Ms. Tolentino. You only have less than three months.”

At doon ay iniwan na ako ng doctor na luhaan at nanghihina, habang paulit-ulit sa aking isipan ang mga huling katagang sinabi niya. Seventy three days… I only have less than three months.

To be continued...

Seventy-Three DaysStories to obsess over. Discover now