“Kanina pa ba tayo nakarating?” Pasigaw na tanong ko. Nangingibabaw ang ingay ng elisi mula sa aming sinakyan. Ang helikopter.

Tumango naman ito at inilahad ang kanyang kamay. Masaya ko naman itong tinanggap at marahan ako nitong tinulungan pababa.

“Bakit hindi mo kaagad ako ginising, nakakahiya pinaghintay pa kita.”

“Hindi na kita inabalang gisingin. Mukha kasing pagod na pagod ka. Ayos lang iyon hindi naman tayo nagmamadali.” Aniya.

“Saglit lang, paano ang mga gamit natin, bakit natin iniiwan doon?” Hinila na ako nito paallis sa aming kinatatapakan kanina.

“Hindi mawawala ‘yun. Kumain na muna tayo.”

Nagpatiudtod na lamang ako sa kanya. Kunot ang noo ko nang inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Palibog na ang araw ang aking natatanaw. Wala pang sampu ang katao ang naririto sa aming kinalalagyan. Purong kalangitan lamang ang aking natatanaw at matataas na gusali.

“Na saan tayo?” Takang tanong ko rito. Pumasok kami sa isang kwarto na puti ang buong paligid at may iisang pintuan na may hati sa gitna. Kung hindi ako nagkakamal ay elevator ito.

“Condominium.”

 “Condominium? Ang akala ko ba ay gusto ako makita ni Mrs. Garcia?”

“Yeah, it’s true, but not now. We need to eat and rest first.”

Bumukas ang pintuan at elevator nga ito. Napapaligiran ito ng salamin. Kitang kita ang bawat kilos.

“Kung gayon pupunta tayo sa bahay niyo? Ayos lang ba na ganito lang ang suot ko?”

                                                                                               

V-neck plain pink t-shirt, jeans at naka-flat shoes lamang ang suot ko ngayon.

“Hindi. May sarili akong bahay, hindi natin kailangan pumunta doon. At hindi mo kailangan mangamba sa suot mo, lalo na’t simple lang. Wala akong problema.” Aniya.

“Kung sayo walang problema paano naman kung magkita kami ni Mrs. Garcia na ganito ang suot ko? Nakakahiya.”

“Kailan ka pa na-insecure sa pananamit mo? Sinabi ko na sayo kanina na iba ang Mommy ko sa iniisip mo. ‘Wag mo nang problemahin ang ganoon mga bagay, narito tayo para magbakasyon at hindi mamoblema.”

Nag-tititigan kami gamit ang salamin na nasa elevator na ito. Maya-maya pa’y bumukas na ang pinto at lumabas kami sa isang magarbong lugar. May iilan rin na tao ang naririto sa nasabing lugar. Mga babae na sopistikada kung manamit. At mga lalaki na kagalang-galang.

Sa bawat daan na tinatahak naming ay may mga matang nakamasid. Tila bagang sinusundan ang bawat kilos namin na dalawa, may mga mata rin na may panunuya kung tumingin.

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now